Brent's POV
Maaga akong nagising. Nu'ng tumingin ako sa orasan, 5am pa lang. Gising na ang tita at lola ni Ciara peo bakit parang hindi ko pa nakikita si Ciara. Tulog pa kaya?
"Gising ka na pala toy. 'Yung mga gamit mo nga pala, ipinasok muna namin sa kwartong tinutulugan ni Ciara. Kung may kailangan kang kunin, pumasok ka na lang du'n."
Hmmm chance to ah. Naisip ko sabay ngiti. Haha ang bad ko talaga. :)
"Sige po tita. Kukuha lang po ako ng toothbrush. Okay lang po ba talagang pumasok?" Painosenteng tanong ko. Pero siyempre alam ko namang hindi sila tatanggi
"Osige lang. Tulog pa naman si Ciara e."
Yes! Chance nga talaga. Bwahahaha! Bad boy! XD
Pumasok ako sa kwartong tinutulugan daw ni Ciara. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Ayun. Tulog pa nga siya.
Kinuha ko ang toothbrush ko at lumabas na ulit.
Pagkatapos kong mag tooth brush ay pumasok ulit ako sa kwartong pinanggalingan ko kanina.
Ibinalik ko sa lalagyan ang toothbrush ko. Lalabas na sana ako nang napatingin ako sa natutulog na si Ciara. Ang cute niya lalo kapag natutulog. Mukha siyang anghel. Bumabalik na naman 'yung nararamdaman ko nu'ng mga bata pa kami. My first love, young love, sweet love, lahat na ng love.
Pero napalayo siya sakin. Siguro dahil palipat lipat sila kaya naisip ko na baka meron na siyang ibang gusto. Dahil sobrang hinahanap ko sa iba 'yung mga katangian niya, pero hindi ko makita, kaya naging papalit palit ako ng babae. Nabansagan na nga akong Prince Casanova e. Dahil dito, kaya lumayo sa'kin si Ciara. Pero hindi niya alam na nagbago na ko dahil hinihintay ko na lang siya. May chance pa kaya ngayon? Gusto niya pa kaya ako? Mutual pa 'rin kaya 'yung feelings namin? Sana oo. Gusto kita Ciara. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya kahapon nu'ng sumama ka sa'kin. Sana makasama kita forever. Kung pwede lang sana.
"Brent?" Napaupo ako sa sahig.
Gising pala siya! Tapos nakatitig ako sa kaniya? Da*n nakakahiya! -______-
"Ah... Ka-- kanina ka pa ba gising!?" Gulat na tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya. "Ikaw ah. Tinititigan mo 'ko. Haha." Nakakapanlambot 'yung ngiti niya. Her smile always makes me melt. Parang dati pa 'rin.
"Ambisyosa! Pinagtatawanan nga kita kasi tulo laway ka! Ayan o!" Biro ko. Ayoko pang umamin sa kaniya. Hindi muna ngayon.
Ang aga aga nag aasaran na kami. Pero kailangan ko nang umuwi maya-maya. Kaya sinulit namin ang araw at niyaya ko ulit siyang mag-ikot du'n sa lugar ng lola niya at pumayag na naman siya tulad kahapon. Napakasaya ko talaga. Best day of my life! ;)))
Ciara's POV
"Hoy Brent! Bilisan mo ngang maligo! Daig mo pa babae e!" Sigaw ko mula sa labas ng banyo.
Kaya pala siya nagpahuling maligo. Tsk. Parang mga pinsan ko lang ah.
Hindi pa'rin talaga 'ko makapaniwala na tinititigan niya 'ko kaninang umaga. Tinatawanan daw niya 'ko pero seryoso 'yung mukha niya? Kalokohan! Ang sabihin niya pinagpapantasyahan niya 'ko! Wahaha! Ewww ano ba naman 'tong naiisip ko.
Naisip ko si Markki. Kmusta kaya siya? Namimiss ko na ang boses niya. Pumasok ako sa kwarto. Nakabihis naman na 'ko kaya may oras pa dahil hindi pa naman tapos maligo si Brent.
Kinuha ko ang phone ko at dinaial ang number ni Markki.
"Hello?"
"Hi babe. Imissyou!" nagulat ako. Naunahan niya pa 'ko sa gusto kong sabihin.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON-GOING)
RomanceRight love, Right time, wrong person. Will you fight for it? Or will you follow what everyone else thinks is right?