"Ciara. Ciara!" Nagising ako dahil sa matinding paghampas ni mommy sa balikat ko.
"Aray ko! Pwede niyo naman po akong gisingin ng maayos." *Yawn*
"Baba na kayo at naghihintay na si Mama." Sigaw ni Daddy mula sa may pintuan ng kotse.
Taon-taon ay dumadalaw kami at dito kami nagcecelebrate ng New Year sa bahay ng Lola ko. Pero ngayon ay dumalaw kami dahil first time na hindi siya makakarating sa bahay na lilipatan namin. Dito muna ako habang wala pang pasok at ito ay desisyon ng daddy ko. Para daw may nagbabantay kay lola. Siyempre ay pumayag naman ako.
Pagdating ng Hapon, ay naghanda na para umalis sina Mommy at Daddy at bukas daw ay hahatiran nila ako ng mga damit. At pagkatapos ng ilang bilin, umalis na din sila.
Kami pa lang ni lola ang tao sa bahay. Wala ang tita ko, nasa grocery store pa. At ang mga pinsan ko naman, ayun naglalaro na naman sa may kalsada.
"Psst psst!" May narinig akong sumisitsit mula sa may bintana. Lumabas ako sa terrace para silipin kung sino 'yun. Pero wala namang tao.
Makalipas ang ilang oras ay nakaramdam ako ng pagka inip. Kaya binuksan ko ang TV. Detective Conan na pala. Saktong sakto ang pagbukas ko ng TV.
"Pabili po!" Naku may bumibili. Istorbo -_-"
"Ano 'yon?" Sabi ko sa bumibili.
Nang tiningnan ko ang bumibili, siya pala 'yun. Siya 'yung batang sobrang kinaiinisan ko noon. Oo, noon 'yun. Nung 10 years old pa lang kami. Madalas siyang kalaro ng mga pinsan ko, kaya nkakalaro ko na din siya. Pero lagi niya akong inaasar kaya naiinis ako sa kaniya noon pa lang.
"O eto na 'yung yelo mo." Sabi ko sakaniya pagka abot ko ng yelo.
"Sige alis na ko." Sabi niya
"Hoy! Bayad mo?"
"Kiss na lang pde ba? :)"
"Kiss ka diyan. Mabubusog ba ko diyan sa kiss mo?! Magbayad ka! Dos na nga lang e."
"Mabubusog ka dito. Hindi ka pa makakatulog :)"
"Tse! Yung dos mo! Susumbong kita kay lola."
"Corny mo naman!" Sabi niya sabay abot ng limang piso "Sa'yo na 'yung sukli. Suplada!"
At pagkatapos ay tumakbo na siya paalis.
Nang araw na 'yun ay hindi na siya mawala sa isip ko. Kung ano ang nararamdaman ko nung mga panahon na 'yun, hindi ko din alam pero isa lang ang sigurado ko. Nakuha niya ang atensyon ko.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON-GOING)
RomanceRight love, Right time, wrong person. Will you fight for it? Or will you follow what everyone else thinks is right?