Chapter 10: Mystery

87 7 2
                                    

Markki's POV

"Oi insan? Bakit tulala ka nanaman diyan?" Sigaw ni Dave. Ang pinsan kong pasaway at makulit.

"Ha? Ah wala." Wala.. Wala nga ba? Hanggang ngayon naalala ko pa 'rin.

It's been two days mula nu'ng araw na 'yun.

---

*dial number*

"Hello tito? Ah si Markki po ito. Tanong ko lang po kung tumatanggap kayo ng reservations?" Tanong ko sa tito ko. Meron siyang restaurant sa SM Bacoor at naisip ko na 'yun ang gamitin para sa binabalak ko.

"Aba oo naman hijo. For ilang tao ba?"

"For two po tito. Pero I would like to ask a huge favor. Gusto ko pong i-rent 'yung buong restaurant niyo. From 2pm onwards po sana bukas?" Medyo kinakabahan ako sa isasagot ni tito.

"Para sa'n ba nak? Bakit parang biglaan yata?" Nagtataka si tito.

Nako. Hindi ko pwedeng sabihin 'yung totoong dahilan kung bakit ko irerent 'yung resto.

"Ahhhm may gusto lang po akong isorpresa na kaibigan, uhm, best friend po. Okay lang po ba?"

Dyahe! Kelangan ko pang magsinungaling. Bakit ba kasi.... Haaaay!

"Ah ganu'n ba? O sige. Magkita tayo mamaya para maibigay mo 'yung bayad. Sige at marami pang customers. Bye na anak."

Yes! Buti na lang at pumayag si tito! Whooo this is it. Sana pumayag siyang lumabas.

After 1 hour,

Pumunta na ako sa restaurant ni tito dahil tumawag siya sa'kin at sinabing tapos na ang duty niya sa resto. Akalain mong, siya na nga ang may-ari ng resto, du'n pa siya nagtatrabaho.

"Tito! Magandang gabi po. Eto na po 'yung bayad ko para sa--"

"Ah ikaw pala Markki. Halika, pumasok muna tayo sa office ko." Putol niya sa sinabi ko.

Nagulat ako. Hmmm bakit kaya?

Nang makapasok na kami sa office niya ay nagmukha na siyang seryoso.

"Markki, alam ko na ang dahilan kung bakit gusto mong rentahan 'tong restaurant ko. Nakausap ko si May. Galing siya dito kanina. At nakuwento niya sa 'kin ang napapadalas na pagbobonding niyo ni Ciara. Totoo ba?"

Kinabahan na lang ako bigla at natulala. Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Sagutin mo ako hijo."

Nakita kong seryoso talaga siya.

"Ah.. Ehh opo tito. Pasensya na po."

"Markki, alam mong mali 'yan. Bakit mo pa itinuloy? Alam kong matagal mo na siyang gusto. Bata ka pa lang sinasabi mo na 'yan. Isa pa, anak na ang turing ko sa 'yo kaya alam ko lahat tungkol sa 'yo. Sabihin mo sa'kin, bakt itinuloy mo pa'rin?"

"Hindi ko mapigilan tito..." Bumibils ang tibok ng puso ko habang nagkukwento ako kay tito.

"Sobrang mahal ko siya. Hindi ko alam pero nawawala ako sa sarili ko kapag nakikita ko siya lalo na kapag naririnig ko ang boses niya." Gusto kong maluha.

"Anak, alam ba niya ang totoo? Na..."

"Hindi po tito. Wala po siyang alam. Sinubukan kong tingnan kung may alam siya. Pero nu'ng sinabi ko sa kaniya na hindi niya ako pwedeng mahalin, nagulat siya at tinanong ako kung bakit. Ibig sabihin, wala po siyang alam. Tito isa lang naman po ang hinihiling ko. Ang maging masaya kami kahit pansamantala lang. Kahit alam kong kapag nalaman niya ang totoo, magbabago ang tingin niya sa'kin. Kaya please po tito, sana po kahit ngayon lang pagbigyan niyo ako."

Forbidden Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon