Chapter 16: She meets his Past.

89 6 2
                                    

*Author's note: Sabi ko, paaabutin ko siya ng 20 chapters. Pero feeling ko lalampas pa yata. Haha! Anyways. Salamat sa mga LOYAL readers ko na nagttyaga. :P

Dedicated nga pala ang chapter na ito kay idol Alesana_Marie. I really love all of her works at stories niya ang karamihan ng naka save sa wattpad app ng phone ko :) I salute you idol \m/ Crush na crush kitaaaa! Naiinspire kasi ako sa lahat ng mga stories mo e ^______^ makakapag update lang ako ng maayos after ko makapagbasa ng story mo. HOHOHO. Sorry kung FC. Fan lang din naman po kasi e =))))) ATE IDOL PAGPASENSIYAHAN MO NA KUNG HINDI MO MAGUGUSTUHAN ANG CHAPTER NA IDEDEDICATE KO SAYO >< ROOKIE PA LANG AKO E T^T Gusto ko lang ibroadcast dito na idol kita, hindi kasi ako masyadong nakakapag comment sa mga stories mo na nabasa ko na dahil ako ay isang mobile reader, which means isa akong dakilang......... SILENT READER! Tenen! ^______^v Hihihi :>

--

MARKKI's POV

Nakauwi na kami nina Ciara. Medyo kanina pa. Katunayan andito na ko sa kwarto ko at nakahiga.

Iniisip ko pa rin ang mga nangyari. Hindi ako makapaniwala na muntik na akong umamin sa kaniya. Pero napag tanto kong hindi ko pala talaga kaya. I just can't bear to see her reaction kapag nagkataon.

Ang tanga ko naman kasi e! Ang laking gulo nito 'pag nagkataon! Ayayayay! =____=

Masaya naman ang araw namin kahapon, kahit na nu'ng matutulog na sana kami ay may dumating na istorbo -_____-

● FLASHBACK ●

Kakatapos lang namin kumain ni Ciara.

Siyempre hindi kami umalis agad sa kwarto kung saan kami kumain. Nilibot niya ang buong kwarto at nakangiting pinagmamasdan ang mga litrato niyang nakasabit at nakadikit sa paligid.

"Grabe ka pala Markki. Hindi ko alam kung matatakot ako sa'yo o ano. Pero sa ngayon, natutuwa talaga ako dito sa ginawa mo." She smiled at me. A smile that took my breath away.

Ang bilis bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

Nagtatawanan lang kaming nagkkwentuhan ng kung anu-ano tungkol sa mga experiences namin noong mga bata pa kami.

Maya-maya pa, humikab na siya.

Teka, anong oras na ba?

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa may pader ng kwarto.

Kaya naman pala. 10pm na. E kaya pala inaantok na 'tong kasama ko. Haha!

"Halika na Ciara, ihahatid na kita sa kwartong tutulugan mo."

"Hala Markki, galit ka ba? Naoffend ka ba sa paghikab ko sa harap mo? Hala sorry hindi ko sinasadya. Hindi ko lang napigilan." T3T

Haha grabe talaga. Ang cute cute niya.

Ayaw niya yata talaga na nagagalit ako sa kaniya. Sa bagay, hindi ko rin naman kayang magalit sa kaniya.

"Haha! Ano ka ba. Hindi ako galit no. Ayoko lang na puyatin ka pa. Kaya halika na." Sabi ko sabay hila ko sa kaniya palabas sa VIP room na pinahiram sa'kin ng kaibigan ni May.

Hinatid ko na siya sa kwartong tutulugan niya, at hinintay kong makahiga siya sa kama bago ako tumayo para umalis.

Pero hinawakan niya 'ko sa braso

"Markki, pwede bang mamaya ka na umalis?"

Bakit naman kaya? May problema kaya siya?

"Bakit Ciara? May problema ba?"

Tanong ko sa kaniya, at umupo ako sa tabi niya.

"Wala naman. Gusto ko lang na nandito ka hanggang sa makatulog ako. Sige na, higa ka na. Pleeaaaase?" Sabi niya with matching puppy eyes pa.

Forbidden Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon