Daylight's End
Kiss
"I'm not really hungry." I voiced out kahit kabaliktaran nu'n ang nararamdaman ko ngayon.
Namulsa ito sa harap ko at naghahamon ang mata na tinitigan ako pabalik. Tinamaan ako ng hiya sa katawan nang malaman na ipinagluto niya ako dahil hindi pa kumakain. It just made me so guilty for some reason. At the same time natutuwa rin ang kaloob looban ko.
I was expecting him to ignore me like I did not exist. Pero naalala kong ang sabi niya lang ay hindi na siya makikialam sa kung ano man na parte sa'kin. Ngumuso ako at tinungo ang malikot na alaga ni Farah na pilit bumababa sa bisig ko na tulad ko ay nakaramdam rin ata ng pagkabalisa sa taong nasa harap namin.
Stay with me, Cami. Kahit samahan mo lang ako ng ilang minuto.
"But your stomach says otherwise." Umiwas ako ng tingin at namula. He was able to hear that?
Sa pag iwas ko ay nakuha ng mata ko ang niluto niyang ulam para sa'kin. It's a delicious creamy crab soup na umuusok pa kaya naamoy ko ang mabangong aroma nito. I gulped at that. Tempted to eat the whole bowl at nadagdagan lang ang gutom ko.
Napabalik rin ako sa sarili nang kunin nito si Cami sa'kin matapos ay pinaghila ako ng upuan. Wala ng hiya akong umupo at nang lumabas siya sa dining area ay agad ko namang nilantakan ang ulam.
Kumalat sa bibig ko ang lasa ng krema at nakailang higop ako ng sabaw bago napagpasyahang sirain na ang katawan ng crab sa isang plato.
I tried to crack its legs using my teeth at nang magawa ay kinain ko rin ang laman nu'n. It's funny because the cracking sound sounds like I'm munching a whole rock in my mouth kung papakinggan.
Busy ako sa pagkagat ng panibagong legs nito nang pumasok si Roux at naabutan ako sa ganoong posisyon na parang daga na may nakasuksok na pagkain sa unahan ng mga ngipin.
"Anong ginagawa mo? That's not how to eat. You'll scrape your gums." Aniya bago kinuha sa bibig ko at ibinalik sa plato.
Naghugas muna ito ng kamay at kumuha ng gunting sa isa sa mga cabinet sa may sink malapit. Matapos ay tumayo ito sa tabi ng upuan ko at yumuko.
Ibinaba niya ang gunting at sinenyasan akong ibuka ang bibig.
"Open your mouth and show me your teeth so I can see." Utos nito at seryoso sa pinapagawa. Walang pag aalinlangan naman akong tumingala at ipinakita ang ngipin sa kan'ya.
Hindi pa nakuntento at hinawakan ang baba ko upang makita ang gums ko sa harap. He crouched more and tilted his head to the side until his face were inches apart from me at tila ine-examine niya talaga ng malapitan. I can literally smell his bubblemint breath and perfume so as his poreless face. Wala naman akong naramdamang masakit at tingin ko ay hindi naman nasugatan.
"Saan mo dinala si Cami?" Basag ko habang ginugunting niya ang matigas na shell ng crab upang makuha ang laman.
Naalala kong umuwi si Farah sandali at iniwan sa'kin ang tuta niya. I opened my mouth to receive the meat from the crab na nakuha niya.
"I gave it to Dreau since he likes puppy, too."
My lips protruded. Baka kung anong gawin sa alaga ni Farah. Paniguradong pagt-tripan niya lang iyon.
Tumitikim rin siya ng luto niya habang nagbabalat. Panghuling subo ko na ng kanin nang lagyan niya ng panibagong ulam ang plato ko. Malagkit iyon tignan at kulay berde na maliliit na bilog ang hugis na ang iba ay halatang durog durog. It's texture doesn't look okay. May nakita akong baby shrimps doon na nakahalo at iba pang hindi ko na makilala.
BINABASA MO ANG
DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)
Romance"Like a rubber band, no matter how far you try to take a step away, in the long run, you'll end up with me."