Chapter 13: Confused

89 6 0
                                    

[A/N: PARA SA'YO! AYAN NAG UPDATE NA 'KO AH ^___^v DAPAT KAGABI PA KASO WALANG NET E NGAYON LANG NAGING OKAY 'YUNG CONNECTION KAYA AYAN NA =)))

LISTEN TO THE VIDEO ON THE RIGHT PARA MA FEEL NIYO ANG POV NI CIARA. START PLAYING IT KAPAG DU'N NA SA PART NG FLASHBACK PARA MAS MAFEEL NIYO :D PAG NATAPOS, PLAY NIYO ULET XD MAHABA KASI TO. ENJOY ^_____^v]

Ciara's POV

Ang lamig naman. Teka, anong oras na ba?

Tiningnan ko ang orasan. Ha? 1:00 na ng hapon?! Pero bakit ang lamig lamig pa 'rin? Bahagya lang nakamulat ang mata ko nang tiningnan ko ang orasan. Parang nanlalabo ang paningin ko. Nanlalambot pa 'ko. Ano bang nangyayari sa'kin? Tiningnan ko ang paligid. Wala din ako sa kwarto ko. Nasa'n ba ko? Hala! Walang tao sa bahay, kelangan kong umuwi. Baka mapagalitan ako ni tita.

Nasa'n ba kasi ako? Sinubukan kong tumayo pero naramdaman kong may nakakabit sa kamay ko. Tiningnan ko kung ano 'yung nakakabit. Huh? Dextrose? Pero bakit?

May biglang pumasok. Na.... Nu--nurse?? Nasa ospital talaga ako? Haaa? Anong nangyari? Teka, wala akong maalala ah.

"Gising ka na pala." Bati nu'ng nurse sa'kin sabay ngiti.

"Ah.. Ehh miss, sorry po pero kailangan ko na kasing umuwi. Wala po kasing tao sa bahay namin ngayon e. Wala po du'n ang tita at lola ko." Sabi ko sa kaniya

"Ah! 'Yun ba? Wag kang mag-alala. Natawagan na namin sila. Kahapon pa. Ang sabi nila, tatawagan na lang daw nila ang mommy mo ngayon para mapuntahan ka dito." Nakangiti pa 'ring sabi niya.

"Eh ate, bakit po ba ako nandito? Ano po bang nangyari?" Nagtatakang tanong ko. Wala kasi talaga akong matandaan kung bakit at paano ako nakarating dito.

"Ah 'yun ba? May naghatid sa'yong lalake dito nu'ng isang gabi. Actually pangalawang araw mo na dito. Sabi nu'ng lalake, nakita ka raw niyang naka higa lang sa tabing kalsada. Basang basa pa ng ulan. Binigay niya sa amin 'yung contact number ng tita mo nga, at sinabi pa niya sa'min na tawagan namin sila agad kapag umaga na."

Nagulat ako sa kinuwento niya

"U--umaga? Ibig sabihin po, isang buong araw akong tulog kahapon??" Gulat na tanong ko

"Oo. Pero 'wag kang mag-alala. Nilagnat ka dahil natuyo na 'yung damit mo sa katawan mo pagkatapos mabasa nang ulan. Besides your asthma, wala ka namang ibang dapat na ipag-alala." Nakangiti pa rin siya habang inaayos pa rin 'yung gamot na ipapainom yata sa'kin.

"E ate, kilala niyo po ba 'yung nagdala sa'kin dito?" Tanong ko ulit sa kaniya

"Hmm hindi niya sinabi 'yung pangalan niya e. Hindi rin tuloy namin nasabi sa tita mo kung sino 'yung naghatid sa'yo dito dahil nga hindi naman siya nagpa kilala. Pero gwapo siya. Matangkad, singkit at maputi. Kasing edaran mo siguro 'yun. O siya, eto na 'yung mga gamot mo. Eto naman 'yung pagkain mo. Uminom ka na agad ng gamot kapag tapos ka nang kumain okay? If you need anything, pindutin mo lang 'to." Sabay turo niya du'n sa may button sa may bedside. At lumabas na nga siya ng kwarto ko.

Lalakeng gwapo? Maputi? Matangkad? Singkit? Teka... Bakit parang si.....

Now I remember. Ang buong nangyari... Bakit? Bakit kailangan ko pang maalala? Sana pala hindi na lang ako nagtanong.

-- FLASHBACK --

2 days ago...

I had just sent Markki the text message na magkita kami ng 8pm.

I waited..

Hindi siya nagreply. Ano kayang meron?

I decided to take a walk sa neighborhood. Tutal, 7:30 pa lang naman. Magtetext naman siguro siya kung nandu'n na siya sa bahay

Forbidden Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon