Umuulan na naman. Haay. Mukhang nakikisama ang panahon at ayaw pa kaming paalisin dito.
Ako nga pala si Ciara Faye Gonzales. 15 years old, at incoming 4th year High School. 3 years na kaming nakatira dito sa Laguna. Pero dahil sa trabaho ng daddy ko, Kailangan naming Lumipat sa Quezon City. Hindi na rin ako naninibago. We've been doing this my whole life. SInce I was in Elementary. Kaya eto, ang dami ko nang nakilala at naging kaibigan. Siyempre marami na rin akong nakilalang guys. Nainlove, na broken heart. Pssh. Yes I know. Masyado pa 'kong bata para du'n. But I guess it's a thing na kahit sinong tao ay hindi kayang pigilan.
And tomorrow would be the big day! It's 8am right now at kailangan ko pang tumulong sa pag-empake ng gamit namin.
Hindi ko alam, pero there's something making me excited. Nagtataka talaga ako dahil hindi naman ako ganito dati kapag lumilipat kami. Noon, parang, normal lang. Pero ngayon, parang kinakabahan ako at naeexcite? I wonder why. O well. Kung ano man 'yun, malalaman ko rin pagdating namin doon.
*knock knock*
Hmm sino kaya 'yung kumakatok? Ah si Jeffrey. Siya nga pala si Jeffrey Ian Dela Vega. Ang aking masugid na manliligaw. Oo. Masugid talaga. Simula nung dumating kami dito, isa siya sa mga naging una kong kaibigan. Hanggang sa niligawan niya ko. Pero kaibigan lang talaga tingin ko sa kaniya at alam niya 'yun. Pero eto, ayaw papigil.
"O ikaw pala Jeff. Napadpad ka dito?" Sabi ko sa kaniya pagkatapos ko siyang papasukin sa bahay. "Pasensya ka na makalat ah. Naglilinis na kasi kami. Bakit ka nga ba nandito?"
"Ah okay lang. E kasi.... Alam mo naman 'di ba? Hindi na ba talaga pwedeng mag dorm ka nlng para dito ka pa rin mag-aaral? Parang hindi ko maimagine na wala ka dito. Tapos lilipat ka pa ng school. Naku! Mawawalan ng maingay du'n!"
Natawa ako sa sinabi ni Jeff. " Haha! Bakit maingay ka din naman a? Alam mo Jeff, hindi na kami mapipigilan. Tsaka isa pa, masyadong malayo ang Laguna sa Quezon City. At kilala mo si daddy, hindi ako papayagan nu'n na mag solo!"
Nalungkot siya bigla. At pagkatapos tumulong saglit ay umalis na rin siya nang wala nang ibang sinasabi sa akin. Siguro hindi niya lang kayang malayo ako sa kaniya. Ganiyan ang jirap kapag nagtatagal kami sa isang lugar. Mapapamahal ako sa isang tao, pagkatapos ay maiiwan ko nang ganu'n ganu'n na lang. Nakaka guilty na dahil lagi nang nangyayari sa kin. Pero wala naman akong magawa.
*Kinagabihan, habang kumakain*
"O maaga tayong aalis bukas. Kailangan gumising kayo ng maaga. Pagka drop natin ng mga gamit sa bagong bahay, pupunta tayo sa lola mo bukas." Sabi ng daddy ko.
"Huh? Sa Cavite Dad? Bakit? Ano pong meron?"
"Wala naman. Sabi lang ni mama, gusto ka na ulit niyang makita. At dalhan ko daw siya ng litrato ng bago nating bahay. Matanda na siya at hindi na siya makakapunta pa doon."
"Ah o sige po. Siya nga pala daddy, paano po 'yung sa enrollment ko? Payagan po kaya akong magtransfer? Graduating na po kasi ako."
"Oo nga hon. Hindi kaya magkaproblema 'tong anak natin?" Ang sabi naman ng mommy ko.
"Hindi. Nakausap ko na si Pareng Johnny. At sabi niya, okay na at naipagpaalam niya na sa Principal ng school. Kaya anak, galingan mo! Kahit hindi ka na pwedeng maging valedictorian, alam kong kaya mo pa ring makasama sa honor roll."
"Opo naman daddy. para sa inyo."
Pagkatapos namin kumain ay umakyat na 'ko sa kwarto. Naalala ko nanaman 'yung iniisip ko kanina. Kung ano 'yung bagay na nagpapaexcite sa akin sa paglipat namin. Haaaay. Kung ano man 'yun, sana magandang bagay 'yun at hindi ko ikakapahamak. Pagod lang siguro ako. Itutulog ko na lang 'to at bukas, baka wala na rin 'tong excitement na 'to.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON-GOING)
RomanceRight love, Right time, wrong person. Will you fight for it? Or will you follow what everyone else thinks is right?