Chapter 9: First love reunited

75 6 0
                                    

Hindi ko pa 'rin talaga makalimutan 'yung effort na ginawa ni Markki kahapon.

(flashback)

Habang kumakain kami sa resto ng tito niya, may lumapit sa'min na tatlong lalakeng may kaniya-kaniyang dalang instruments. At nagsimula na silang tumugtog.

"Teka. Alam ko 'yang kantang 'yan ah." ang sabi ko sa kanya.

"Haha. Oo. 'Yan 'yung kinanta mo nu'ng 11th birthday ko. Hindi mo nga alam na bday ko 'yun e. Ikaw kasi, basta mautusang kumanta, kakanta." Natatawa siya nang maalala niya 'yun.

"Hoy! Manahimik ka nga!" Nakakahiya pala -.- kung alam ko lang na bday niya 'yung araw na 'yun, e di sana hindi ako kumanta. Amp!

"Hahaha! Nakakatuwa ka talagang asarin. Kahit noon pa. Alam mo ba na nu'ng araw na 'yun --"

"Ano ba?! Kung mang-aasar ka lang, uuwi na--" Hindi niya 'ko pinatapos. Siguro dahil ganu'n din ang ginawa ko.

"Nu'ng araw na 'yun, ako unang nagkagusto sa'yo. Kahit alam kong bawal na...."

Hindi niya nanaman tinuloy 'yung sinasabi niya.

"Bawal na ano? Bakit ba madalas mong sinasabi 'yan?" Naguguluhan na talaga 'ko. Kinakabahan.

Natahimik siya at umiwas ng tingin.

"Uy? May problema ba?" Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

"Wala. Tara sayaw tayo?"

Oo nga pala. Tumutugtog pa'rin ng "Because you loved me" by Celine Dion 'yung mga hinire niya.

Ngumiti ako sa kaniya at sumama para sumayaw.

"Mahal na mahal kita Ciara. Sa ngayon, kalimutan mo muna lahat ng nasabi kong hindi maganda kanina at magpakasaya muna tayo." Bulong niya sa'kin habang sumasayaw kami.

Hindi ko siya maintindihan. Alam kong may tinatago siya. Pero pinagbigyan ko ang hiling niya at hinayaan ko muna na maging masaya kami on our first week as lovers. 

---

"Ciaraaaa!" Pinutol ni tita ang pagrereminisce ko. Kung sabagay. Pagkatapos naming sumayaw nu'n, umuwi na rin kami

"May bisita ka." Ang nakangiting sabi ng tita ko habang nakasilip sa pintuan ng kwarto ko.

Sino kaya? Imposible namang si Markki. Ni hindi nga 'yun dumadaan dito e. Ewan ko ba.kung bakit parang takot na takot siya dito sa bahay.

"Sino po?" Nagtatakang tanong ko kay tita

"Basta lumabas ka na lang. Alam kong matutuwa ka." Ngumiti ulit si tita

Lalo tuloy akong nagtaka. Kaya lumabas na 'ko. Siyempre nagsuklay naman ako kahit papa'no. ^________^

Paglabas ko sa sala, wala namang tao. Sino kaya 'yun? Babalik na sana ako ng kwarto ng sumigaw si tita.

"Nasa terrace siya."

Sa sobrang curiousity ay sumilip ako sa bintana at may nakita akong lalake na parang pamilyar kahit nakatalikod.

Nang lumabas ako ng pinto ay humarap siya sa'kin at ngumiti.

"Long time no see. Kmusta na Ciara?" Sabi niya habang nakangiti pa'rin.

Nagulat ako. Siya ba talaga 'tong nakikita ko?!!

"O bakit ganiyan ka makatingin? Para kang nakakita ng multo. Ayaw mo yata akong makita e?" Tanong niya sa'kin.

Shocked. Hindi ako makagalaw.

"Brent? B-ba-bakit ka nandito?" Nauutal na tanong ko sakaniya. Nakakahiya ang itsura ko! Waaaaaah! Suicide x.x

Forbidden Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon