Daylight's End
Offer
"Iba ang liwanag mo ngayon... parang iba ang kinang, eh. Anong ginawa mo?"
Hindi ko maiwasang mamula sa pang uusisa ng kaibigan sa unang araw ng Lunes. Kanina niya pa ako sinusuri at naasiwa na ako sa paninitig niya.
"W-Wala akong ginawa!"
Hindi ko alam ang sinasabi niyang kinang o liwanag. Malamang mainit ang sikat ng araw kaya liliwanag talaga kami.
Talaga? Eh, bakit tumalon agad ang isip mo doon sa nangyari sa inyo ni Rouxe, ha? Sabi ng isip ko.
I shook my head with my thoughts. Hindi ka nakakatulong!
"Ba't naninigaw ka! Nagtatanong lang naman ako kung anong skin care ang gamit mo kung ba't gan'yan nalang kakinis ang balat mo! Ang damot nito..." He crossed his arms and nudged me.
Natauhan ako sa sinabi niya. Iyon ba? Tumikhim ako at inayos ang pagkakasabit ng bag.
"Wala naman akong ginagamit..." Mas mahinahon kong tugon.
"Sus! Kunware wala pero sandamakmak ang gamit! Walang may gan'yang kutis na walang sekreto 'no!"
"Bakit? Nakita mo ba akong nagdala ng make up?" Hamon ko.
Mukhang napagtanto naman nito ang sinabi ko at natigil upang titigan ang mukha ko. He looks doubtful as he scanned me. Naningkit kalaunan ang mata nito.
"Bakit parang nagkalaman yata ang dibdib mo? Wala namang umbok iyan dati..." Natakpan ko ang dibdib ng wala sa oras at napalo ang mukha nito sa hawak na binder. He squealed and touched his face. Nanlalaki ang mata.
"Ang bastos mo!"
Anong walang umbok dati? Katamtaman lang naman ang laki nito! Hindi malaki at hindi rin maliit. Ang kapal ng mukha niya! Sinasamba nga ito ni Rouxe tapos iinsultuhin niya— wait, what?!
Jeez... kailan pa ako nag isip ng marumi! Simula yata ng nangyari ay naging marumi na ang pag iisip ko.
This is all his fault!
Iniwan ko ito sa kinatatayuan na hindi makapaniwala sa ginawa ko at nagmadaling pumasok sa unang klase ngayong araw.
Lunch came at sakto naman ang pagtawag ni Rouxe ng araw na iyon. He's at the site today kung saan may bagong pinapatayong gusali sa kanila at nag oobserve. Hindi ko lang alam kung nakabalik na ito. Ngayon lang siya napunta roon at kadalasan ay nasa kompanya lamang ito at may inaasikaso rin. Makakapagpahinga na ang ama nito dahil dalawa na ang humahawak sa trabaho nito. He must be so proud at his sons.
"Have you had your lunch already?"
"Kakain palang. Ikaw? Wala ka pa sa opisina mo?" Binitbit ko ang bag at lumabas na ng room. Nakabuntot naman sa'kin si Wallace. Tinaas ko ang kamay ng akma itong magsasalita. Tinuro ko ang phone na ikinairap niya.
"I'm still at the site. Sinong kasama mo kumain?"
"Si Wallace,"
He sighed on the other line like he's tired hearing that name. Tumawa ako ng mahina. Napalingon ang katabi ko sa pagbanggit ng pangalan nito.
"Stop being friends with that gay. Lalaki pa rin iyan..." I bet his brows were now furrowed in dislike.
"He's harmless." I replied.
"I gotta go now. Kakain na kami. Bon appetit!" Bumungisngis ako sa tanging salitang alam ko sa lahi nila. Sometimes he would utter foreign words at me na ikakatanga ko lang at tatawanan niya.
BINABASA MO ANG
DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)
Romansa"Like a rubber band, no matter how far you try to take a step away, in the long run, you'll end up with me."