MARKKI's POV
"Who is he babe?" Tanong ni Madelle habang naka kapit ng mahigpit sa braso ko.
Aiiiish! Eto na nga ba ang sinasabi ko e! Gulo na naman 'to panigurado!?
Bakit nga ba kasi ako pumayag?
Takot?
Takot na baka malaman ni Ciara ang tinatago ko?
Kung hindi lang ako binlack mail nitong si Madelle, hindi ako papayag sa ganito e.
• FLASHBACK •
Nandito na nga kami ni Madelle, naglalakad lakad sa subdivision.
Walang gustong umimik.
Wala naman kasi akong dapat sabihin sa kaniya e. -_- siya 'tong mapilit.
"Markki,"
Tawag niya sakin, sabay hawak sa kamay ko.
Agad ko namang tinanggal yun at humarap sa kaniya.
"Ano pa bang problema mo?"
Mahinahon pa 'ko niyan. Huwag niya lang talagang paiinitin ang ulo ko.
"I still love you... "
Seryoso siya. Nakikita ko sa mga mata niya.
Kung noon niya siguro 'to sinabi, magiging sobrang saya ko.
Pero iba na ngayon.
May iba nang nag mamay-ari ng puso ko, at si Ciara yon.
Tiningnan ko siya ng diretso sa mata.
"I don't love you anymore Madelle. May iba na 'kong mahal."
Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya, sasabihin niyang mahal niya pa 'ko? Sino pang tang ang maniniwala sa kaniya?
"You're lying. I know you still love me. Dahil kung hindi na, dapat may iba ka na ngayon. Pero 'di ba sabi mo, wala ka pang ibang girlfriend ulit? That's why I believe that you still love me." Sabay yakap ulit niya sa braso ko.
Inalis ko ang pagkakayakap niya sa braso ko, at iniharap ko siya sa'kin. Hinawakan ko ang dalawang balikat niya at sinabing,
"Sorry Madelle. I lied."
Nakita kong ngumiti siya na para bang nabuhayan ng loob.
Naawa namam ako bigla, pero tinuloy ko pa rin ang sinasabi ko.
"I lied to you. May girlfriend na 'ko. Hindi ko lang sinabi agad dahil mabibigla ka lang kapag nalaman mo kung sino."
Bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya at napalitan ng magkahalong lungkot at inis.
"Tell me Markki, sino ang babae? I'll make her life miserable!"
Makapangyarihan ang pamilya nila Madelle kaya alam kong kaya niyang gawin 'yun.
"Pleasr don't do anything. Sige, sasabihin ko sa'yo kung sino but promise me na wala kang gagawin. Please?" Sabi ko sa kaniya.
"Okay fine! I promise." sigaw naman niya.
Huminga muna ako ng malalim. Humugot ng lakas ng loob para banggitin ang pangalan niya.
"Well?" naiinip na tanong ni Madelle.
Hinga ulit.
"Si.... Ciara. Ciara Faye Gonzales..."
Nanlaki ang mga mata niya.
Inaasahan ko na 'to. Alam kong magugulat siya.
"Markki what have you done?! Ganiyan na ba siya ka desperada para patulan niya ang taong...."
"Shut up! Wala siyang alam! Sinubukan kong ipahiwatig, pero wala talaga siyang alam."
Paliwanag ko sa kaniya. Alam kong ganito ang magiging reaksyon niya. At alam kong delikado na ang image ko at lalo na ni Ciara kapag kumalat pa 'to. Pero ayoko na talagang itago pa 'to kay Madelle para layuan niya na kami.
Nagulat na lang ako nang makita kong nag ggrin si Madelle. An evil grin formed on her lips. Kilala ko siya. Ginagawa niya lang 'yan kapag may binabalak siya.
"I'm gonna tell her. Babawiin kita sa kaniya."
Parang nanlambot ako sa narinig ko...
Hindi.. Hindi pa pwedeng malaman ni Ciara. At lalong hindi kung kay Madelle pa manggagaling.
"No please. Hindi mo ba naiintindihan? Hindi na ikaw ang mahal ko! Si Ciara na!" sigaw ko. Naiinis na kasi talaga ako.
"You know the consequnces of your action Markki. Hindi kayo pwede at alam mo 'yan. Ngayon pa lang sasabihin ko na sa kaniya para naman hindi na siya masyadong masaktan pa." Then she gave me a smirk.
"No please Madelle. Gagawin ko lahat. Kahit ano basta huwag mo lang sasabihin sa kaniya. Please."
Naiiyak na 'ko. Tae para na 'kong bakla pero nanlalambot na talaga 'ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman niya 'yun.
"I want you to date me. Habang kayo pa. At kapag nag break na kayo, you have to swear na magiging tayo."
Sabi niya.
Parang lalong gumuho ang mundo ko sa narinig ko.
"I"m not going to date you." sabi ko.
"Okay then. You can say goodbye to your precious girl."
Sa bandang huli, sinabi ko na lang na hindi ako makikipagdate sa kaniya pero I swore na magiging kami after namin mag break ni Ciara.
Ang sama ko ba? Ito lang ang magagawa ko para mapatagal ko pa ang relasyon namin ni Ciara.
• END OF FLASHBACK •
Nagulat na lang ako nang biglang dumating si Ciara kaya agad akong humiwalay kay Madelle at nilapitan si Ciara.
"Ciara, 'wag kang mag-isip ng iba. Magpapaliwanag ako...."
Pero imbis ba magalit, ngumiti pa siya at hinawakan ang kamay ko.
"Ano ka ba babe! Okay lang 'yun. Ipakilala mo naman ako sa kaibigam mo." sabi niya.
Nakikita ko sa mata niya na galit at nagseselos siya. Pero bakit ganito pa ang ikinikilos niya?
Ipinakilala ko siya kay Madelle. Nilapitan naman siya ni Madelle at... Ewan ko, nagbeso yata? Kaso bakit parang ang tagal?
Nagtaka na lang ako sa naging reaksyon ni Ciara matapos siyang ibeso ni Madelle.
Umalis na rin si Madelle at naiwan kami ni Ciara dito.
CIARA's POV
Ipinakilala nga sa'kin ni Markki 'yung kasama niya.
Madelle pala ang pangalan niya.
Short for Madeline.
Alam ko naman na kaibigan lang siya ni Markki. Pero hindi ko maiwasang hindi magselos. Lalo na nu'ng binanggit ni Markki na ex niya pala 'tong si Madelle.
Maganda si Madelle.
Maputi, brown ang buhok na naka curl sa dulo. Mahahaba ang mga pilik niya sa mata at napaka sexy pa niya.
Ideal lady sabi nga nila.
Lalo lang tuloy akong nainsecure.
After siyang ipakilala sa'kin ni Markki, lumapit siya sa'kin.
Akala ko, ibebeso niya 'ko pero may ibinulong siya sa'kin.
"Enjoy every moments while he's still with you. Matatapos din ang lahat ng meron sa inyo."
At pagkasabi nu'n ay umalis na siya.
Kinabahan tuloy ako.
Balak ba talaga niyang bawiin si Markki?
Hindi. Hindi ako papayag.
Ipaglalaban ko si Markki kahit anong mangyari.
~~~~~**
• Author's note: Kung alam mo lang Ciara :'(
Anyways... Malapit lapit na siyang matapos.
Waaaah salamat talaga sa nagbabasa pa rin. ^______^v
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON-GOING)
Storie d'amoreRight love, Right time, wrong person. Will you fight for it? Or will you follow what everyone else thinks is right?