Prologue

11.4K 169 8
                                    

Prologue
Asterin’s POV

“Ma’am Ae, get ready na raw po.”sambit sa akin ng aking PA. Malamig ko lang siyang tinanguan bago tinignan ang sarili sa salamin.

“Do I look good?”tanong ko sa kanya.

“Oo naman po, Ma’am! Lagi ka naman pong maganda!”nakangiti nitong saad. Tipid ko lang na binalik ang ngiti niya sa akin.

“Ma’am Ae, ang dami niyo nanaman pong natanggap na mga bulaklak at regalo galing sa fans niyo!”sambit ng isa sa mga PA din na nandito sa Let’s spill the tea show.

“Thanks. Pakilagay na lang diyan.”sabi ko sa kanya. Nilapitan ko naman ‘yon at bahagyang ngumiti bago naglakad na patungo sa loob ng live show na ito. Nakangiti ko namang binati ang host na siyang kilala ko rin naman. Sinalubong naman ako nang malakas na hiyawan at palakpakan galing sa mga taong nandito ngayon. With them, I feel love. I don’t even know if when will it end or what bit for now, I’ll enjoy their attention. I’ll enjoy while they still love me.

Alam ko rin naman kasing hindi lahat ay totoo, baka bukas ay wala na ang mga ito, baka bukas iba na ang sinusuportahan nila. Madali lang magbago ang isip ng tao at alam kong madali lang din naman akong talikuran. Malapad ang ngiti ko habang kumakaway pa sa kanila. Kita ko naman ang mga ngiti sa mga labi ng mga ito, para rin akong niyayakap ng mahigpit kapag naririnig ko ang hiyawan nilang sinisigaw ang aking pangalan.

“Mukhang isang batalyon ang dala mong tagahanga ngayon, Ms. Ae Endrano.”nakangiting saad ng host sa akin. Plastik ko naman itong nginitian dahil plastik din naman ang ngiting pinapakita nito sa akin. Madalas din kasi ‘tong magtanong sa akin nang mga tanong na alanganin. Well, nalulusutan ko naman ‘yon.

Nang matapos ang pakikipagplastikan ko rito’y nakasimangot akong bumalik sa backstage. Halos magulantang ako sa mga tanong niya na wala naman sa script, mabuti na lang kahit paano’y nasanay na ako roon at inihanda na rin ang sarili.

“Tell her that I won’t go in this show.”I said to my manager.

“Ano, Ae? Hindi pupwede! Alam mo namang mataas ang ratings ng show na ‘to.”sabi sa akin ni Mama Ella.

“Then tell big boss to stop sending me in this shitty show, Mama Ella! Did you even heard what she asked me? Ni hindi ‘yon kasama sa usapan.”inis kong sambit bago pinalitan ang heels ko nang mas mataas para sa photoshoot.

“Fine, I’ll ask big boss about it, relaks ka lang, Nak.”sabi pa niya sa akin at hinaplos ang likod ko. Napanguso na lang ako sa kanya bago dire-diretso nang nagtungo sa van. Napapikit na lang ako dahil sumasakit ang ulo ko sa inis. Wala na ngang tulog, badtrip pa sa show na ‘to. Kung spill ko kaya talaga ang tea na alam ko? Anong magiging reaksiyon ng mga ito. Iritado na tuloy ako maski nang makarating sa photoshoot. I’ll be ambassador ng one of the big brand. Well, I expect that it will lift my mood a little bit.

“Miss Ae, what do you want to drink po?”tanong sa akin ng PA ko na si Maricel.

“Hmm, Affogato.”aniko, agad namang tumango sa akin si Maricel. Dire-diretso naman na kami sa loob ng venue ni Mama Ela. Malapad naman akong ngiti kahit na pa kanina lang ay yamot na yamot. Kailangan mo pa ring makasama lalo na’t nandito ang may-ari ng kompanya.

“Good noon, Mr. Hernandez.”bati ni Mama Ella sa nasa 30s na lalaki. Binati ko lang din naman ito at mapalapad pang ngumiti bago nakipagkamay sa kanya.

“Hmm, this is Mr. Gallejo. The great photographer the industry keeps on talking about.”nakangiti pang saad sa akin ni Mr. Hernandez, akala ko’y mali ang narinig ngunit tila ba nagpantig ang tainga ko nang tuluyan ko na itong makita. Nakatayo lang siya sa isang gilid habang nakatingin sa akin. Tila ba nagkabuhol buhol na ang lahat ng iniisip sa utak ko.

Ang emosiyon ay halo halo na rin,  kaba nga lang ang nanguna. Bakit siya nandito? Bakit hindi ko alam? Akala ko ba’y nasa ibang bansa siya? Hindi ko na alam kung anong dapat pang isipin. Hindi niya kailangan pang bumalik pa rito! Bahagya rin akong natakot dahil baka bumalik nanaman ako bilang isang taong sunod lang sa yapak na ibang tao naman ang tumapak.

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon