Tagos
“Good morning, mommy! Good morning, daddy!” Masiglang pagbati ko sa aking mga magulang pagdating sa dining area at humalik sa pisngi nila pareho.
“Morning, young lady. Take your sit.” Si Daddy.
“Wait, Gon? Iyan tawag mo sa akin noon, ah?” Mom recalled.
Nakahanda na ang masasarap na almusal at masusustansiyang prutas sa marble naming table. Gayundin sina mom at dad. Ako na lang ang hinihintay upang makakakain kami.
Pero mukhang bukod sa pagkain, handa na rin ang kulitan nila. Na naman!
Dad chuckled. “You're not my young lady anymore, love. You're my wife now.”
Mom rolled her eyes at him. “Sabagay. Kung tatawagin mo pa akong ganiyan, baka palagi mong maalala na mas matanda ka nga pala sa akin ng ilang taon. At obsess pa.”
Tumawa si daddy sa sinabi ni mommy. “But you like Siegfried before—”
“Hoy! Huwag mo ngang ibalik ang past! Baka gusto mong magkabalikan tayo ng wedding ring ngayon din mismo. Deagon Trevor La Galliene?” Bwelta ni mom.
Tahimik lang akong pinapanood sila habang kumakain. Wala namang bago. Tuwing umaga ay kulitan nila ang masisilayan sa hapag. Hindi nakakasawa.
Nakikita kong kahit ilang taon na sila kasal at nagsasama, nandoon pa rin ang spark at chemistry. Mararamdaman ang pagmamahal nila sa isa't-isa.
“Thrana, ihahatid ka na lang namin ni daddy mo sa school. Didiretso kaming check-up kay Dra. Eunice. Then, sa hapon ipapasundo—”
I cut my mom off when she said mentioned about fetching me in the afternoon. “Huwag niyo na po akong ipasundo sa hapon, my. Sabay na lang kami ni Raia uuwi.”
Dad butts in. “Why? Is there somewhere else you're going to after class?”
Oh no. Bakit ba nakalimutan kong former CIA officer si dad. Malamang, alam na niya agad ang kilos ko! Take note, salita pa lang iyon.
Sumandal ito sa upuan niya, humalukipkip at mataman akong tiningnan. Hindi tuloy ako nakasagot.
“You came home late yesterday, Thrana. But because of those fishballs and kikiams you brought, you got us unbothered.”
Nakagat ko ang labi.
“Mind telling us where will you go after class, baby?”
Fine. Tinawag akong baby ni dad so meaning hindi siya galit sa akin. Hirap magtago kapag may pagka-detective Conan ang magulang.
“Sabihin mo na, 'nak. Hindi naman kami magagalit. May pinopormahan ka ba?”
Nanlaki ang mata ko sa tanong ni mommy! “M-Mom?! Anong pinopormahan ang sinasabi mo? Disgusting.”
She laughed. “Anong malay namin kung ikaw na nanliligaw ngayon? Pwede namang babae ang mag-first move, hindi ba, Gon?”
Dad glares at mom.
“Joke lang. Seryoso mo!” Bawi ni mommy.
Inilingan ko na lamang. Tutal, mukhang wala rin naman akong takas kaya dapat siguro ngayon pa lang ay sabihin ko na.
“Kasi mommy, may nakita kaming parang food court malapit-lapit sa NU. Mga street foods ang tinda. Masarap naman sila kaya Raia and I decided to go there after class.” Sabi ko.
“Nakakapagtaka lang, Thrana. Hindi ka naman sanay kumain ng ganoon.” Si mom, kinain ang hiniwang apple ni dad.
I smiled. “Na-realized ko lang po kasi na hindi kabawasan sa pagkatao ang kumain ng mumurahing pagkain.” It just came out from my mouth.
BINABASA MO ANG
Indestructible Waves (Phases of Poison #1)
RomancePOP 1/3 At no time did 17 -years-old Winter Avianna La Galliene feel insecure of another woman because she knew she had defenses - beauty, talent, charisma and wealth. But when her path meets this Trojan Archival Alviejo, an engineering student at t...