(Sorry if it takes days for me to post the last part. I was sick that time and I needed to get rest. This is the first installment of POP Series. Get in touch with the next. Thank you. Good mornight!)
_______TROJAN ARCHIVAL ALVIEJO
Siya ang babaeng pangangakuan ko ng kasal. Kailangan kong magtrabaho ng maayos upang magkaroon siya ng magandang buhay sa akin. Itong babaeng ito ang bubuo sa buhay at bahay ko. Hindi man siya ang una kong ginusto ngunit sisiguraduhin kong siya ang huli. Ang sarap niyang ingatan. Sabi ko sa sarili nang makilala ang isang Winter Avianna La Galliene."Pre, nakita mo na ba 'yong bagong guest ng resort? Tangina, chicks na chicks!"
Tinapos ko ang pagbubuhol sa plastic ng basurahan. Sinulyapan ko ang mokong na si Arvo Martinez. Nakuha pa ng gagong ngumisi. “Hindi ako interesado,” sabi ko at nilampasan siya.
Humarang ito sa daraanan ko. Nakakainsultong tawa ang nilikha ng bibig niya. “Dude, ang boring naman ng buhay mo. Paminsan-minsan, lumandi ka rin. O hindi kaya nama'y tumambay sa beerhouse. Sagot ko na!”
Walang kwenta. I scoffed. “Wala akong panahon makipag landian sa kung sino-sinong babae. Hindi maganda sa kalusugan 'yon.” I lectured and smirked at him. “Pass, busog.”
May limang segundo pa yata ang lumipas bago siya nakabalik sa pambihira niyang wisyo. “Anak ng tinapa't daing, Trojan! Paano ka magkaka-girlfriend niyan, langya—”
“Shut up.”
Tinawanan ako nito. “Hoy, pre! Kahit minsan lang?”
“Pass.”
“Maraming chicks—”
“Tangina mo.”
Inilingan ko lamang ito. Iniwan ko siya na tumatawa lang at dumiretso sa tapunan ng mga basura.
Maraming magagandang babae ang lantaran ipinapakita ang admirasyon nila sa akin, sa trabaho man o sa paraalan. Ngunit ni isa sa kanila ay walang nakapukaw ng atensyon ko. Dahil alam ko ang gusto nila.
Make me their boyfriend and proudly presents to their circles. As well as adding me in their lists.
If I would be given a chance to date someone, I will guarantee, that is for marriage.
“Badtrip,” usal ko nang madumihan ang suot kong uniporme dahil sa basurang bitbit ko.
Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang hubarin na lang iyon. Mula sa hindi kalayuan, napansin ko ang babaeng abala sa pagkuha ng litrato ng bangkang papalapit sa dalampasigan.
Ito yata ang babaeng tinutukoy ni Arvo. Lihim akong napangiti nang may bagay na pumasok sa isip ko.
May papel na nakakalat sa tabi niya. Dinampot ko iyon bago lumapit sa kaniya.
Sinadya kong iharang ang hubad kong katawan sa tinatanaw niya habang hawak ang papel. Tangina, bakit ang ganda nito?
Her forehead puckered as she looked at me. "Hey, why are you blocking my camera view?"she asked while fixing her summer hat.
Ipinakita ko rito ang papel. Bumaba ang paningin nito sa gusumot na papel na hawak ko.
"Miss, hindi ka dapat nagtatapon ng basura rito."
BINABASA MO ANG
Indestructible Waves (Phases of Poison #1)
RomancePOP 1/3 At no time did 17 -years-old Winter Avianna La Galliene feel insecure of another woman because she knew she had defenses - beauty, talent, charisma and wealth. But when her path meets this Trojan Archival Alviejo, an engineering student at t...