Snob
Hindi mawala sa isip ko ang bagay na napagtanto ko. I mean it's not impossible since they all have the resemblance to one another, and it's obviously showing.
Pero kung hindi naman ako tama sa naiisip ko...pero parang tama talaga!
Padabog kong isinandal ang likod sa sofa, natulala sa chandelier. Pinaglaruan ko ang straw ng iniinom kong ice tea.
Bukas ay pasukan na sa National University. Third year college na ako. Bakit hindi ako excited?
“Oh, anak. Bakit nakabusangot ang mukha mo? Wala ba kayong pupuntahan ni Raia, pasukan na bukas sulitin niyo na last day ng bakasyon.” Ani mommy, naupo sa harapan.
Umiling ako. “Nakakatamad pong gumala, mommy.”
“Kung sa bagay. Mas magandang nagpapahinga ka at ikino-kondisyon ang isip para bukas.”
Suddenly, a thought came across my mind. I carefully put down my ice tea glass on the center table, sat properly on my seat. “Mommy,” I called.
She's busy texting on her phone but she managed to replied, “Yes, baby?”
“By chance.. Do you know someone who has Alviejo as surname?”
Mukhang nakuha ng tanong ko ang atensyon ni mommy. Natigil nito sa pagtitipa sa kaniyang phone. Nanliit din ang mga mata nang ako ay tingnan, nagdududa. “Bakit mo natanong?” Tanong niya.
I shrug my shoulders.
“Winter Avianna La Galliene?” Sumeryoso siya.
I cussed under my breath. “May client kasi sa salon na madalas nating puntahan na Alviejo ang surname...” Baka po kilala niyo si Trojan.
“So?”
“Anong so, my?” Kumunot ang noo ko.
She crossed her arms, raised her right brow which wears a MAC perfect eyebrow. “So what if we know someone whose surname is Alviejo?”
I winced. Sana pala ay hindi ko na itinanong. Wala rin palang makukuhang sagot. “Forget it, mom.”
Tatayo na ako upang pumanhik pabalik sa taas nang magsalita si mommy. “Kumpare ng daddy mo si Dominic Alviejo. Iyon lang ang kilala ko.”
Uh. Dominic Alviejo... Siya siguro ang daddy ni Trojan na kinamumuhian niya. Iyong may anak sa ibang babae.
Err. What am I inserting that guy's name, by the way?
“Bakit mo natanong, Thrana?”
Tipid ang naging pagngiti ko. Hindi ko rin alam kung anong sagot doon—hindi ko naman talaga alam bakit pa ako nagtanong. Para saan? Such a waste.
“Akyat na po ako sa taas, my.”
“Siya nga pala, mag-prepare ka na maya-maya. Darating na ang iyong daddy, may pinuntahan lang saglit.”
“Yes, mom.”
Right. It's Sunday today. Family bonding. Mamayang hapon ang gig ng Electrolux. Hindi ko pa talaga sure kung makakasama ako. It depends if mom and dad decided to go home as early as possible from wherever they want us to bond.
8:30? Sa tantiya ko ay baka gabihin na rin kami ng uwi kaya wala talagang pag-asa na makasama ako kina Raia at Adira, kapatid niya.
I sighed, stared on Archie's gig performance on Instagram kahit hindi naman mukha niya ang kita. Gusto kitang makita ulit at marinig kumanta. Ibabalik ko rin ang leather jacket na ipinahiram mo.
BINABASA MO ANG
Indestructible Waves (Phases of Poison #1)
RomancePOP 1/3 At no time did 17 -years-old Winter Avianna La Galliene feel insecure of another woman because she knew she had defenses - beauty, talent, charisma and wealth. But when her path meets this Trojan Archival Alviejo, an engineering student at t...