8

1K 50 0
                                    

Sympathy

"Thank you so much for choosing La Luz Resort, Ma'am! See you next time po, take care!" The receptionist cheerfully uttered.

We'll out. Babalik na kami sa Laguna. Tapos na ang isang buwan at kalahating araw na pagbabakasyon. Parang hindi ko na-enjoy ang bakasyon. Nakukulangan ako pero wala naman na akong magagawa. My class will start soon.

I put on my bvlgarri shades, nod at her. "Thank you, Miss Melanie?" I said, roamed my eyes. Hindi ko yata nakikita ang lalaking iyon? "By the way...have you seen...uhm...Trojan?" Nasabi ko rin!

"He's out yesterday pa po, Ma'am. Bumalik na ng Laguna."

What?! Akala ko ba nagta-trabaho siya rito? "Uh... Why daw po?" Hindi naman siguro ako tunog-interesado?

"Malapit na po kasi ang start ng class niya." Animo'y proud girlfriend siya nang sabihin iyon.

Then, I remember what he told me before. He's studying.

I winced.

Kaya naman pala hindi ko nakikita simula pa kahapon. Umalis na may galit sa akin ang loko. Mabuti sana kung magkita ulit kami sa lawak ba naman ng Laguna.

"Oh... Okay. Thanks!" I replied.

Bago tuluyang umalis, pinagmasdan ko ang kalmado ng dagat. Ang mala-crystal sa linis ng tubig at ang nangangapal na hamog na pumapalibot sa bundok. Dinama ko rin ang sariwa at malamig na hangin.

I'll gonna miss this place.

"Sa tingin mo, saan nag-aaral si Trojan?"

Sa kalagitnaan ng aming biyahe ay nagtanong si Raia.

Umirap ako. "Malay ko. Bakit sa akin mo tinatanong, hindi naman ako interested?" Balewalang sagot ko.

"Kung hindi ka interested, then sorry! Interesado ako sa kaniya. Hindi pa naman mahirap-"

Sinalpak ko ang earpods sa tenga upang hindi siya marinig at ang mga susunod pa niyang sasabihin. Nakakainis lang.

"Ano ba?!" I hissed when she abruptly grabbed off my earpods!

She laughed devilishly. "Miss mo na yata si Trojan?"

I raised my brow. How dare her tell me that I am missing tge person I just met? "Manong, ihinto mo ang sasakyan at palabasin si Raia Mereia La Galliene."

Nanlaki ang mga mata ni Raia dahil sa aking sinabi. Ang labi ay kumibot-kibot, hindi alam ang dapat sabihin. "B-Binibiro lang kita!"

I rolled my eyes. "Isang beses mo pang banggitin ang lalaking iyon, maglalakad ka pabalik sa Laguna." I warned.

She pouts.

Ihinatid muna namin si Raia sa bahay nila bago dumiretso sa amin. Pagkababang-pagkababa ko mula sa sasakyan, sumalubong na si mommy upang ako ay mayakap.

"Welcome home, Winter!" Ani mommy.

"I missed you, mom." Kumalas ako sa higpit ng yakap nito. "Si dad?"

Ang ilang hibla ng buhok kong nakatabing sa aking mukha ay kaniyang inilagay sa likod ng aking tenga. "Hmm.. He's out in a grocery store, baby."

"I see."

Tumingin si mommy sa likod ko. "Si Raia? Nakauwi na?"

"Yup! Mabuti na rin iyon, mom. Wala na siyang ginawa kung hindi ang pikunin ako." Ngiwi ko.

Natawa ito. "Kayo talagang mga bata kayo. Come inside. Iʼve prepared something for you." Masigla nitong sinabi, hinila ang kamay ko papasok.

"Manong, pa-linis po ni Dashy!" Pahabol kong sigaw, patungkol ko sa aking sasakyan na ginamit pangsundo.

Indestructible Waves (Phases of Poison #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon