-- May 10, 2008 --
Ciara's POV
Aiiish. Akala ko pa naman by now, nasa Manila na 'ko at nagttravel na papuntang America. Kaso nagkaproblema raw sabi ni Mommy kaya baka raw hindi na kami tumuloy. T___T waaaaah! Namimiss ko na si daddy. :(
Haaaays. Isang buwan na rin pala 'kong nandito kina lola. And guess what?
First monthsary namin ni Markki ngayon! :)
Ang dami nang nangyari mula nu'ng naospital ako. Si Markki, bigla siyang naging malayo sa'kin. 'Yun pala, malaman laman ko, nagseselos lang pala kay Brent? HAHAHAHA!
-- FLASHBACK --
Dinalaw ako ni Markki dito sa ospital, pero nag-away lang kami. Bakit ba kasi hindi niya masagot 'yung tanong ko kung bakit kailangan niyang itanggi kay Madelle 'yung about sa'min e! At kung bakit bawal ipagsabi na girlfriend niya ko! >.<
Buti na lang dumalaw din si Brent. Ang saya naming nagkkwentuhan. Hindi na namin namalayan ang oras. Iba talaga kapag si Brent ang kasama ko. Pero siyempre hindi pa rin mawala sa isip ko si Markki, Haaay nasa'n na kaya 'yun? Namimiss ko na siya :(
Teka, anong oras na ba? *tingin sa orasan*
HALAAA! 2am na?!
"Uhm Brent! Madaling araw na pala oh. Wala ka pa bang balak umuwi? Baka mapagalitan ka na niyan!"
"Huh? Nako! 'Wag mo 'kong alalahanin. Nagsabi na 'ko kay mommy at kay lola na mamaya na 'ko makakauwi. Sige na matulog ka na para gumaling ka agad." Sabi niya sabay ngiti.
Haaaay nako! Kahit kelan talaga 'tong lalakeng 'to!
Nagkunwari na lang akong tulog. Kaso... Nagulat ako sa sinabi niya...
"Hmm mukhang tulog ka na. Grabe. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin masabi sa'yo na gusto kita. Na mahal kita. Akala ko 'pag pinuntahan kita dito, masasabi ko na. Kaso, alam ko, masaya ka na sa bago mo. Sa unang boyfriend mo. Mukhang walang laban sa kaniya ang first love mo. Pero 'wag kang mag-alala, kapag sinaktan ka niya, nandito lang ako.... Hindi kita pababayaan..."
O_____o nananaginip ata ako....
Kasi...
Kasi.......
Maliban sa sinabi niya, hinalikan niya 'ko!
Pero sa noo lang naman. (Kala niyo ah :D)
Teka... Bakit parang natahimik na yata siya?
Narinig kong bumukas ang pinto, at sumara ulit.
Phew. Umalis na si Brent. Ididilat ko na sana 'yung mata ko. Tapos bigla akong napapikit ulit.
Kasi naman, pumasok naman 'tong si Markki.
Iniisip ko kung ididilat ko ba 'yung mata ko. Pero I decided to just stay still and keep my eyes closed.
"Haaay"
Narinig ko siyang nag sigh. Ano kayang problema nito?
"Markki, umalis na lang tayo. Hindi pa ba sapat 'yung nakita mo? Tsaka lasing na lasing ka na oh!"
Boses babae....? Nagsama si Markki ng babae at dito pa talaga?!
Pero parang familiar sa'kin 'yung boses ah? Idinilat ko ng bahagya 'yung mata ko....
Si.... Si... Ate May?!
Teka, alam na rin ba niya? O baka naman sinamahan lang niya si Markki? Tama tama. Baka sinamahan niya lang si Markki.
"Iwan mo muna ako dito May. Umuwi ka na. Dito na lang muna 'ko." - Markki
"Gag* ka ba? E pa'no kung abutan ka ng mommy niya dito?! Edi napahamak ka pa?! 'Wag ka ngang ganiyan Markki! Kahit pa gf mo na siya, alam mo naman siguro na wala namang ibang pwedeng makaalam 'di ba?" -- Ate May
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON-GOING)
RomanceRight love, Right time, wrong person. Will you fight for it? Or will you follow what everyone else thinks is right?