14

1K 51 1
                                    

Treat

“H-Hey Troy, wait!” For the nth time, I called him.

My feet ache. Pagkatapos ng klase ko ay hinagilap ko na talaga siya. Hindi ako nakapag-thank you noong nakaraan dahil sa ginawa niyang pag-saved sa day ko na medyo dirty. So...here I am.

“Damn it, Thrana.” Medyo naiinis na siya nang magawa ko siyang abutan.

Nagmamadali ito kanina pa pero dahil humahabol nga ako, huminto rin sa wakas kakalakad.

I catch my own breath, looked at him. “What's with the hurry, Troy?” I asked.

He held the bridge of his nose. “Hindi Troy ang pangalan ko. Trojan.” He put emphasis on the last word.

I rolled my eyes. “Whatever. Mas prefer ko tawagin kang Troy. Trojan o Troy—ganoon din iyon. Arte-arte.” Bwelta ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. “Ano bang kailangan mo?”

Ngumiti ako ng malapad. “Samahan mo ako.”

“Wala akong panahon sa gimik.” Mariin niyang sinabi, inayos ang pagkakasukbit ng bag sa isang balikat.

Gusto ko rin tanungin ang sarili ko kung bakit ba ako nag-aabalang habulin siya? E, ano bang big deal kung hindi ako magpasalamat? Argh!

“It's not gimik, Troy. I-It's just a request?”

His lips twitched, sign of an annoyed man. “Wala ka bang ibang kaibigan na mayayaya? Hindi sa pag-aano, ah? Marami akong ginagawa at hindi kasama ro'n ang sakyan kung ano man mga pakulo mo.”

That made me shut. The smile on my lips faded. I feel like something sharp darted on my heart. He has a point, alright. I'm not included to what he's doing. But can't he at least sugarcoat?

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Nagkunwaring pinapanood ang ibang NU students na naglalakad papasok at papalabas ng building.

“Pasama ka na sa iba. Marami akong ginagawa. Ge, una na 'ko.” He bids, tapped my shoulder.

Hindi pa man ito tuluyang nakakalayo, sinigawan ko siya. “Ayokong makasama ang iba. Gusto ko ikaw!”

Bahagya nitong iniiling ang ulo. Akala ko ay haharap siyang muli sa akin ngunit halos manlaki ang mga mata ko at lumaglag ang panga ako nang magpatuloy siyang maglakad papaalis.

“Trojan!”

Napako ako sa aking kinatatayuan nang makita ang isang babaeng nakangiting sumalubong kay Troy.

Maputi ito. Ang buhok ay maiksi at may grayish highlight hair color. Sa tantya ko ay 5'1 ang height. May itsura...maganda. At oras na titigan ang kaniyang mata, para kang madadala sa karismang taglay niya.

“Lucille,” Dinig kong tawag pabalik ni Troy sa babaeng iyon na naka-nude lipstick pa.

Lucille... Siya siguro ang tinutukoy na kaibigan ding babae ng nanay ni Troy.

Pinanood ko silang dalawa na maglakad habang animo'y masayang may pinag-uusapan.

Alright. He wants to be with her rather than be with me.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napabuntong-hininga. Ni hindi ko na halos magalaw ang pagkain sa tapat ko.

“Thrana, kanina ka pa wala sa wisyo. Ano, ayos ka lang ba? Kumain ka kaya muna.” Puna ni Raia.

I sighed. I don't know. Ngayon ko lang naramdaman na parang hindi ako maganda sa mata. Why is that? Dahil lang ba sa sinabi ni Troy?

I frowned. “Buti pa ang ibang tao...pinapansin niya.”

Indestructible Waves (Phases of Poison #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon