Chapter 6: Confession

105 6 2
                                    

2weeks na 'kong nandito kina lola. Haay. Kahapon din ay dumating sina mommy at sinabi ko na sumama na lang kami kay daddy doon sa America. Tutal mas mahirap mapalayo sa magulang kesa sa mga kaibigan.

Dalawang araw na rin ang nakalipas mula ng masaksihan ko ang hidden side ni Mr. Markki Castronuevo. Sweet naman pala siya. Mukha lang talagang mahangin. Palibhasa kasi gwapo.

Haay.

*phone vibrates*

Oh sino kaya 'to?

From:

09151126582

Message:

Hi chx. :">

Tsk tsk. Sino na naman kaya namigay ng number ko?

*reply*

Who's this?

Maya maya pa,

*phone vibrates*

Hulaan mo. :)

Aba. At pa mysterious pa.

*reply*

Kanino mo nakuha number ko?

*phone vibrates*

Hulaan mo muna kung sino ako. :"">

Nakakainis 'to ah. Dahil dito ay hindi ko na sya nireplyan. Pero after 3mins.

*phone vibrate*

Uy galit ka ba? Binibiro ka lang naman e.

*reply*

I just don't talk to strangers

*phone vibrates*

Hndi mo ko kausap. Katext mo ko db? Hahaha!

*reply*

K.

*phone vibrate*

Aw sorry. Hindi din ako stranger. Magkapitbahay nga lang tayo e. Kung gusto mo ko makilala, pasama ka kay May sa plaza mamayang gabi. Sige lowbat na e. Bye chx ko. Mwa! :* ;)

Aba ang kapal ng mukha nito ah! Chx nya ko? Kelan pa? Arrgh.

Matapos ang usapang 'yon ay nagpasama agad ako kay ate May sa plaza mamayang gabi.

--

"Ciara! Mag aalasais na. Wala pa ba tayong balak umalis?!" Pasigaw na tanong ni Ate May sa phone

Ay oo nga pala. May usapan nga pala kami na imeemeet namin 'yung "Mysterious texter ko."

"Onga pala. Sige maliligo lang ako."

"Bilisan mo!" Sigaw niya na naman. Ito talagang si Ate May, masyadong mainipin!

7pm na at paalis pa lang kami.

"Bakit ba ang tagal mo?!" Galit na tanong ni ate paglabas ko nang bahay

"Alam mo namang matagal ako maligo e!" Sabi ko sa kaniya. Oo dahil 30 mins. ako lagi kung maligo. "Pasensya na kung natagalan. Tara na."

"Wag ka sa'kin magsorry kundi du'n sa pupuntahan natin du'n." (Ate May)

"So kilala mo pala talaga siya?!! Bakit mo ba kasi ibinigay 'yung number ko du'n?!" (Ako)

"E nagmakaawa e! Nakakaawa naman, kaya ibinigay ko na." (Ate May)

Haaay grabe talaga 'tong si Ate. Napakabilis maawa -___-

Dumating na kami sa may plaza.

"Teka lang, dito ka muna ha." Iniwan ako ni Ate May sa may bench at may nilapitang isang lalakeng nakaupo sa may fountain.

Forbidden Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon