Accepted
Mula sa ikalawang palapag ng hacienda ay tinanaw ko ang babaeng sinundo ni Troy kahapon mula sa kung saan mang lupalop ng La Union habang kinakausap si Señora Dorriela at Señor Aureo sa sala.
Kanina pa hindi makababa ang kilay ko dahil sa kaniya. Kailangan ba talaga nakalingkis sa braso ng boyfriend ko kapag nakikipag-usap?
Umirap ako sa hangin bago sumimsim sa wine na hawak ko.
“Ma'am Thrana, huwag po kayong magseselos kay Miss Mathilde,” sabi ni Yaya Marites na hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala.
Napangisi ako nang makita kung paano sinusubukan ni Troy na dumistansya kay Mathilde. “Hindi siya ang klase ng babaeng pagseselosan ko...”
Sumilip sa ibaba si Yaya Marites. “Ay talaga, Ma'am? Maganda rin ang batang iyan. Kung hindi niyo po natatanong, e, iyang babae na iyan ay first love ni—”
“Alam ko po.” Putol ko sa sinasabi niya at nginitian siya ng pilit.
“Pero Ma'am mas maganda ka pa po sa kaniya. Boto nga po ako sa inyo kaysa sa mga babaeng inire-reto ni Señora Dorriela sa mga apo niya.”
Ang tangka kong pagsimsim muli sa aking wine ay hindi natuloy sapagkat nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Yaya Marites.
Hinarap ko ito. “Anong sinabi mo?”
“Opo, Ma'am. Noong mga panahong wala ka pa rito ay kung sino-sinong babae ang nagpupunta rito. Inirereto kasi ni Señora ang mga apo niya sa magaganda at mayayamang babae.” Kwento nito.
Halos kumuyom ang kamao ko. Tama nga si Troy. That high-class Señora is a manipulative bitch.
“Pero wala ka naman po dapat ipagalala, Ma'am. Wala naman pong ipinakitang interes ni katiting si Sir Trojan. Kahit sina Sir Lucas at Sir Tramo.” Ngumiti ito ng malawak sa akin.
Alam ko naman iyon. Gaya ng sinabi ko, malaki ang tiwala ko kay Troy. Sa pagkakakilala ko rin sa kaniya, hindi siya ang tipo ng lalaking babaero. Kung si Parthenon pwede pa.
“Hello, baby.” yumakap agad sa aking bewang si Troy pagpasok ng silid. Kakatapos ko lang magbihis nang pumasok siya. “Let's go somewhere?”
Hindi ko makuhang ngumiti. Paano ba naman, kaya nga kami wala sa mga airlines ay upang magbakasyon at bumawi sa isa't-isa. Pero paano ko naman siya masosolo kung ang daming eksena ni Señora?
“Baka may ipapagawa sa'yo si Señora, unahin mo na lang 'yon. May bisita ka rin,” humalukipkip ako dahil masama talaga ang loob ko.
Marahang kinuha ni Troy ang mga kamay ko at inilagay sa balikat niya. Bahagya niyang ibinaba ang mukha niya sa mukha ko upang magpantay kami ng mata. Sumilay ang magandang ngiti sa mapula niyang labi.
“Nagtatampo ka?”
Sino bang hindi? Oras natin ito pero ninanakaw ni Señora at ni Mathilde mo. “Bakit ako magtatampo? Asa pa.”
He chuckled and then slowly make movements on his lower limb. Then, he controlled my movements as well. We danced slowly in the same rhythm.
“Mathilde is my first love. But that's only when I was in grade school, baby. I...just want to be honest. Please, don't be mad?”
See? He's telling the truth. I already knew it and he didn't know that I know. He initially confessed to me. God knows I did not ask for an explanation.
“I am not mad, Troy. I'm just...just feel like robbed.” I frowned. “This is our vacation supposed to be but...” I heaved a sigh and decided not to continue.
BINABASA MO ANG
Indestructible Waves (Phases of Poison #1)
RomansaPOP 1/3 At no time did 17 -years-old Winter Avianna La Galliene feel insecure of another woman because she knew she had defenses - beauty, talent, charisma and wealth. But when her path meets this Trojan Archival Alviejo, an engineering student at t...