Chapter 19: Message and more of his Confessions

74 5 2
                                    

Author's Note: Kapag nakakita kayo ng ellipsis [...] sa pagitan ng mga words / sentences/ phrases ni Markki, ibig sabihin, nagppause siya du'n sa part na 'yun. Just so you guys could imagine it better :D PLAY THE SONG ON THE RIGHT. FAVORITE SONG 'YAN NI CIARA. JUST SO YOU COULD FEEL THE DRAMA. AJUJU >:D<

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

CIARA's POV

Hindi na 'ko nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya. 'Di ba dapat masaya siya? Kasi okay na kami?

Ano bang problema nu'n?

Kinakabahan ako e. Hindi ko alam kung bakit.

Feeling ko may mali.

Haaaay antok lang siguro 'to.

Makatulog na nga.

Pumunta na 'ko sa kwarto ko.

Now that I think about it, ilang weeks na lang pala at babalik na 'ko sa Quezon City.

Mamimiss ko ang boyfriend kong mahal :'(

Matutulog na sana 'ko nang naramdaman kong yakap yakap ko pa rin 'yung bear na binigay sa'kin ni Markki na anak daw namin.

Pfft. Natatawa pa rin ako. Parang ang corny kasi e. Pero nakakakilig. Hahaha! :")

Tiningnan ko si Marra at nakapa ko ang recorder na nasa likod nito.

"Ano kayang laman nito? Hm, sabi naman niya pakinggan ko daw 'to kapag matutulog na 'ko."

Kaya naman pinindot ko na ang play button.......

"Hi Babe. Uhhh. Pa'no ko ba uumpisahan? Nasspeechless kasi ako kapag para sa'yo e. Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa... Well... About what you saw earlier, I'm really sorry Ciara. Hindi ko naman kasi alam na makakasalubong ko siya. But trust me, wala lang 'yun sa'kin. Although para sa kaniya, aaminin ko na sa'yo, na para sa kaniya, may meaning pa rin 'yun. Yes Ciara, umamin siya sa'kin earlier that she wants me back... Gagawin daw niya lahat... But I refused... Kaya... *moment of silence* *after almost 2 minutes* Kaya 'wag kang mag-alala Ciara. Ikaw lang ang nag-iisa... A--alam mo namang mahal na mahal kita 'di ba? Sana lang naipapakita ko 'yun ng maayos at malinaw sa'yo. Oo Ciara. Mahal na mahal kita. Hindi ako nagsisisi na minsan sa buhay ko, minahal kita... Hindi ko alam kung masusundan ko pa ba 'tong message ko na 'to... Hindi ko alam... Marami kasing pwedeng mangyari.... Dahil... Dahil sa katangahan ko, I mean, sa mga pagkakamaling nagagawa ko, pati ikaw posibleng madamay... I'm..."

Hinintay ko siyang magsalita ulit du'n sa recorder pero wala. Puro hangin lang 'yung naririnig ko...

Pero nagulat ako nang after pa ng ilang minutong paghihintay, ay may narinig akong.... iyak??

T--tama ba 'tong naririnig ko??

Sumilip ako sa bintana para tingnan kung sino 'yung umiiyak. Pero wala....

Nalinawan lang ako nu'ng itinapat ko sa tenga ko 'yung recorder... Du'n nanggagaling 'yung iyak?? Pero sino??

Si Markki??

Nasagot lang ang mga tanong ko nang nagsalita na ulit siya.

Bago siya magsalita, narinig ko siyang tumawa ng tipid... Para bang, pinipilit niyang itago 'yung iyak niya....

Ano bang problema?

May nangyari kaya?

"You might think that this is so gay. Haha... Hindi ko rin alam pero... Everytime... Everytime I think of you, I can't suppress these tears... Para bang... You have the power to make me smile and cry at the same time... in short, you have the power to make me go crazy... Baliw na nga siguro ako... Simula nu'ng... araw na minahal kita, baliw na ko noon pa lang... I... I can't afford to lose you Ciara... But... I can't keep you forever... Alam ko 'yun... I just... I just want to know how it feels to be with you for a while... Kung ano bang pakiramdam nang minamahal ng isang Ciara Faye Gonzales..."

Tumigil ulit siya sa pagsasalita

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko, there's a hidden message in his every words. Hindi ko lang masabi kung ano.

Pero ang mas nakagulo sa isip ko ay ang sinabi niyang he can't keep me forever.

Pero bakit naman kaya?? I'm currently asking for an explanation.... Naguguluhan ako... A-ano bang hindi ko alam? May tinatago ba siya?? Wala naman siguro...

Hindi niya naman siguro ako lolokohin 'di ba? I trust him... I know that he'll never do that...

I .. I want to talk to him. Pero para bang may pumipigil sa'kin...

 Maya maya pa, nagsalita na ulit si Markki...

"Ciara.... I love you.. I really do... But it's true that nothing lasts forever... Alam ko... Alam kong hindi ako karapatdapat para sa'yo. You deserve someone better.... 'Yung nararapat mahalin ng isang babaeng tulad mo... At hi--hindi ako 'yun... Pero sana.... Sana, sa kabila ng imperfections ko as YOUR MAN, tanggapin mo pa rin ako. I don't want to lose you..... Ayoko.... Not now... *sniff* Ciara... I'm sorry. I really am.... Hindi mo man napapansin, pero marami na 'kong kasalanan sa'yo... I'm really really sorry. *huk* *huk*..."

Umiiyak na siya ng sobrang lakas habang sinasabi 'yan..

Nasasaktan ako..

Hindi lang dahil sa nararamdaman ko 'yung sakit na nararamdaman niya,

Pero pakiramdam ko, may itinatago siya sa'kin...

Kapag naiisip kong may nililihim siya, nasasaktan ako...

Hindi ba niya 'ko ganu'n ka mahal at hindi niya masabi sa'kin ang mga problema niya???

Naiinis ako...

Pero ayokong magalit sa kaniya. Lalo pa ngayon na problemado siya.

Kelangan ko siyang makausap....

Sa sobrang dami ng iniisip ko. bigla na lang akong inantok.

Alam kong may sinabi ba siya. Pero hindi ko na naintindihan dahil nakatulog na 'ko.

Basta ang huling iniisip ko,

Mahal ko si Markki. Ayokong mawala siya, kaya kahit ano pa 'yung problema niya, dadamayan ko siya, at hinding hindi ko siya iiwan....

Forbidden Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon