Chapter 5: Handsome and Sweet. His hidden side.

99 4 0
                                    

♫ I'm at a payphone trying to call home ♫

Nagising ako dahil may tumatawag sa kin.

"Hello!"

"Ciara! Ako 'to,"

"Ikaw pala ate May. Napatawag ka?"

"Punta ka dito sa bahay. May ipapakilala ako sa 'yo. Bilisan mo ha!"

"Ha? Ngayon na? Sige sige. Maliligo lang ako."

Paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako ng madatnan ko sina mommy at daddy sa sala.

"Mom. Dad. Bakit po kayo nandito?"

"Ah nak, may sasabihin kami sa 'yo." Sabi ni daddy

Kinabahan ako ng marinig ko 'to.

"Nag offer ang company ng dad mo na idestino siya sa California. Merong isang malaking company na gustong magextend ng business doon, at ang daddy mo ang napiling Architect na gumawa ng Plano para sa building. Kaya kailangan niyang pumunta doon." Paliwanag ni mommy.

Nagulat ako ng marinig ito.

"Wala na po bang ibang option? Bakit kailangang umalis ni daddy?"

"May isang option pa anak. Ang sabi ng boss ko, he'll give me a 3 year contract para magtrabaho doon sa company na 'yun. I'll be there temporary architect para sa mga projects nila. But if they decide to keep me as an architect, then du'n na tayo magsstay for good." Sabi ng dad ko.

Nagulat ako pero natuwa. Siyempre dahil parang napromote na rin ang daddy ko.

"Ikaw ang gusto naming pumili anak. Babalik kami dito bukas para tanungin ka kung gusto mo bang tanggapin ng daddy mo ang 3 year contract, para dun na rin tayo mag stay. Okay?"

"Sige po."

At pagkatapos nito ay umalis na sila.

--

*Tok.TokTok*

"Oh andiyan ka na pala Ciara. Halika pasok ka." Salubong sa 'kin ni Ate May.

"Hi ate Ciara! Kmusta ka na? Tagal mong di nabibisita dito samiN!" Sabi naman ng kapatid ni Ate May na si Aira.

"Namimiss ko na din kayo Aira." Ang sagot ko sabay ngiti.

"Ah Ciara, siya yung sinasabi ko sa'yo." Sabi ni Ate May paglabas niya ng kwarto na may kasamang lalake.

"Ikaw?!!!!!" Ang sabay naming nasabi nang lalake.

"Siya si Markki Ciara. Siya ba 'yung kinukwento mo sa'kin kagabi?"

"Oo ate May! 'Yan nga 'yung mokong na 'yun!"

Bago pa siya makasagot ay may narinig kaming kumalabog sa labas at may isang babaeng sumigaw.

"Ano kaya yun? Tara tingnan natin." Sabi ni Aira.

Unang lumabas ng pinto sina Aira at ang mga kalaro niya. At sinundan na namin sila.

Nang lumabas kami sa pinto ay may nakita kaming bata na nakahandusay sa sahig. Nang tinanong namin ang mga nakakita, nadulas daw 'yung bata at mejo napalakas yata ang tama ng ulo sa semento.

Nilapitan agad ni Markki 'yung bata. Sabay sabi sa'min, "ano? Tatayo na lang ba kayo diyan? Kumuha kayo ng yelo. Tapos tawagin niyo agad ung nanay nitong bata."

Nagulat ako sa nakita at narinig ko. Parang hindi yata siya 'yung Markki na nakilala ko kahapon.

"Oy Ciara. Narinig mo ba 'yung sinabi ko? Pasuyo ng yelo. Bago pa magising 'yung bata." Sigaw niya sa 'kin.

"Wag mo 'kong sigawan! E kung dinadala na lang kaya natin siya sa ospital?" Sagot ko naman.

"Hindi naman malala yung nangyari sa kaniya. Konting cold compress lang, okay na 'yan. Mag woworry lang parents niya 'pag dinala pa natin siya sa ospital."

Sumunod na lang ako sa kaniya.

Hanggang sa nagising ang bata ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang nag alaga dito.

Markki. Hindi naman pala siya puro kayabangan. Napaka misteryoso. Meron pa kaya siyang hidden side?

Forbidden Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon