CIARA's POV
Hindi pa rin ako maka get over sa sinabi ni Madelle sa'kin kanina.
Nga pala, hinatid na 'ko ni Markki dito sa bahay, at nandito pa rin siya hanggang ngayon. 2 days pa kasi bago umuwi dito sina tita.
Tahimik lang kami buong panahon kanina nang ihatid niya ako. Hanggang dumating kami dito sa bahay, tahimik pa rin siya.
Nakaupo lang kami sa sala. Walang ibang tumutunog kundi ang TV.
"Uhh ano.. Markki nagugutom ka na ba?"
Past 1 na kasi pero hindi pa 'ko kumakain. Baka ganu'n din si Markki.
"Ah medyo pero okay lang. Uuwi na lang ako para kumain. Sige Ciara, mauna na 'ko."
Aalis na sana siya, pero hinawakan ko ang kamay niya at pinigilan siya.
"Markki, kelangan pa nating mag-usap. Maupo ka muna. Maghahanda ako ng pagkain."
Nang umupo na siya ulit sa sofa, tumayo na 'ko para ipaghanda siya ng pagkain.
Binuksan ko ang ref....
Ang dami ngang laman, pero may naalala ako....
Hindi ako marunong magluto T_____T
Nasanay ako na si mommy ang laging nagluluto para sa'kin e T______T
Nakakahiya mang aminin pero hindi talaga ako marunong ><
Pumunta ulit ako sa sala... Nakita ko si Markki, naghihintay du'n.
Nilapitan ko siya. Nakatayo lang ako sa harap niya at nakayuko.
Hindi ako makatingin sa mata niya...
Nakakahiya naman kasi eeeee T______T Huhuhuhu!
Nasa'kin nga ang talent sa pagsayaw, pagkanta at pinagkalooban rin ako ng talino pero bakit hindi ako biniyayaan ng galing sa pagluluto?
Pa'no na lang kapag nagkapamilya na 'ko??? T____T
Ahuuuuu. Pero ang bata ko pa para isipin ang tungkol sa pamilya. Mali. Erase erase!
Eh pero kasi nakakahiya talaga..... T______T
Tiningnan niya na 'ko.
"Oh Ciara, bakit ganiyan itsura mo? May problema ba?"
"Ano kasi Markki e..... Ano....."
MARKKI's POV
Kung itatanong niyo kung anong ginagawa ko,
Nandito ako sa bahay nila Ciara ngayon at ako ay.....
NAGLULUTO.
Oo. Tama. Nagluluto. Hahahaha! E kasi naman 'tong si Ciara e.
Hindi lang pala siya marunong magluto, ayaw pang sabihin. Nahihiya siguro.
Kaya naman nagpresinta ako, na ako na magluluto.
Kung hindi lang siguro ako naaawa sa itsura niya kanina, tinawanan ko na siya ng malakas. Hahaha! Ang bad ba? Sorry naman! E kasi natatawa lang talaga ko.
Anyways....
Ang niluluto ko lang ay paksiw na bangus :) buti na lang nga at may ingredients dito sa ref nila.
Konti lang niluluto ko. Dalawa lang naman kasi kaming kakain.
Naramdaman kong nakatayo lang siya sa likod ko. Siguro pinapanood niya kung pa'no ko nagluto. Haha!
"Uy Ciara, halika dito." Tawag ko sa kaniya na hindi lumilingon.
Lumapit naman siya.
"Tikman mo nga kung okay na. Sabihin mo kung sobrang asim o tama lang." Sabi ko, sabay subo ng konting sabaw sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON-GOING)
RomanceRight love, Right time, wrong person. Will you fight for it? Or will you follow what everyone else thinks is right?