Encounter
That man with tanned skin complexion. Charcoal eyes. Brown mohawk hair that has shade on the left side. Has five eight height. He who displays perfect V-line and well-toned abs wearing a black board shorts while carrying a black garbage bag. And has a lip-piercing!
I hate that guy. Sorry, Lord. I mean it. Mukha siyang gwapong adik.
He has the looks and the attention-getter body that will surely make every woman drools, yes. But! I am the only exception.
"Sinabihan kaya akong walang modo! Sige nga, sino matutuwa? Huh?" I rant, crossed my arms.
Raia rolled her eyes at me. "Bakit kasi nagtatapon ka ng basura roon? Tanga mo rin, e."
Pagpasok na pagpasok ko pa lang ng kwartong inokupa namin sa La Luz Resort, kinuwento ko agad sa pinsan ko ang nangyari kahapon pagdating namin.
I canʼt believe that she will say this to me. How pathetic! Mabuti na lang at pinsan ko siya dahil kung hindi? I might throw insults against her!
"Nakita ko lang ang basura roon, okay? Hindi ko alam na naroon din siya bilang "President of the Trash"!" Umakto pa ang daliri ko ng panipi sa ere.
"Thrana, your mouth! Mamaya nariyan lang sa paligid iyon. Hindi ka nag-iisip." Sermon ni Raia sabay higop sa juice na hawak.
Dinampot ko ang mamahalin kong shades at isinuot. "Iʼll walk on the seashore. Hindi ka sasama?" Pagbabago ko ng usapan.
Mas mabuting hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga gaya ng taong iyon. Ang ganda ko ay hindi nababagay sa mga gaya niyang mayabang.
"Nope. My feet ached. Bumalik ka lang agad at baka hanapin ka sa akin ni Kuya Luke." Paalala niya.
I smirked. This woman is so tamad. Ever! Everytime na pupunta ako sa bahay nila, palagi na lang siya nakatengga sa loob ng kwarto niya.
"Reasons!" Tinalikuran ko ito at naglakad papalabas muli ng aming silid.
Ang hangin ng dapit-hapon ang sumalubong sa aking balat. Ang indayog at pagaspas ng dahon sa puno ay sumabay sa ritmo ng hangin. Ang lamig nito ay tila tumanim yata sa aking balat.
I smiled as I closed my eyes. Vacation feels, indeed. I feel like I was finally free.
"Aray!" Daing ko nang may tumamang bato sa binti ko.
When I opened my eyes, I saw the garbage collector from yesterday, right here, standing in front of me!
"Pasensya na, Miss. Napalakas ang pagkakasipa ko sa...bato." Mahinahon niyang sinabi.
I clenched my fist, looked at him irritatingly. "Nananadya ka ba?"
He scoffed. "Nagso-sorry ang tao, aakusahan mong nananadya? Ganiyan ba kayong mayayaman?" He pauses, smirking. "Mga mapagmataas?"
I let an insulted sigh. The nerve of this guy! Stereotyping, huh? Siya na nga itong may atraso sa akin, siya pa may ganang umakto ng ganito?!
"Ang yabang mo naman yata masiyado?" I occupied his personal space. He didn't move, just looking at me. Bahagya ko siyang tiningala dahil sa nakakainsulto niyang taas. "Ikaw na nga ang may kasalanan, ikaw pa may lakas ng loob mang-insulto?"
He chuckled insultingly. "Saang banda ka naman na-insulto, Miss? Nag-sorry na nga, 'di ba?"
"Labas sa ilong mo iyon. Sorry lang pero walang feelings!" I hissed.
His jaw clenched. "Iʼm sorry...with feelings." He said sarcastically. "Ano, masaya ka na?"
Pinigilan ko ang sariling mainis dito. Napaka pilosopo! I made a step, he step back. "Is that your way of apologizing?"
BINABASA MO ANG
Indestructible Waves (Phases of Poison #1)
RomancePOP 1/3 At no time did 17 -years-old Winter Avianna La Galliene feel insecure of another woman because she knew she had defenses - beauty, talent, charisma and wealth. But when her path meets this Trojan Archival Alviejo, an engineering student at t...