CHAPTER 21: Almost...

43 5 0
  • Dedicated kay Roiahmaroiah WP
                                    

CIARA'S POV

Bumangon agad ako ng maamoy kong parang may nagluluto. Hmmmm ang bango e.

Paglabas ko sa kusina, nagulat ako sa nakita ko.

"Hoy Markki!! Bakit ikaw ang nagluluto?! Tsaka ba't ka ba nandito?! Baka may nakakita sa'yo na pumunta ka dito?!"

Aba, at tinawanan lang ako ng loko?! Hala e pa'no kung nakita pala siya nu'ng kapitbahay naming tsismosa?? Edi isusumbong pa ako nu'n kay lola?! Nako naman! >.<

"Ano ka ba Ciara, tingnan mo nga muna kung anong oras pa lang." Sabi niya ng nakangiti pa rin.

Grabe! Buo na ang umaga ko *_____* Ehem. Behave Ciara.

Tiningnan ko ang orasan gaya ng sinabi ni Markki at nagulat ako! As in gulat na gulat! O____O

"Ano?! 5am pa lang?! Markki naman, bakit ang aga aga nandito ka na? Baka naman inaantok ka pa??"

Nginitian niya lang ulit ako.

"Ikaw kasi e! Hindi mo 'ko pinatulog kagabi. Hahaha!" - Markki

Ano daaaaw? O.o

"Hahaha! You should have seen your face Ciara! Hahahahaha! Binibiro lang kita e. Actually, iniiisip ko kasi kung pinakinggan mo ba 'yung recorded message ko kagabi, kaya hindi ako nakatulog." - Markki

Tapos na yata siyang magluto, dahil inihahanda niya na ang lamesa.

Nilapitan ko siya nang tapos na siyang mag ayos, at niyakap.

"Uyyy namiss mo 'ko no? Haha don't worry, ako rin namiss kita."

Sabi niya at niyakap niya 'ko pabalik.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko, dapat ko 'tong gawin.

I'm not sure kung tama ang narinig ko sa last part ng record niya kagabi... Pero alam kong may hindi tama...

-- FLASHBACK --

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko, there's a hidden message in his every words. Hindi ko lang masabi kung ano.

Pero ang mas nakagulo sa isip ko ay ang sinabi niyang he can't keep me forever.

Pero bakit naman kaya?? I'm currently asking for an explanation.... Naguguluhan ako... A-ano bang hindi ko alam? May tinatago ba siya?? Wala naman siguro...

Hindi niya naman siguro ako lolokohin 'di ba? I trust him... I know that he'll never do that...

I .. I want to talk to him. Pero para bang may pumipigil sa'kin...

 Maya maya pa, nagsalita na ulit si Markki...

"Ciara.... I love you.. I really do... But it's true that nothing lasts forever... Alam ko... Alam kong hindi ako karapatdapat para sa'yo. You deserve someone better.... 'Yung nararapat mahalin ng isang babaeng tulad mo... At hi--hindi ako 'yun... Pero sana.... Sana, sa kabila ng imperfections ko as YOUR MAN, tanggapin mo pa rin ako. I don't want to lose you..... Ayoko.... Not now... *sniff* Ciara... I'm sorry. I really am.... Hindi mo man napapansin, pero marami na 'kong kasalanan sa'yo... I'm really really sorry. *huk* *huk*..."

Umiiyak na siya ng sobrang lakas habang sinasabi 'yan..

Nasasaktan ako..

Hindi lang dahil sa nararamdaman ko 'yung sakit na nararamdaman niya,

Pero pakiramdam ko, may itinatago siya sa'kin...

Kapag naiisip kong may nililihim siya, nasasaktan ako...

Hindi ba niya 'ko ganu'n ka mahal at hindi niya masabi sa'kin ang mga problema niya???

Naiinis ako...

Pero ayokong magalit sa kaniya. Lalo pa ngayon na problemado siya.

Kelangan ko siyang makausap....

-- END OF FLASHBACK --

"Markki, I want to ask you about something. And I want you to tell me the truth."

Dahil nakayakap ako sa kaniya, naramdaman ko ang biglang pagbilis lalo ng heart beat niya. Kung kaninang yakap ko siya ay mabilis na ang heart beat niya, mas mabilis ito ngayon. Pero bakit? Is he nervous?

"O sige. Ano ba 'yung gusto mong itanong?"

Eto na. It's now or never. Siguro, kung malaman ko man na may inililihim siya sa'kin, hihintayin ko muna ang explanation niya. Ayoko siyang pangunahan. Gusto ko lang talagang alamin kung ano ba ang ibig sabihin ng mga sinabi niya kagabi.

"Tell me, ano ba ang gusto mong iparating sa'kin du'n sa message mo kagabi? Please tell me Markki, I'm so confused. Pakiramadam ko, may inililihim ka sa'kin, but I'm hoping na mali ang iniisip ko..."

Naramdaman kong nanigas siya sa kinatatayuan niya. Nakayakap ako sa kaniya, at nakayakap siya sa'kin kaya ramdam na ramdam ko 'yun. But what made me more curious ay ang pagluwag ng pagkakayakap niya sa'kin. At tuluyan na nga siyang kumalas pagkakayakap namin.

He took a deep breathe, at hinawakan ang mukha ko. Pagkatapos ay hinalikan niya 'ko sa noo.

Is this a sign na totoo ngang may tinatago siya sa'kin?

"May problema ba Markki? C'mon, you can tell me."

Mukha kasi siyang problemado. I want to comfort him, I want to know kung ano ba ang pinagdadaanan niya.

Hinawakan niya ang dalawa kong balikat, and he looked straight into my eyes.

Alam kong sasabihin niya na sa'kin kung ano ang bumabagabag sa kaniya...

"Ciara, I need to tell you something..."

------

MARKKI'S POV

"Ciara, I need to tell you something..."

Eto na, sasabihin ko na sa kaniya... Wala nang urungan 'to.

Hingang malalim. Kaya mo 'yan Markki!

*inhale*

*exhale*

"Ciara, you see..."

*Riiiiing* *Riiiiiiing*

Ay pambihira! Tumunog pa 'yung phone ko! Aish sino naman kaya 'to?

Inilabas ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Incoming Call

May-tot

Si May? Bakit kaya siya tumatawag? Sa pagkakakilala ko sa babaeng 'to, hindi 'to basta basta tumatawag kung hindi importante ang sasabihin niya. I need to answer this.

Tumingin ako kay Ciara at nakita kong nakatayo pa rin siya sa harap ko.

"Tumatawag si May...."

She just smiled and nodded.

"Sige na sagutin mo na. Baka importante 'yan e."

Lumayo muna ako ng konti bago sinagot ang tawag niya

"Hello May? Napatawag ka? Panira ka ng moment e!" - Ako

(Mamaya ka na magkwento. May kelangan kang malaman.) - May

Medyo kinabahan ako sa tono ng pagsasalita ni May.

"Ano 'yun?" - Ako

(It's about Madelle.)

------

AN: HoMayGad!! Ano kaya ang ginawa ni Madelle?? Abangan :D

Forbidden Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon