15

1K 42 1
                                    

Phone Number

Dinala ako ni Troy sa paresan, doon daw sa Parian. Hindi ako nakatanggi nang ang aming sakyan ay tricycle papunta ro'n. Gusto ko rin naman ang sinabi niyang treat kaya ito ako ngayon. Oo lang nang oo.

"Kumakain ka ba nito?" Inilapit ni Troy sa akin ang beef pares na maliit na bowl pati iyong fried rice.

I examined them. First time ko kasing makita ang gano'ng pagkain. Mukha naman siyang masarap at malinis din naman ang mga nagluluto.

Umiling ako. "I don't know that kind of food, Troy." Ibinulong ko na lamang iyon. Nakakahiya sa ibang kumakain.

Tiningnan niya ako. Gusto kong mag-iwas ng tingin kaya lang baka isipin nito wala akong manners dahil hindi ako tumitingin pabalik. He then chuckled softly. Gosh, that's hella cute.

"Ayaw mong subukan tikman? Wala namang mawawala. Pasensiya na kung pangmahirap na pagkain lang ang kaya kong ialok— "

I rolled my eyes, cutting him off. “Kakain ako. No need to pull that out.”

Kulang na lang sumipol tainga niya sa laki ng kaniyang ngiti sa labi dahil sa isinagot ko. Ayoko na rin naman pahabain pa ang usapan. Nakakahiya kasi talaga dahil kada subo ng ibang kumakain ay tinitingnan kami.

Hindi kami couple. Mukha lang.

“Dahan-dahan lang sa pagkain, Thrana. Baka mapaso ka.” Paalala ni Troy habang nakangisi.

Hindi ko siya pinansin. I carefully continued blowing off the pares soup to lessen the heat. Tama naman kasi siya sa sinabi kanina na masarap nga ang pares.

Nakita kong tumayo saglit sa upuan ni Troy at pumunta roon sa katabing vendor na nagtitinda ng mga candies, water at cigarette.

I hid my smile when I realized what he has done.

“Ito na inumin mo. Marami ang gumagamit ng baso nila rito kaya mas mabuting diyan ka na uminom.” He explained behind the reason why he bought a bottled water for me.

Tinanggap ko ang bottled water na hindi inaalis ang mata rito. Napako na sa guwapo niyang mukha.

Napalunok ako nang ngitian niya ako ng bahagya. “Kamay ko na hawak mo, hindi na tubig.” Sabi niya.

Mahiya-hiya akong nag-iwas ng tingin pagkakuha ng tubig na iniaabot niya. Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain kahit pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang malasahan.

“Asa ka naman.”

Feels like...there are butterflies in my tummy and churning inside. My goodness.

Dinig ko ang mahina niyang pagtawa sa tabi ko. Kita ko rin naman siya mula sa peripheral vision ko na napapailing habang kumakain.

“Wala akong sinasabi rito, Thrana.”

What's with him now? Pagkatapos niya akong snob-in last time naging ganito siya bigla? This has no meaning for him for sure! Oh well. Sa akin din naman wala lang 'to. Guwapo niya naman masiyado kung magugustuhan ko siya? Nah.

“Shut up.”

I feel like my cheeks are in flame. I don't know if it's normal for me. I've never experienced this kind of reaction over a guy and the worst part is— there is a reaction just because of this simple thing happened. Like hey? Never planned this in my life.

Nakatapos kami ng pagkain na hindi na muli pang nag-usap. Binayaran niya lang ang  pares vendor at nagpasalamat bago hatakin ang kamay ko papunta roon sa pila ng mga tricycle.

“Saan ka nakatira para roon na kita ihahatid?” Alok niya pagkasakay sa loob ng tricycle.

Hindi ko siya agad nasagot dahil tumatawag na si Daddy. Sinenyasan ko lang si Troy na saglit bago sagutin ang tawag.

Indestructible Waves (Phases of Poison #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon