WARNING: ANG BUONG CHAPTER NA ITO AY POV NI MARKKI. AALAMIN LANG NATIN KUNG ANONG GINAWA NIYA PARA MAKUHA AGAD 'YUNG TEDDY BEAR NA 'YUN ^_^v AT... AT... KUNG SINONG NAKAUSAP NIYA BAGO 'YUN... AT.... KUNG BAKIT SIYA NATAGALAN AT... BASTA! BASAHIN NA LANG :) PERO!!!!! THROUGH FLASHBACK KO SIYA IPAPAKITA KAYA 'WAG KAYONG MALILITO :D
DEDICATED SA ISA KO PANG MASIPAG NA READER >:)
--
MARKKI's POV
*kriiiiiiing*
Arrrrgh. Tumunog na 'yung alarm clock ko. Pero parang ayoko pang bumangon.
Nakakainis! Hindi naman kasi ako nakatulog e!
Pa'no, ang dami dami dami dami kong iniisip.
Oo, sobrang dami talaga. Tulad na lang ng mga pangyayari kahapon.
Naiinis ako. Imbis na matuwa, naiinis pa 'ko.
T*ng*n*, nababading na naman ako =____=
Sabi ko pa naman, hangga't maaga, aaminin ko na sa kaniya.
Tsk. Kaso parang nanghihinayang ako. 1 month pa lang kami, tapos ganu'n na?
Mahal na mahal ko pa naman 'yun. =____= tsk! Nakakabadtrip.
Ang tanga tanga ko.
Pagkatapos ko ba naman kasing makita kung ga'no siya kasaya kahapon, makaya ko pa kayang sabihin 'yun sa kaniya? Nakakabaliw 'yung babaeng 'yun -____-"
Idagdag mo pa 'tong namemeste kong ex.
Ayos na lahat e! Tapos tatawag tawag na naman. Tsss bwiset =____=
Gusto niyo ba malaman ang totoong mga nangyari??
FLASHBACK
May naisip na 'kong pambawi kay Ciara!
Naalala ko lang kasi, sobrang hilig niya nga pala sa stuffed toys!
Hahahaha! Ang talino ko talaga. >:)
Nagpaalam naman agad ako sa kaniya nu'ng naisip ko 'yun.
Mukha ngang nagulat siya nu'ng nagpaalam ako e. Pero hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Sigurado naman kasing pipigilan lang ako nu'n.
Tumakbo agad ako para pumunta du'n sa pinaka malapit na arcade.
Heeeeep! Whoooo hiningal ako ah! Ayos lang. Basta para kay Ciara =///=
Shet ang bading =___="
Pumunta agad ako du'n sa may mga stuffed toy. 'Yung ginagamitan ng claw para makuha 'yung stuffed toy?
Mag huhulog na sana 'ko, kaso naalala ko, wala akong token. Psh =___=
Balik na naman tuloy. Medyo nakakapagod ah! Tek 'yan.
Papalapit na 'ko du'n sa may bilihan ng token, nu'ng biglang may humarang sa'kin. Hindi ko agad napansin kung sino, sabi ko na lang "Excuse me..."
Nagbibilang kasi ako ng perang ipambibili ko ng token. Hindi kasi ako magaling sa ganu'n kaya kelangan damihan ko ang bibilhing token -____-
Kaso, ayaw naman umalis nitong nakaharang sa harap ko! Sht lang. Kung kelan nagmamadali ako e!
Tiningnan ko na kung sino 'yung bwisit na paharang harang =____=
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON-GOING)
RomanceRight love, Right time, wrong person. Will you fight for it? Or will you follow what everyone else thinks is right?