[a/n: Dahil phone lang ang gamit ko, dito ko na lang muna ilalagay ang dedication. ^___^ Para kay Miss Alice Campo na binabasa pala 'tong story ko at nag convince sa'kin na mag Update na. Salamat. :D]
--
"I love you Ciara. Sana noon pa lang nasabi ko na sa'yo para hindi na ko nahihirapan pa."
Huh? Sino ka? Markki? Alam ko naman na mahal mo 'ko. Nasabi mo na 'di ba?
"No I'm not Markki. Alam kong siya lang ang mahal mo. But please listen to me. Niloloko ka lang ni Markki. He has a big dark secret na hindi niya kayang sabihin sa'yo." Sagot na naman ng lalakeng nakatalikod sa'kin at nakaharap sa liwanag. Parang nababasa niya ang iniisip ko.
Sino ka ba?! Bakit mo sinisiraan si Markki?! Mahal niya 'ko kaya hindi siya maglilihim sa'kin!
"See for yourself. Malapit mo nang malaman ang totoo. Malapit na..."
Teka! Ano bang sinasabi mo?!
Hahabulin ko sana siya pero nasisilaw ako sa sobrang liwanag.
"Ciara. Ciara?"
---
Nagising ako sa pagyugyog ni tita sa katawan ko.
Naalala ko 'yung lakake. Panaginip lang pala. Whew! -____- Sino kaya 'yun?
"Ciara, bumangon ka na at kakain na tayo." sabi ng tita ko.
"Opo tita. Susunod na po ako."
Maya maya pa, habang kumakain kami,
"Ciara, aalis nga pala kami ng lola mo. Pupunta kami dun sa bahay natin sa ilaya. Mga dalawang araw siguro kami du'n. Kailangan kasi ni nanay ng sariwang hangin para gumaling siya agad. Kaya mo bang maiwan mag-isa dito ng ganu'n katagal?" [a/n: Ilaya means BUKID]
"Opo naman tita. Malaki na po ako. Kaya ko po sarili ko." Sagot ko sa kaniya sabay ngiti. Mas okay na maiwan ako dito, kung para naman sa ikabubuti ni lola e.
"O siya sige. Mag aayos na kami at para makaalis ng maaga."
--
3pm na at paalis pa lang sila tita.
"Tita, ingat po kayo sa daan." Nagbeso na ako kay tita at nag mano sa lola ko. Tuluyan na nga silang nakaalis.
Haay dakilang loner nanaman ako nito sa bahay.
Nag eemote pa sana ako pauwi, nang may marinig akong parang nagkakatuwaan yata. Haaay buti pa sila masaya.
Pagdaan ko sa tapat nila, nagulat ako sa narinig ko.
"Hahaha! I'm telling you girls! Malapit ko nang makumbinsi si Markki na makipagbalikan sa'kin. Konting time na lang!" sabi nung isang babae sabay inom nu'ng beer na nasa baso niya.
Eeeww. Mga lasenggera. -____-
Pero nevermind their being 'lasenggeras'. Tama ba 'yung narinig ko? Pinag uusapan nila si Markki? At makikipagbalikan pa daw sa kaniya?!
Uminit yata dugo ko du'n ah. Calm yourself Ciara. Baka naman ibang Markki 'yung pinag uusapan nila? Hmm hindi lang naman siguro siya ang Markki dito.. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Natago ako sa may pader at patuloy na nakinig sa usapan nila. Tsk. Naging chismosa pa tuloy ako. -_____-
"Sus! You're so confident of yourself!" (girl 1)
"No! I'm sure of it this time. Mapapasakin na siya ulit. Hahaha!" (girl 2)
"Sigurado ka bang babalikan ka pa ni Markki? 'THE MARKKI CASTRONUEVO?' FLA's King of Cassanovas?" (girl 3)
"Yes girls. And this time, I'm gonna be his last." (girl 2)
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON-GOING)
RomantikRight love, Right time, wrong person. Will you fight for it? Or will you follow what everyone else thinks is right?