Chapter 15: Their first month - His surprise (PART 3)

123 4 7
                                    

CIARA's POV

3pm na. Hindi pa rin nagtetext sa'kin si Markki?

Totoo nga kaya 'yung mga narinig ko kanina?

Hindi naman siguro. Hindi naman siguro 'yun magagawa sa'kin ni Markki.

Pero pa'no kung totoo?

Anong gagawin ko?

Iniisip ko pa lang na magagawa 'yun sa'kin ni Markki, nasasaktan na ako.

Oo, isang buwan pa lang kami ngayong araw na 'to. Pero mahal na mahal ko na siya.

Siya ang unang lalakeng pinapasok ko sa buhay ko.

Siya ang unang lalakeng nagparamdam sa'kin ng salitang "SPECIAL"

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag niloko niya ko.

♫ I'm at a payphone trying to call home, all of my change I spent on you♫

Teka, may tumatawag sa'kin.

"Hello?"

"Hello Ciara? Halika labas tayo dali! Nagyayaya kasi 'yung friend ko sa beach resort. Sama ka naman oh. Please?"

"Ha? E ate May, wala akong pera e! Tsaka walang magbabantay ng bahay."

Bakit naman kaya bigla bigla na lang magyayaya itong si Ate May? Anong meron?

"Sagot naman lahat ng kaibigan ko e. Tsaka pwede naman siguro ilock na lang 'yung bahay niyo 'di ba? Dali naaaa please?"

"Haay nako ate. Hindi talaga ako maka hindi sa'yo. Sige sige. Sasama na 'ko. Teka, overnight ba 'yan? Bakit hapon lang kayo nagyaya?" Nakakapagtaka kasi talaga e.

"Oo Cia. Overnight 'to kaya dala ka na lang ng extrang damit. Nandiyan na kami after 1 hour okay? Kakatok na lang kami diyan. Sige.." iBababa niya na sana pero may pahabol ako...

"Ate wait! Ano.... Kasama mo ba si Markki? Hindi niya pa kasi ako kinokontak buong araw e." Gusto ko lang talagang malaman kung nasan si Markki. Sana naman alam ni Ate.

"S--Si Markki ba? Haha! Ano ka ba Ciara. HIndi ko alam kung na'san si Markki. Pagkatapos natin mag-usap kanina, pumunta na 'ko sa bahay ng kaibigan ko. Baka naman may inaayos lang 'yun? 'Wag ka mag-alala. Kokontakin ka din nu'n. O siya sige. Bye na muna."

At bago pa 'ko makapagtanong, naibaba niya na ang phone.

Inayos ko na ang mga dadalhin ko para sa overnight namin.

Bago pa mag 4pm, nandito na sila. Nagulat ako. Ang bilis kasi e.

Maya-maya pa kumatok na si Ate,

"Ate--- Anong..."

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil hinila na nila ako palabas ng bahay. Buti na lang nai lock ko 'yung pinto.

Dinala nila ako sa isang open na lugar na medyo malayo layo sa bahay namin. At nagulat ako nang dumating ako du'n, may isang helicopter!

Sosyal. Teka, kay Ate ba 'to? Parang imposible naman. E kanino 'to?

"Hi! Ikaw siguro si Ciara? Sakay ka na! Itong helicopter ko ang gagamitin mo papunta sa resort namin. Susunod na lang kami ni May dahil ang sabi niya may nakalimutan siya." Nakangiting sabi ng isang babaeng sumalubong sa'min.

"Ehm Miss, sorry ah, hindi kasi kita kilala." AYoko ngang sumakay. Mamaya kikidnapin na pala ako nitong babaeng 'to. Malay ko ba kung isa 'to sa mga babae ni Markki =____=

"Ako nga pala si Erah. Best friend ako ng pinsan mo. Huwag kang matakot. Sige na. Baka mainip na 'yung naghihintay sa'yo sa resort."

At binuhat na 'ko ng mga tauhan niya papasok sa helicopter. Wala naman na 'kong nagawa.

Forbidden Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon