Chapter 7: Yes or No? What would be the final answer?

97 7 1
                                    

"Ciara? Ciara. Nasa labas ang mommy mo. Hinihintay ka."

Malumanay akong ginising ni tita. Haaaay. May tatlong linggo na rin ang nakalipas mula nung nag 'confess' sa'kin sa Markki. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala.

Naalala ko tuloy nu'ng nakaraang Martes. Nagtext siya sa'kin at nagyayang gumala ulit sa plaza. Sabi niya kasama si Ate May. Hindi naman pala.

--

(MARTES NG GABI)

"Akala ko ba kasama natin si Ate May?" Tanong ko sa kaniya.

"Haha! Sinabi ko lang 'yun para pumunta ka. Alam ko naman kasi na hindi ka pupunta 'pag nalaman mong ako lang kasama mo." Ang sabi niya.

Nakakainis talaga 'tong lalakeng 'to. Kelangan pang mag sinungaling. Minsan tuloy naiisip ko, baka nga niloloko niya lang ako. Teka, e ano naman kung niloloko niya lang ako? May balak ba kong sagutin siya? Wala naman 'di ba? Teka, hindi naman siya nanliligaw 'di ba? Haaaaay EWAAAAN!

"O bakit tulala ka?" Tanong niya sa'kin.

"Ha? Ah wala napapaisip lang."

"Ano naman iniisip mo?" Tanong ulit niya.

"Basta."

"Ciara, alam mo naman siguro na mag iisang buwan na kong nanliligaw sa'yo. Ang kaso, hindi magtatagal, uuwi ka na sa inyo. Pa'no na 'yan?"

Whaaaaat?! Nanliligaw pala talaga siya! Anong gagawin ko? O.o

Anong isasagot ko???

"Alam ko Ciara, mahirap akong mahalin. Karamihan sa mga naging gf ko, minahal ako dahil lang sa itsura ko. Hindi nila makita 'yung totoong ugali ko. Isa pa, alam kong kapag sinagot mo ko, maraming hindi maganda na pwedeng mangyari. Maraming madadamay. At lalo na, pwede kang mapahamak."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Teka, anong ibig mong sabihing pwede akong mapahamak?"

"Na, kapag minahal mo ko, marami kang matatanggap na hindi magagandang salita mula mismo sa pamilya mo. Dahil hindi mo ko pwedeng mahalin."

Mas lalo pa kong nagulat sa sinabi niya.

"Ano bang ibig mong sabihin? Bakit hindi kita pwedeng mahalin?"

"Teka, wala ka bang alam?" Tanong niya na parang naguguluhan din.

"Ano bang dapat kong malaman?" Tanong ko na medyo naiinis na.

"Na... Na..... Na baka mapagalitan ka ng mommy mo at ng lola mo. 'Di ba ayaw pa nila na mag bf ka? Ayun..." Sagot niya na parang medyo kinakabahan.

"Okay ka lang? Bakit parang may problema ka?" Tanong ko.

"Ah wala. Basta maghihintay ako kahit gano mo pa ko katagal paghintayin ng sagot mo."

--

At dahil nga dito ay napaisip ako kung sasagutin ko na ba siya o hindi. May isang buwan na rin. Pakiramdam ko, napapalapit na siya sa'kin. Next month, babalik na ako sa Manila.

Teka, bakit nga ba nandito si mommy?

"O ma, bakit kayo nandito? Napapadalas po yata pag dalaw niyo a." Sabi ko kay mommy.

"Guto ko lang ipaalam sa'yo anak na umalis na ang daddy mo kahapon lang para pumunta sa America. At gusto niyang malaman kung kailan daw ba natin siya susundan doon."

Hmm napaisip ako. Hindi ko pa sigurado kung gusto ko na nga ba talagang lumayo sa Pilipinas, FOR GOOD. Lalo pa ngayong mas nakikilala ko pa si Markki. Oo, kahit ilang beses kong sabihin na mayabang siya at arogante, hindi maitatangging totoo siya 'pag nagmahal. Ang dahilan lang naman pala kung bakit niya iniiwan 'yung mga dati niyang naging gf, ay dahil itsura niya lang ang mahal ng mga 'yun. Ang sabi niya pa sa'kin, (flashback) "Para sa'kin, hindi ganu'n kaimportante ang itsura. Basta nagpapakatotoo ka, at mahal mo ang ibang tao kung sino sila, 'yun ang mahalaga." Dahil sa mga salitang 'yun, kaya niya nakuha ang loob ko. Akala ko puro papogi. Hindi naman pala. Nagdadalawang isip na tuloy ako ngayon kung iiwan ko pa ba ang Pilipinas.

"Uhm ma, pwede po bang pag isipan ko pa? Tutal, sa September pa naman ang simula ng klase du'n 'di ba?" Tanong ko kay mommy.

"Sige anak. Ayoko rin naman na magsisi ka dahil lang sa minamadali ka namin ng daddy mo. Ako ng bahalang magpaliwanag sa kaniya kapag nagkausap kami." Sabi ng mommy ko.

Matapos pa naming magkwentuhan ay umalis na si mommy. Hinatid ko siya hanggang sa may kanto. Nang pauwi na ko kina lola ay nakasalubong ko si Markki.

"Mommy mo 'yun 'di ba?" tanong niya sa'kin.

"Oo bkit?" Sagot ko naman

"Ah wala naman. Bakit daw siya nandito?" Tanong niya sa akin.

"Ah wala naman. May pinag usapan lang kami." Sagot ko naman

Parang biglang nalungkot si Markki.

"Markki? May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ha? Ah wala. Naisip ko lang, sinusundo ka na ba ng mama mo?"

May bahagi ng puso ko ang naawa sa itsura niya. Para bang ayaw niya na kong paalisin. Para bang hindi niya kaya ng wala ako. At dahil dito, para bang natouch ang damdamin ko. :">

"Markki, kahit naman sunduin na ko nila mommy, hindi naman tayo mawawalan ng komunikasyon 'di ba?"

"Pero gusto pa kitang makasama ng matagal." Sagot niya na para bang malapit na siyang umiyak

"Wag ka ngang madrama. Hindi pa nga tayo, ganiyan ka na. Pano na lang kung magiging tayo?" sabi ko sa kaniya.

"Bakit? May pag-asa ba?"

"Tingin mo ba magpapaligaw ako kung wala naman? Hm gusto mo na ba malaman sagot ko? Para naman mabawasan 'yang kadramahan mo."

"Bakit?! Tayo na??? ;))))"

"Oi wala pa kong sinasabi! Ambisyoso."

"E ano ba kasi?"

Hmmm. Ano nga kaya?

--

Ano sa tingin niyo? ;)

Forbidden Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon