Date?
“Wow, Kuya Luke! Bitay ba?”
Hindi pa man kami tuluyang nakakaupo sa carpet na inilatag namin sa buhanginan nakapag-react na agad si Raia sa mga pagkaing nasa maliit na mesa.
Napagpasyahan kasi naming mag-dinner dito sa may dalampasigan. Tamang-tama, malamig at masarap sa balat ang haplos ng hangin.
“Pft. No, I was just treating you two. So, may I leave you here now? May kailangan akong asikasuhin.”
Nagtataka ang mga matang tiningnan ko si Kuya Luke. “Aalis ka? Hindi ka sasabay sa dinner namin?” Tanong ko.
Ang daming pagkain, hindi namin mauubos ni Raia ito. O, kahit pa kasabay si Trojan.
“Oo nga, Kuya?”
Kuya Luke chuckled. “Donʼt worry, girls. Ihinabilin ko sa staff na kapag hindi naubos itabi na lang muna. So just sit, eat, and enjoy.” Lumapit siya sa akin bago halikan sa buhok, ganoon din si Raia. “Enjoy your dinner, girls.”
Pinanood namin ni Raia ang paglalakad papaalis ni Kuya Luke. Nang hindi na abot ng aming tanaw, ibinalik muli namin sa mga pagkain ang atensyon.
“Girl, si Trojan?” Biglang tanong ni Raia.
Tinaas ko ang kilay ko. “Wala sa akin. Tingnan mo sa bulsa mo.” Pambabara ko.
Parang tinatago ko ang lalaking iyon, ah? Medyo inis pa ako sa kaniya dahil alam kong may narinig si Trojan pero hindi niya lang siguro ipinahalata sa amin. Nakakahiya kaya!
“Smile ka na, girl! Bakit ba affected ka masiyado noong sinabi kong...” Pumorma siya ng panipi sa ere. “Crush mo si Trojan?”
Dinampot ng kamay ko ang basong nahawakan ko, luminga sa paligid. Baka kasi nandito na si Trojan. “Manahimik ka nga.” Inis kong suway.
Humagalpak siya ng tawa, tinuro pa mukha ko. “Namumula ka na naman! Trojan ka pala, huh?”
“If you won't stop, I'll ruthlessly shoot your mouth's off. Uh-huh, try me.” I warned.
She then acted zipping her external visible part of the oral cavity on the face and the system of organs surrounding the opening called mouth.
“Baliw,”
Twenty-five minutes before eight in the evening, a man wearing a plain white t-shirt and black pants showed up finally.
“Uy, Trojan! Mabuti naman at dumating ka na, 'kala namin in-indian mo na invitation namin.” Masiglang sinabi ni Raia, inanyayahan itong maupo sa tabi niya na nataong katapat ko.
“Sorry natagalan.” Sa akin siya tumingin. “Maraming tourists na nagpa-assist. Sa akin.”
Pakiramdam ko ay sa akin siya nagpapaumanhin. Tinanguan ko siya at tipid na nginitian. “Letʼs eat?”
Sa buong pagkain yata namin ang magkausap lamang ay silang dalawa. Nakikinig lang ako at paminsan-minsan sumasagot kapag nagtatanong si Raia.
Mostly, they talked about studies. Which caught my attention. “Uh, third year college ka na?” I can't help myself asking.
He wiped his lips using the tissue provided. “Yeah.”
Raia put her elbow on the table and stares at him. “Where do you study and what course did you take?” She interviewed.
Alam na alam niya gusto kong itanong kanina pa.
Halos tumaas ang kilay ko nang titigan niya ng nakangiti ang pinsan ko. “Civil Engineering. Studying at one of the schools in Laguna.”
BINABASA MO ANG
Indestructible Waves (Phases of Poison #1)
RomancePOP 1/3 At no time did 17 -years-old Winter Avianna La Galliene feel insecure of another woman because she knew she had defenses - beauty, talent, charisma and wealth. But when her path meets this Trojan Archival Alviejo, an engineering student at t...