Jealous
"This is for you, Trojan. Sana ay magustuhan mo." Tinanggap ni Troy ang maliit at itim na paperbag na binibigay ni Lucille sa kaniya na kung hindi ako nagkakamali ay pagkain ang laman. "I've cooked it for you."
Sinong gaganahan harapin ang umaga kung ganito naman ang bubungad sa'yo? Humalukipkip ako.
"Nag-abala ka pa."
"Don't mind it. I'm just doing my part." Tawa pa ni Lucille.
"Thrana, tara na. Maiiwan na tayo ng bus, oh." Si Jen, kaklase ko.
Hindi ko siya pinakinggan. Ayaw mawala ng paningin ko kay Lucille at Troy. Hanggang ngayon ba ay hindi niyo ako napapansin dito?
Pinigilan ko magselos nang ngumiti sa kaniya si Troy. Kumunot ang noo ko nang bahagyang ilapit ni Lucille ang mukha sa tainga ni Troy at tumatawang bumulong.
"Girl, tayo na lang ang kulang sa bus. Tara na kasi. Ano bang mayro'n diyan kay Lucille at kay Trojan at ganiyan mo kung panoorin? Fan ka?"
Mabigat ang loob kong tinalikuran sina Troy bago sumakay ng elevator. Sumunod sa akin si Jen na nagtataka sa biglaang pagbabago ng aking mood. Hindi na lang ako nagsalita.
Umaga pa lang sira na araw ko. Ang akala ko ay susunduin ako ni Troy sa bahay kaya hindi na ako nagpahatid sa driver namim. Late na tsaka pa lang siya nag-message na kinailangan niya mauna sa klase dahil may demo raw. Kung ganoon pala, ano iyong nakita ko? Bakit naroon sa Engineering building si Lucille?
Isang buntonghininga ang pinakawalan ko pagkaupo sa bus na magdadala sa aming klase sa Manila. Wala sa training ang utak ko. Wala sa mangyayari ngayon kung hindi na kay Troy. Noong isang gabi lang ay sinabi niyang hihingi na siya ng permission sa parents ko para ligawan ako tapos wala pang isang linggo ay ganito na?
"Miss, can I sit here?"
Tiningnan ko ang taong nagtanong. I was half surprise when I see Archie or I should call him Creon Azlan? What is he doing here?
"Why are you here?" Wala sa sariling napaayos ako ng upo.
He smiled and his smokey eyes glistened. "Makikisabay lang."
Umarko ang isang kilay ko sa sinabi niya. Wala kang sasakyan? Gusto ko sana itanong ngunit nagdalawang-isip ako. Umusod ako ng kaonti at pinaupo na lang siya.
"Bakit hindi ka na lang nagpahatid?" I interviewed while in the middle of our ride.
"Wala akong kasama rito sa Laguna. Nasa La Union lahat. And I needed to go there as well. Someone will pick me right in the national highway and drive me back in La Union." Sagot niya.
Napatango ako. Hindi pala siya tagarito sa Laguna. Siguro ay dahil lang sa mga gig kaya siya naririto?
"You and your bandmates are famous here in Laguna..." I am a fan, Archie.
He chuckled. "Nagkataon lang siguro na maraming gig. Ang totoo ay hindi naman dapat kami nagpe-perform dito. We are originally came from La Union. Na-discover lang ng manager namin noong minsang nag-perform kami sa Thunderbird Resort. Doon na nagsimula." Kwento niya.
Tumitig ako sa kaniya. "Kaya ka ba babalik sa La Union ay para...doon na mag-perform?"
He stared back, nodded. "We're done here. Some of our fans are expecting us to have a gig there. Like what we used to do here."
Sayang. Mami-miss ko ang pagpunta sa mga gig nila rito. Hindi pa naman ako payag na mag-travel sa malayo ng parents ko kasi bata pa raw ako. Tsaka nakakapagod din.
BINABASA MO ANG
Indestructible Waves (Phases of Poison #1)
RomancePOP 1/3 At no time did 17 -years-old Winter Avianna La Galliene feel insecure of another woman because she knew she had defenses - beauty, talent, charisma and wealth. But when her path meets this Trojan Archival Alviejo, an engineering student at t...