Guilt
Working is no joke especially when you have no money. When you badly need it. Iyong pagod, pawis at pananakit ng katawan ang puhunan para makaraos.
Maswerte ang mga taong gaya ko na ipinanganak sa marangyang pamilya. Kung isa siguro ako sa mga gaya ni Trojan na kailangan magtrabaho para suportahan ang sarili ay baka hindi ko na kinaya.
Medyo maarts ako. Being maarte is good. At least, you know how to select things over nothing.
“Ganiyan ba ang hindi crush? Kung titigan mo 'yong tao—tagos!”
Binalingan ko si Raia na nasa katabi kong beach deck. Hindi niya nakita ang masama kong paninitig dahil nakatanaw din siya sa direksyon ni Trojan.
“Manahimik ka nga. Hindi naman si Trojan ang tinitingnan ko.” Pagtanggi ko.
“Don't me. Si Trojan at ang babaeng receptionist lang naman ang magkasama, oh. Alangan namang titigan mo si ateng?” Pambabara niya.
Inayos ko ang pagkakaupo ko sa beach deck. I crossed my glamorous legs. “Excuse me? Why will I stared at Trojan in the first place?” Okay. I am denying it.
Raia smirked. “Baka nagseselos ka?”
I groaned. “Oh, come on. Bakit ko naman mararamdaman iyon, ha? Sino siya?”
Ganito ang isang Raia Mereia La Galliene. Malisyosa! Tiningnan lang, may meaning agad. Issue-maker.
Ibinaba nito ng bahagya ang suot niyang sunglasses bago pailalim akong tiningnan. “Kung hindi kita kilala baka napaniwala mo na ako sa mga sinasabi mo. Paano ba 'yan? Simula pagkabata tayo na ang magkasama kaya kilalang-kilala na kita.”
Inirapan ko ito dala ng pagkatalo. Isinuot ko ang aking channel sun glasses bago tumayo. Nawalan na ako ng gana mag-sun bathing!
“Walk-out queen, Thrana?!” Natatawang pahabol ni Raia nang mabilis akong naglakad paalis.
Badtrip. “Bahala ka sa buhay mo, maldita.”
“See? Masyado kang transparent, girl!”
Hindi ko siya nilingon o sinagot man lang. Dumiretso ako sa beach mismo at tumambay sa maliit na kubo. Gusto ko pa sana mag-swimming doon dahil swimming pool naman pero dahil badtrip na ako, tatambay na lang muna ako rito at pagmamasdan ang asul na asul na dagat sa harapan ko.
When I see the tamed waves coming back to its shore, I feel calm. Watching such fascinating views like this is a great opportunity to relax. Hindi ko pinagsisisihan na dito ko piniling mamalagi.
Tumingala ako sa kalangitan. Kaugnay ng dagat ang kulay nito. Ang malamig at sariwang hangin na dumampi sa balat ko ay nagpapahayag ng kapayapaan. Ang mumunting bulong ng alon mula karagatan ay parang musika sa aking pandinig, ang sarap pakinggan.
When we're having trouble in our life, never forget that there's nature who's willing to listen in our rants.
Pero wala naman akong iba pang problema. Gusto ko lang magdrama, ganda ng dagat kasi.
“Sea is majestic, isn't it?”
Muntik na ako takasan ng puso dahil sa taong biglaang nagsalita mula sa gilid ko. Tinanggal ko ang suot na channel shades upang makumpirma na tama akong si...
“Trojan? Kanina ka p-pa?” Damn. Ayos na sana kung hindi lang nautal! Tatayo na sana ako kaya lamang ay mabilis siyang naupo sa tabi ko. “H-Hey.” Bahagya akong umusod.
“Bakit narito ka? Baka mangitim ka, sayang ang ganda ng balat mo.” Sabi niya, nasa dagat naman ang paningin.
I raised my right brow. “So what? Hindi naman ikaw ang mangingitim, ako. Don't tell me what to do.”
BINABASA MO ANG
Indestructible Waves (Phases of Poison #1)
RomancePOP 1/3 At no time did 17 -years-old Winter Avianna La Galliene feel insecure of another woman because she knew she had defenses - beauty, talent, charisma and wealth. But when her path meets this Trojan Archival Alviejo, an engineering student at t...