CIARA's POV
Nagpaalam na si Markki na aalis lang daw siya at pupunta kay May. Kelangan daw ni May ng tulong. Pero... saan naman kaya?
Kilala ko si May at ni minsan, wala pa siyang kilos o galaw na hindi naikwento sa'kin.
May problema kaya? I feel like there's something they are not telling me.
Ayokong maghinala, pero iba ang sinasabi ng instinct ko. Hindi ko alam pero parang may mali e.
I sighed. Hindi. Mali siguro ako ng naiisip.
Hindi naman ako lolokohin ni Markki 'di ba? He promised me.
Pero ano nga kaya 'yung sasabihin niya dapat kanina?
Haaaay. Kakalimutan ko na lang nga muna.
Bumalik ako sa harap ng mesa at unti-unting iniligpit ang mga inihanda ko kanina.
Hindi ko alam kung bakit, pero nawalan ako ng ganang kumain.
Pagkatapos kong magligpit ay pumasok ako sa kwarto at nahiga.
Hindi ko na talaga alam kung ano'ng dapat kong isipin. Ayoko sanang maghinala pero 'yung mga ikinikilos niya, kabaliktaran ng gusto kong paniwalaan.
*tok tok tok*
Huh? Sino naman kaya 'yun?
"Sandali lang po." Sigaw ko sa kung sino mang kumakatok na 'yun. Lumabas ako ng kwarto at binuksan ang pinto.
"Ah, may delivery lang po. Para po kay Ciara Faye Gonzales?"
Ha? Delivery para sa'kin? Hindi pa sana ako maniniwala pero ipinakita sa akin ni Kuya 'yung resibo at 'yung order slip. Sa'kin nga nakapangalan.
"Ah, ako po si Ciara."
"Pakipirmahan na lang po ito." At pinirmahan ko naman 'yung papel na katunayang nareceive ko 'yung delivery
"Uhm, kuya, kanino po galing 'to? Hindi po kasi ako ang nag order niyan." Tiningnan ni Kuya 'yung resibo pero sa'kin daw kasi ito nakapangalan. Pangalan ko pa raw ang inilagay sa buyer.
Tumango na lang ako at umalis na siya.
Package? Ano naman kayang laman ng kahon na ito?
Isa siyang maliit na kahon na parang kasing laki lang ng kahon ng sapatos.
Matagal pa naman ang birthday ko ah?
Iniangat ko ang kahon, at maingat na tinanggal ang wrapper.
Hindi nga ako nagkakamali. Kahon nga siya ng sapatos.
Nang buksan ko ang kahon, nagulat ako sa nakita ko.
"Doll shoes?"
Sa ibabaw ng mga sapatos ay isang papel.
"You are invited to join as I celebrate my 50th birthday, for the first time, in the Philippines.
When: May 15, 2008
Venue: Villa Casa Mileno, Castillo Estate
Attire: Casual
See you there! - Grace Lyn Castillo"
Castillo? Kamag-anak kaya namin sila?
Catillo kasi ang apelyido ni Mommy nu'ng dalaga pa siya. Hm siguro nga kamag-anak namin 'to. Itatanong ko na lang kay lola pagbalik nila.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON-GOING)
RomanceRight love, Right time, wrong person. Will you fight for it? Or will you follow what everyone else thinks is right?