"Oh, Ciara, bakit hindi nababawasan 'yang pagkain mo?" Tanong sa'kin ni lola habang magkasama kaming kumakain.
"Ah wala po. May iniisip lang po ako." Sagot ko naman.
"Iniisip mo ba mommy't daddy mo? 'Wag ka mag-alala, bukas e nandito na ulit silang dalawa."
Tumango na lamang ako sabay subo ng pagkain. Ang akala ni lola, sila mommy ang iniisip ko. Pero ang totoo, iniisip ko 'yung nangyari kanina.
Sino kaya 'yung lalakeng 'yun? Nakakaasar! Ang yabang yabang niya. Buti na lang pogi siya. Sabay ngiti. Tsk tsk ano ba 'tong iniisip ko? Dapat binabantayan ko si Lola sa halip na nag iisip ng kung anu-ano.
"Lola, magpapahangin po muna ako sa labas ah?" Paalam ko kay lola nang matapos ko nang hugasan ang mga pinggan. Sabay halik sa noo niya.
Naupo ako sa pasilyo sa terrace ng bahay. Maya maya pa ay may lumapit sa 'kin.
"Huy! Bakit ka tulala?"
"Ah! Ikaw pala Ate May. Hindi. May iniisip lang ako."
"Ano naman 'yun?"
"Kanina kasi. May mayabang na lalakeng bumili dito. Sabihan ba naman ako ng suplada."
"Ha? Tga dito ba 'yun?"
"Oo! Diyan pa nga siya pumunta nung pagtapos niyang bumili ng yelo." Sabi ko sabay turo sa katabing bahay ng bahay ni lola.
Parang nagulat si Ate May. "Anong itsura niya?"
"Matangkad, maputi, singkit, gwapo in short."
"Ahhh! Haha! Nabiktima ka na din pala ni Markki!"
"Markki?" Tanong ko. "Kilala mo 'yun?"
"Ano ka ba! Kilalang kilala 'yun dito! Laging maraming nabibiktima 'yun. Maraming galit dun, pero ang dami ring patay na patay du'n. Ang nakakapagtaka lang, bakit pati ikaw bibiktimahin niya? Hmm maitanong nga bukas. Haha"
"Uy baka sabihin mo ako nagtatanong ah! Ayoko na ngang makasalubong 'yung mokong na 'yun e!" Sabi ko na medyo naiirita.
"Haha oo naman. Akong bahala. O siya sige. Gabi na! Matulog ka na. Itetext na lang kita kapag nakausap ko na siya. Good night Pinsan!" Sabi ni ate May sa kin.
"Goodnight ate."
Tulog na si lola nang sinilip ko siya sa kwarto niya, kaya pumasok na rin ako sa kwarto ko para matulog.
Hmmm. Markki. 'Yun pala ang pangalan niya. Tsk tsk. Hinding hindi ko makakalimutan 'yang mokong na Markki na 'yan. Sana hindi ko siya makasalubong bukas. At pagtapos ng mga isiping ito ay nakatulog na ako ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON-GOING)
RomanceRight love, Right time, wrong person. Will you fight for it? Or will you follow what everyone else thinks is right?