Eulogy
Alas-dos ng hapon ang alis namin. Kaya nitong umaga ay inayos namin ang mga dapat ayusin bago iwan ang Pilipinas. Ngunit may isang bagay pa akong kailangan gawin.
“¿Podemos pasar por la casa de Troy antes de continuar en el aeropuerto?”
Binalingan ako ng tingin ni Tito Siegfried dahil sa sinabi ko. Gusto kong bago kami pumunta sa airport ay dumaan kami sa bahay ni Troy. I just want to see him one last time because I don't know when will be the time we will see each other again.
Nakapag paalam na ako sa school ko, pumayag sila kahit nanghihinayang. Baka sa Spain na lang ulit ako magpatuloy sa pag-aaral. Iyong planong celebration para sa debut ko, baka sa Spain na lang din ituloy. Sina Tito Ace ang umasikaso ng bagay na iyon. Hindi ko na lang pinagtuonan pa ng pansin.
“Will you say goodbye to him?” He asked.
Naramdaman ko ang mabilis na pag-iinit ng gilid ng mga mata ko dahil sa tanong ni Tito. Umiling ako at nagbaba ng tingin sa sariling kamay. “N-No. I just want to see him.” Sambit ko sa mababang tinig.
Tito Siegfried then grabbed me and enclosed me in his arms. He kissed my hair the way my daddy did. “Don't cry, baby. Your dad won't be happy if he'll see you in tears. Come on, hushed now.”
Tumango ako at nagpunas ng luha. Hindi ako maaaring maging mahina ngayon. I want my parents to be proud of me. In every thing that I'll do, I should be tough enough to get through them.
Sa mga susunod na darating ang araw, hindi ko alam kung paano ko ihahakbang ang mga paa kong tila nabali at nawalan ng pandama matapos mawala ng aking mga magulang. Pakiramdam ko, gumuho lahat ng bagay sa paligid. Sa isang iglap, nagbago ang lahat.
“I'll be waiting right here, Thrana. Go, check him in his house.” My uncle Siegfried smiled at me.
I nodded slightly and then get out of the car. Nilakad ko ang ilang metrong layo ng bahay nina Troy mula sa pinagparadahan ni Tito Siegfried ng kotse.
“Gusto kong marinig mula sa'yo ang sagot, Dominic! I want to know why did you choose to lose me?”
Isang tagpo ang nagpatigil sa paghakbang ng aking mga paa palapit sa tarangkahan ng bahay nina Troy.
Bahagya kong itinago ang sarili sa poste ng ilaw at pinanood ang kaganapan sa pagitan nina Tita Maricar, Tito Dominic at Tita Monifeth. Habang nasa paligid sina Troy, Parthenon, Tramo at si Lucille. Anong ginagawa niya rito? Anong ginagawa nilang lahat sa bahay nina Troy?
“Stop this, Maricar. We're done, alright? It's done!” Pigil ang inis na sabi ni Tito Nic.
I witnessed how Troy tries to comfort his sobbing mother while looking hopelessly at Tito Nic. “I want to hear your answer, Dominic. I'm nobody's option! Why did you choose to lose me?” Halos ikabasag iyon ng puso ko.
Nang tingnan ko si Tita Monifeth, nag-iiwas siya ng tingin sa dalawang magkaharap habang pasimpleng pinupunasan ang luha sa mata. Ano bang nangyari sa pamilya mo, Troy?
“Dominic...mahal mo ako! Mahal na mahal mo ako. But why? Why did you choose to lose me?”
Doble ang pagkadurog na naramdaman ko nang sandaling ibalik kay Troy at sa ina niya ang aking paningin. Troy's eyes were swollen while looking at his broken mother.
“Uuwi na kami. Walang kwenta ang usapang ito, Maricar.” Malamig na sinabi ni Tito Nic bago talikuran sina Tita Maricar.
Ngunit mabilis na humarang sa daraanan niya si Tita Maricar. Bumagsak ang luha nito ng sunod-sunod. “Why, Dominic?”
BINABASA MO ANG
Indestructible Waves (Phases of Poison #1)
RomancePOP 1/3 At no time did 17 -years-old Winter Avianna La Galliene feel insecure of another woman because she knew she had defenses - beauty, talent, charisma and wealth. But when her path meets this Trojan Archival Alviejo, an engineering student at t...