26

1K 39 8
                                    

Chapter 26

Ambush

Ng mga sumunod na araw, linggo at buwan ay naging abala ako at ang mga magulang ko para sa pre-debut ko. Halos patapos na naman ang preparasyon.

Ang ilang imbitasyon ay naipamigay na sa mga bisita sa araw ng kaarawan ko. Ang iba sa kanila, nagpadala na sa akin ng regalo agad kahit malayo-layo pa. May venue na at napili na ang mga pagkaing ihahanda. Design ng cakes ko at mga posibleng entertainment ay planado na. Dahil dito, hindi ko namalayan na Oktubre na pala. Sa susunod na buwan ay debut ko na.

Mabuti naman at natapos ang lahat sa loob ng halos tatlong buwan. Pero kung hindi kami naging abala, malamang sa loob ng isa o dalawang buwan ay tapos na 'yon.

"Wow, girl. May lisensya ka na?" Usisa ni Raia, ipinakita sa akin student's license ko na nakita niya sa loob ng Gucci wallet ko.

"Yup. Thanks to Mr. John Morgan," sagot ko.

She squinted her eyes at me. "Why? What did he do?"

I simply shrugged my shoulders. "He trained me on how to drive for ten hours to get the certificate that is needed to get a license, girl."

Ang totoo ay medyo nadismaya ako sa trainor ko. Hindi naman dapat si John Morgan iyon. Si Creon Azlan Variejo dapat. Kung hindi lang sana ito umuwi sa La Union, siya ang nagturo sa'kin magmaneho. Ano pa bang magagawa ko? Tapos naman na. Hindi ko na dapat iniisip pa ang mga ganiyan.

"Congratulations, then. Ay, wait. I need to go. Mommy is calling."

Mula sa pagkakadapa niya sa aking kama, mabilis itong bumangon at sinagot ang tawag ni Tita Andi mula sa phone niya. Bumeso ito sa akin bago patakbong lumabas ng aking silid.

Linggo ngayon at wala kaming klase. It's a miracle for me. Minsan ay kahit Sabado o Linggo, pinapapapasok kami, e. Mabuti naman at naisipan ng prof na pagpahingahin kami. Ang dami masiyadong pinapagawa, dinaig pa namin mga graduating students.

Niligpit ko muna ang aking mga gamit sa ibabaw ng kama na ni-raid ni Raia Mereia pagpunta rito sa kwarto ko. Naghatid lang ng tsimis kaya ako pinuntahan. Alagad ng chika minute.

Kaagad sumilay sa aking labi ang ngiti nang mabasa ang message ni Troy sa akin.

From: Troy

I miss you.

Ang plano kong paglabas ng silid matapos maglinis ay isinantabi ko. Humiga ako sa kama at nakipagpalitan ng mensahe kay Troy.

Ako:

Same here.

Wala pang isang minuto ay nag-reply na siya. Lumawak ang ngiti sa aking labi sa nabasa.

From: Troy

After I'm done with my plates, I'll go there to see you.

Ako:

Nice. So, see you?

From: Troy

Yeah. See you, my slurpee.

Ito ang pang-apat na buwang nanliligaw siya sa akin. At hindi pinagsisisihan ng mga magulang ko na payagan siya. Nakikita raw kasi nila kay Troy ang pagiging responsable at matino nito bilang isang lalaking seryoso.

Noong isang araw, inamin ni daddy na sobra raw siyang humahanga kay Troy. At gusto niya ito para sa akin.

"I want the Trojan Archival Alviejo for my Winter Avianna." He said seriously. "He knows how to handle responsibility very well. Glad, you met someone like him, baby."

Indestructible Waves (Phases of Poison #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon