Chapter 14: The first person to know (Besides US)

84 6 0
                                    

[A/N: Ewan ko kung magugustuhan niyo 'tong chapter na 'to. Sa mga silent readers, sige basa lang. Salamat kahit tahimik kayo ^____^v]

VOTE.COMMENT.BE A FAN :)

--

Markki's POV

I knew it. Sabi ko na nga ba itatanong niya 'yun. I was prepared to answer that question. Pero nu'ng nakita ko na umiiyak siya, I felt weak. Pakiramdam ko hindi ko pa talaga kayang sabihin sa kaniya. Bago ako pumunta dito, I was imagining what a life without her would be. Pinaghahandaan ko na ang pwedeng mangyari dahil alam kong kapag sinabi ko ang reason, I know na iiwan niya na 'ko. But WTH? Isang tingin ko lang sa mata niya, and I felt something sharp piercing through my heart.

"Ang tanga mo Markki. Isa kang malaking tanga. Bakit ba naman kasi alam mo nang bawal pero pinatulan mo pa rin?" 'Yan ang sabi sa'kin ng other half ko.

"Is it even my fault that I was desperately in love with her? Alam kong hindi ko siya kayang ipaglaban kaya nga kahit ako hindi ko alam kung bakit niligawan ko pa rin siya kahit alam kong bawal. I was desperate. I just want to know how it feels to be with her kahit na alam kong she'll hate me forever if she finds out I lied to her." 'Yan naman ang sagot ko sa maliit na boses na bumabagabag sa isip ko, and most importantly, sa puso ko.

Para 'kong t*nga no? I was still standing in front of Ciara's room. Hindi ko siya magawang iwan. Hindi ko kaya. Pero hindi ako pwedeng magtagal dito. Anytime darating na ang mommy ni Ciara at hindi niya pwedeng malaman na nandito ako. Kilala pa naman ako nu'n.

I just want to see her before I go. Bago ako mag-isip kung anong dapat kong gawin.

Binuksan ko ng kaunti 'yung pinto. Nag-open lang ako ng space which was enough for me to see what was going on inside. And I saw her. Nakatulala lang siya pero tuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya. God she was like an angel. I remember the first time I saw her.

Galing ako sa mall noon at pauwi na ko. Kasama ko ang mga barkada ko. I was 9 years old back then. Pero dahil lola ko na lang ang nag-aalaga sa akin, hindi niya na rin ako natututukan kaya I was free to do anything I want.

[A/N: Parang shunga lang ngayon ko lang naisipang ipakilala ng lubos ang totoong Markki. XD pasensya na kayo. ABNO ang author nito ^____^v]

Tatlo kaming magkakapatid, and we are all boys. My eldest brother, at that time was working on a fast food chain. 'Yung second brother ko naman, dapat nag-aaral, pero walang ibang inatupag kundi ang magbulakbol. Malaki ang takot ko sa kuya ko na 'yan dahil everytime na nagagalit siya, he would punch me. Basta mainit ang ulo niya, ako ang pag-iinitan niya. Kaya napagdesisyunan ni lola na ihiwalay ako ng kwarto sa kaniya dahil nga wala ang eldest kuya namin para awatin kami kapag binubugbog niya na ako. Kaya naman dito ako sa may parang apartment room na katabi ng bahay ni lola. Siguro tinatanong niyo kung bakit puro ako lola kahit na 9 years old pa lang ako. I'm supposed to be mentioning about my mom. Pero, wala kasi siya sa tabi namin simula nu'ng 5 years old pa lang ako. Yes. She left for Italy. Para magtrabaho. Ang daddy ko naman, baby pa lang ako, kinuha na siya ni Lord. Sanay na ang mga kuya ko sa ganito. 'Yung kami kami lang. Although hindi kami nagigipit dahil weekly pinapadalhan kami ni mommy ng monthly allowance, at hindi kami nag shshare sa allowance dahil hiwa-hiwalay ang pagpapadala niya sa amin, meaning may kaniya kaniya siyang perang ipinapadala sa amin. Pero kahit na ganu'n, I was still longing for her touch. And it happened during the day that I was longing for her the most. The day I turned 10 years old. That was when I first met her.

--FLASHBACK-

May handaan sa bahay ni lola. Para saan? Ah birthday ko. Pero I was not happy at all. Kahit pa tumawag na si mommy sa skype para batiin ako. May kulang. Ano? PRESENCE niya. Haaay. Nagpaalam lang ako saglit sa kanila, at naglakad lakad ako sa may subdivision. Pumunta ako sa favorite tambayan ko. Sa covered court doon sa gitna ng subdivision. Bago ako dumiretso doon, dumaan ako sa bahay ng care taker nu'ng gym, at humiram ako sa kaniya ng bola ng basketball. Kilala niya na 'ko kaya naman pinahiram niya na agad sa'kin 'yung bola. Bata pa lang ako, marami nang natatakot sa'kin. Wala nga akong masyadong kaibigan e. Why? Dahil masama akong magalit. Everytime I get pissed, I would punch anything that's on my way. But today was a different story. Although I was pissed, wala ako sa mood makipag away. No. Let me correct that. I'm not pissed, I'm DEPRESSED. SADNESS is not enough to describe how I'm feeling. Nagpromise si mommy na uuwi siya ngayon para sa birthday ko. Pero nag sorry lang siya kanina na para bang wala lang 'to sa kaniya. I don't even know if she loves me.

Forbidden Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon