♫ I'm at a payphone trying to call home ♫
Nagising na naman ako dahil sa tawag. Teka bakit parang madilim pa? Sino kaya 'to?
"Hello?"
"Good Morning baby!" Ang bungad ng tumawag.
Napangiti agad ako nang marinig ko ang boses niya. Yep. Tama kayo. Sinagot ko na nga si Markki Castronuevo at 1 week ko na siyang boy friend. Haaaay grabe hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari nu'ng araw na sinagot ko siya.
(flashback)
"Uy Ciara, ano, sasagutin mo ba ko?" Ang tanong niya sa 'kin na may kasamang mga ngiti.
Hindi ko alam pero para bang naeexcite ako kapag paulit ulit niyang binabanggit kung sasagutin ko na nga ba siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kapag hindi, anong gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya
Nakita kong nalungkot siya, pero sinabi niyang "Okay lang. Mahal kita kaya kahit ano pang maging desisyon mo, magiging masaya pa rin ako.
"Hmm. E pa'no kung oo?" Tanong ko ulit.
Ngumiti siya ulit at sabay sabing "Siyempre matutuwa ako! Sisigaw ako ng malakas. Tatalon, yayakapin kita, baka nga mahalikan pa kita e! Tapos.... Ay sorry masyado atang panget mga nasasabi ko...."
"Haha! Gagawin mo talaga 'yan?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Aba oo nama! Kung sasagutin ako ng babaeng mahal ko e . :)"
"O. Gawin mo na." Sabi ko sa kaniya habang nakangiti.
"Ha?" Sagot niya sa 'kin.
"Ang sabi ko, gawin mo na'yung mga pinagsasabi mo."
"Bakit? Teka, ibig bang sabihin....."
"Ay ang slow... Akala ko ba matalino ka?" Sagot ko habang tumatawa
"Yessss! Whooo sinagot niya na ko!" Sigaw niya na halos napapalingon na lahat ng taong dumadaan
"Huy tama na. Nakakahiya. Haha! Tara na umuwi na tayo."
--
At 'yun na nga ang nangyari.
"Oh Markki. Napatawag ka. Bakit? Ang aga pa ah?"
"E kasi may inutos sa'kin kaya maaga akong nagising. Naistorbo ba kita?"
"Uhm hindi naman. Bakit may sasabihin ka ba?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Ah.. Eh... Alam na ba ng mommy mo o alam na ba diyan sa inyo na boyfriend mo na ko?"
"Ha? Ah... Hindi pa e. Sorry ah? Pero alam mo naman siguro si lola 'di ba? Baka sumpungin pa 'yun."
"Ah oo naiintindihan ko naman. Nga pala, gusto lang kitang yayain lumabas mamaya."
"Ahmmm. Ewan ko ah. Baka hindi ako payagan ni lola 'pag nalaman niyang ikaw ang kasama ko."
"Wag ka mag-alala. Ipapasundo kita kay May." Sabi niya sabay tawa.
"Ikaw ah. Lagi mong kinukuntsaba si Ate May. Haha! O sige na nga. Anong oras ba? Para makapaghanda ako."
"After lunch? Siguro mga alas dos ng hapon." Sagot ni Markki.
"O sige. Pero 'wag tayong magpapagabi ha?" Paalala ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON-GOING)
RomanceRight love, Right time, wrong person. Will you fight for it? Or will you follow what everyone else thinks is right?