12

1K 57 1
                                    

Fishball Vendor

"Gaga ka, anong nangyari kanina roon sa cafeteria?" Tanong ni Raia pagkaupo namin sa school bench.

Hindi na namin nakuha pang kumain doon dahil ng nangyari sa cafeteria kaya ang babaeng ito hinabol ako bitbit ang biniling pagkain.

I chewed my food inside my mouth carefully. She then handed me a bottle of mineral water.

Kinuwento ko sa kaniya ang eksaktong nangyari. Nanlalaki ang mata niya, napapatakip-bibig pa. Bruha!

"Oh my? You mean-shit."

Kinuwento ko rin ang kabayanihan ni Trojan doon kanina. Iyong biglaan niyang pagsulpot kaya ganito na lang mag-react si Raia.

"Dito rin napasok si lovey-doves mo?! Akala ko..."

I throw death glares at her. "Marinig ko pang binabanggit mo ang lovey-doves mo na 'yan, sisipain kita."

Tumawa ito ng malakas. Hindi pa sana titigil kung hindi lang naubo. Buti nga!

"Ang exciting, girl!" Aniya, kinikilig.

Inirapan ko ito. Mabuti na lamang at hindi ko nasabi sa kaniya ang nangyari kahapon tungkol sa pagkikita rin namin. Wala akong balak.

Dahil sa nangyari kahapon, nakalimutan kong naiinggit ako sa kaniya dahil nakapanood siya ng gig nila Archie at Electrolux. Iyon pala ay may dahilan...

May mas maganda palang bagay akong dapat matunghayan kaysa kalayawan.

"Anyway, girl..." Inubos nito ang laman ng bibig bagos isinundo ang sinasabi. "Iyan dapat ang sasabihin ko sa'yong chika. Akala ko ay namalik-mata lang ako na nakita siya sa Engineering Building kaninang umaga. Kaya nagulat ako dahil nalaman mo na in unexpected way pa! Mas pinabetter version pa."

Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa malawak na field mula sa kinauupuan namin. Hindi ko na binalak pang mag-rant kung bakit hindi sinabi sa akin ng mas maaga.

Hindi ko makalimutan ang sinabi niya kanina lang bago umalis.

"Huwag ka ring mag-alala. Wala naman na akong pakialam kahit malaman mo pa.

Gano'n? Wala siyang pakialam? He's so grumpy.

"Ang sweet ni Trojan sa part na iyon, Thrana. Biruin mo? Sasaktan ka na sana ng monggol na iyon pero biglang dumating ang hero mo... What a man." Seryoso ang tono ng pananalita niya.

Bahagya ko siyang nilingon. "Crush mo na?"

"Tanga. Hindi, ah!" Natawa ito.

Natahimik kami ng ilang minuto. Sa loob niyon ay kumakain lang kami ng tahimik habang nakatanaw sa field.

Hanggang sa magsalita siya ulit.

"Sama ka mamaya?" Tumayo ito sa harapan ko.

I look at her. "Saan?

A smile crept in her thin red lips. "May naisip akong task."

I gave her a questioning look.

"Let's hunt Trojan Archival Alviejo!"

Umirap ako. "Ayoko."

Sandaang demonyo yata ang ginamit ni Raia upang mapasama ako sa huli! Pagkatapos ng klase namin ay nagpasiya kaming magkita sa parking lot.

Saktong pagdating ko, patakbo na siya papalapit sa akin. Hingal na hingal siya. Kung hindi ba naman kasi isa't-kalahating bobo, takbuhin ang Engineering Building hanggang sa parking lot.

"Kanino tayo magpapa-drive?" I asked.

Pareho kaming susunduin ng driver namin dahil hindi pa naman kami pwede mag-drive.

Indestructible Waves (Phases of Poison #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon