*Toooot Tooooot*
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ng Daddy ko. Hah! Si Daddy talaga! Hindi kayang gumising ng maaga 'pag wala ang alarm clock niya :)
Naku! Ngayon na nga pala ang alis namin. Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at nagsend ng text message sa lahat ng close friends ko.
"This is it. Last day. The Big Move. I'll miss you all guys. Punta kayo dito! While it's still early. We'll be leaving by 7am SHARP! Hope you guys can come. Lovelove. XOXO"
'Yan ang sabi ko sa kanila. Hindi ko kayang umalis nang hindi sila makikita. Sobra na silang napamahal sa 'kin.
Alas-singko pa lamang ng umaga, pero nag aayos na kaming tatlo nila Mommy.
Haaaay. Tama. Nag-iisang anak lang ako. Sobrang boring. Dahil wala akong mapagkwentuhan ng mga nangyayari sa 'kin. Maliban siyempre sa mommy ko.
*Knock Knock*
"Ciara! Nandito sina Emily." Sigaw ng Mommy ko.
Napasmile ako. Dali dali akong bumaba, kahit nasa bibig ko pa 'yung tooth brush ko.
"Emily! Claire! Dinna! Buti nakarating kayo." Ang sabi ko sa kanila. "Ang aga naman ata"
"Alam mo ba, buong magdamag kaming naghihintay ng text mo! Magkakausap kami sa phone mula kagabi hanggang kanina, hindi ka na namin tinawagan dahil baka pagod ka sa maghapong pag eempake. Kaya nung nareceive namin text mo, agad kaming pumunta dito." Paliwanag ni Dinna.
"Aww touch naman ako." :"> Pero totoo 'yun. Silang tatlo ang masasabi kong best friends ko sa buong tatlong taon na pagtira namin dito.
"Teka, nga pala, bakit hindi niyo kasama si Jeff?" Tanong ko sa kanila.
"Ah 'yun nga pala. Dumaan kami sa kanila kanina. Hini pa rin daw siya natutulog pero ayaw niyang sumama sa 'min. Baka daw hindi niya mapigilan sarili niya kung pupunta pa siya dito. Alam mo naman 'yun. Pasensya ka na daw." Sabi ni Emily.
"Ganu'n ba. Haay naiintindihan ko naman siya. Wala naman akong magagawa e. Pero masaya ko kasi nandito kayo. :)"
*Alas siyete na at handa na ang lahat para sa pag-alis namin.*
"O pano girls? Kelangan na naming umalis. Mag-iingat kayo lagi huh? 'Wag niyo kong kakalimutan! Iloveyou girls" At niyakap ko sila pagkatapos ko itong sabihin.
At umalis na nga kami patungong Quezon City, nang hindi ko man lang nakausap at hindi man lang ako nakapag paalam sa isang taong malapit sa akin.
"Mamimiss kita Jeff." Bulong ko na lamang sa aking sarili habang hawak ang kwintas na bigay niya sa akin.
"O anak, tulog ka na muna ulit. Mahaba pa ang biyahe natin."
Ngunit bago ko pa ito marinig mula sa aking Daddy ay nakasandal na ako sa kinauupuan ko at nakatulog na ng 'di sinasadya.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON-GOING)
RomanceRight love, Right time, wrong person. Will you fight for it? Or will you follow what everyone else thinks is right?