Chapter 6
Asterin’s POV
“Where are you going, Asterin? Gabi na!”sabi ni Manang sa akin nang makita akong bumaba ng kwarto na nakahoodie.
“Manang, diyan lang po sa convenience store sa labas ng village.”sabi ko sa kanya.
“Aba’t kapag nalaman ng Mama mo ‘yan, paniguradong malilintikan kang bata ka!”sabi ni Manang sa akin.
“Ayos lang po, Manang, hindi naman po ako mahuhuli.”natatawa kong saad sa kanya kaya napailing na lang siya sa akin.
“Ewan ko sa’yong bata ka.”sabi niya sa akin.
“Huwag ka ng magtutungo sa kung saan pa, safe dito sa village pero hindi mo pa rin masasabi ang panahon at mas lalo na ang mga mangyayari.”aniya sa akin.
“Opo, Manang, huwag po kayong mag-alala sa akin.”sabi ko at nginitian pa siya.
“Papahangin lang naman po.”aniko bago ko pa siya kinawayan. Dahan dahan naman akong lumabas ng bahay. Hindi rin naman mapapansin dahil sa likod ako dumaan, masiyado ko nv kabisado ang cctv namin. Nang makalabas ay niyakap ko lang ang sarili nang salubungin ako ng malamig na simoy ng hangin.
Hindi kasi ako makapag-isip ng maayos ngayon, kahit anong gawon ko’y walang ideyang pumapasok sa utak. May mga pagkakataon na uulanin ako ng mga ideya ngunit dumadating din naman ang tagtuyot, na kahit anong pilit mo’y walang papasok sa’yong utak. Kapag dumadating ako sa puntong ganito’y hindi ko maiwasang maglakad lakad at magpahangin upang pagpahingain ang utak.
Napangiti pa ako nang mapatingin sa kalangitan. Nakasilip na ang buwan tila ba ako’y kinakawayan. Ang mga bituin ay pakindat kindat habang nakatingin din sa akin. Niligay ko lang sa aking bulsa ang mga kamay habang nakatingin lang sa madilim na gabing tanging nagiging liwanag lang ay ang mga ilaw mula sa mga bahay. Ang matinding katahimikan ay nangingibabaw na pagbibigyan ka upang makapag-isip ng maayos.
Halos kalahating oras din akong naglakad palabas, nililibang lang ang sarili sa mga bagay na nakikita. Malawak ang village sure kaya nga pati pagpunta lang sa bahay nina Tita Demi ay nakakotse pa sina Mama, hindi ko alam kung ayaw bang maglakad dahil mainit o ano.
Nang makarating ako sa convenience store ay binati lang ako ng part timer nila rito.
“Nandito ka nanaman, Asterin, aba’t hindi ka ba natatakot? Hindi mabait ang mundo baka akala mo.”sabi sa akin ni Ate Leny. Kaag nandito ako’y siya itong nadadatnan ko.
“Hmm, I already know that, Ate..”sabi ko at napanguso. Nagtungo lang ako sa coffee machine dito sa may convenience store bago ko binayaran sa counter.
“Kung ako lang ay gugustuhin ko na lang manatili sa bahay kaya lang ay kailangang kumayod e.”sabi niya pa sa akin at ngumiti. Napatitig lang naman ako sa kanya dahil do’n. Bahagya naman akong nakonsensiya dahil dito. Some people do things para sa kani-kanilang kinabukasan.
“But I’m not saying na gumaya ka sa akin o ano ahh.”natatawa niyang saad. Hindi naman na ako nakapagsalita pa dahil may dumating na ring customer. Nagtungo naman ako sa isang bakanteng upuan habang nakapamulsa pa rin.
Hindi ko naman mapigilang mag-imagine, imagine there’s a pandemic and the economy is so fuck up. Some people strive hard for a living but some have the audacity on having fun breaking the rules. It’s fine pa siguro kung para sa trabaho pero kung lalabas lang naman pala para magsaya, ibang usapan na ‘yon. Napanguso naman ako, who I am to tell this things when lumabas lang din naman ako para sa kung ano. Mas lalo lang akong nakonsensiya habang sumisimsim sa kapeng iniinom.
Mas lalo lang nagising ang diwa ko at napaisip sa kung ano anong bagay habang nakatingin lang sa mga dumadaan sa labas.
“May gustong bumili ng painting mo.”sabi sa akin ni Ate Leny. Nilingon ko naman siya at nangalumbaba. Matagal ko na ring nakakausap ‘tong si Ate Leny dahil kapag nandito ako’y lagi akong pinapauwi at tinataboy. Kilala ko na rin kasi ‘to no’ng madalas pa ako sa bahay ni Lola. Malapit lang ang bahay nila sa amin no’n, lagi niya akong sinusubukang kausapin kahit madalas naman akong inaaway ng maldita niyang kapatid.
“Sino, Ate?”tanong ko naman.
“Bagong principal. Balak daw ilagay sa pasilyo ng school.”sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
“Talaga?”hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil do’n.
“’Yan lang talaga ang nakakapagpangiti sa’yo no?”natatawa niyang saad sa akin.
“I’ll just contact you kung kailan.”sabi niya kaya tumango lang ako. Iniwan na rin naman niya ako kalaunan bago siya nagtungo sa pwesto niya.
Nang mapagod na rin ako sa pag-iisip at pagmamasid sa mga taong dumadaan, tumayo na rin ako saka nagpaalam kay Ate Leny na aalis na.
“I’ll go now, Ate.”sabi ko.
“Mag-ingat ka diyan sa daan, saka huwag mo akong kakalimutang itext kapag nakarating ka na sa bahay.”aniya sa akin.
“Tawagan mo na lang pala ako.”sabi niya pa.
“I didn’t bring my phone tho..”aniko kaya naman pinaalalahanan niya akong mag-ingat. Napakibit na lang ako ng balikat. Tatawid lang naman kasi sa village at kapag nakarating na roon ay masasabi kong safe naman na, sa dami ba naman kasi ng guards na rumaronda roon.
I was on my way nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Napakuyom ako ng kamao bago nagmamadaling tumawid. Maski nang makapasok ay nagmamadali pa rin sa paglalakad. Doble doble ang kabang nararamdaman ko dahil ngayon ko lang naman nasubukan ito.
Maski nang makapasok ay ramdam ko pa rin ang pagsunod nito kaya huminto ako nang maramdaman kong nasa likod ko na ito, agad ko namang inispray ang dala dalang botelya nang hahawakan na ako nito.
“What the fuck?”agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Esai na siyang naspray-an ng perfume. Gulat na gulat naman ako at hindi alam ang gagawin, agad ko siyang hinila sa malapit na bahay, sa bahay nina Tita Eva. Bahala na kung mapagalitan ako ni Mama kapag nalaman niyang gabing gabi na ay nasa kung saan pa ako. Paniguradong hindi niya ‘yon palalagpasin lalo na’t may kasama pa ako pero kasi naman baka mamaya’y mabulag pa itong si Esai, kasalanan ko pa.
“It’s fine..”mahinang sambit ni Esai.
“Tita Eva!”tawag ko rito. Agad namang lumabas ang chismosang kaibigan ni Mama.
“Anong ginagawa mo rito, Asterin? Gabing gabi na! Bakit nasa labas ka pa ng bahay!”espected ko na agad ito, nakarinig pa ako ng kung ano ano while doing first aid for chemical splash.
“Alam ba ng mama mo na nasa labas ka? Anong ginagawa mo? Nakikipagdate!”siya na mismo ang sumagot ng tanong niya. Hindi ko naman mapigilang mapangiwi do’n.
“We’re not dating, Ma’am. Thanks for letting us in, We’ll go now.”sabi ni Esai bago yumuko at hinila na ako palabas.
Rinig ko pa ang ilang hinaing ni Tita Eva ngunit hindi ko na pinansin pa. Napatingin naman ako kay Esai na siyang napatingin sa akin nang makalabas na kami.
“I’m sorry about that, bakit naman kasi nanggugulat ka?”nakangiwi kong saad sa kanya.
“I was about to call you but you already—“hindi niya na natuloy ang sasabihin nang tinaas ko na ang kamay. Naalala ko nanaman kasi ang pagspray sa kanya. Lagi ko kasing dala ‘yon, takot din na baka may mangyaring hindi maganda.
“Saan ka pala galing?”hindi ko maiwasang itanong.
“Hmm, I just jogged around.”sabi niya kaya tinignan ko ang kabuoan niya. Napatango naman ako dahil do’n.
“Gabi na.”aniko habang nakatingin lang sa kawalan.
“Alam ko.”sabi niya naman kaya tinignan ko siya, napatawa naman siya sa naging reaksiyon ko.
“Well, it’s just that, I can’t sleep, I tend to jog or exercise.”aniya at nginitian ako.
“Oh, I know that, sabi ng pe teacher namin, exercise or sport can help you have a better sleep.”sabi ko pa kaya napatawa ito ng mahina.
“What?”tanong ko na nakakunot ang noo sa kanya. Umiling lang naman siya sa akin ngunit ang mga ngiti sa labi’y hindi pa rin nawawala.
“What about you? Bakit nasa labas ka pa?”tanong niya at bahagya pang kumunot ang noo.
“Hmm, I need to unwind.”sabi ko naman.
“Hmm, can you text me instead? If ever that you want to unwind.”aniya sa akin. Nilingon ko naman siya dahil do’n.
“Hmm, we don’t know each other that much and I don’t know your number.”aniko bago nagkibit ng balikat.
“Then let’s know each other.”sabi niya pa at ngumiti sa akin ng malapad. Hindi ko naman mapigilang mapatingin sa kanya. Napapadalas ang pagngiti ngiti nito sa akin. Hindi ko alam kung ano bang kailangan niya, ano nga bang kailangan ng taong halos nasa sa’yo na lahat? Well, hindi ko rin alam. Baka he wants to be close with me to be able to date Ate? What? Ano ba talaga ang kailangan nito.
"Give me your number.”sambit niya pa kaya agad nanliit ang mga mata ko.
“Alam mo desisyon ka rin e no?”hindi ko mapigilang matawa ng mahina. Hindi ko alam pero siguro kapag ibang tao ‘to’y palihim na akong naiinis. Well, baka kasi dahil may itsura? Hindi ko rin alam. Hindi naman ako nagpauto noon sa mga manliligaw ni Ate na may itsura.
“Hindi ko memorize number ko. I don’t use it that much.”sabi ko na napakibit pa ng balikat sa kanya.
“Really?”tanong niya. Tumango naman ako kaya napakibit siya ng balikat.
“Wait, why were you going this way?”nagtataka kong tanong nang may mapagtanto.
“Hmm, ihahatid ka.”sagot niya naman kaya kunot lang ang noo ngunit hindi na rin naman umangal pa dahil nandito na rin naman siya.
Nang makarating kami sa bahay, nagulat ako nang makita ko si Mama na siyang nasa labas at mukhang bagong gising pa dahil nakaroba lang. Galit itong nakatingin sa akin, napakagat ako sa aking mga labi dahil handa na akong mapagalitan nito.
“Good evening po, Tita.”bati ni Esai kay Mama. Nagulat naman si Mama nang makita kung sino ang kasama ko.
“Hijo!”sambit niya at napabalik pa ang tingin sa akin. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin. Pinaglalaruan ko lang ang aking mga daliri.
“Gabing gabi na, Asterin! Bakit nasa labas ka pa!”sermon na agad nito.
“I’m sorry, Tita, I’m with her po. I asked her to walk with me, pasensiya na po kung hindi nakapagpaalam.”sabi ni Esai sa kanya. Nilingon naman ako ni Mama bago niya ulit nilingon si Esai.
“Ganoon ba, Hijo? Next time ay magpaalam kayo, papayag naman ako, basta ikaw ang kasama.”sabi ni Mama kaya humingi ulit ng tawad si Esai kahit na ako naman ang may kasalanan, kahit na hindi naman talaga niya ako kasama. Alam ko na agad na si Tita Eva amg gumising dito kay Mama, well, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa roon o ano.
“Sorry po ulit, Tita.”sabi pa ni Esai at yumuko kay Mama.
“Ayos lang, Hijo, basta magpaalam kayo sa susunod.”sabi pa ni Mama at nginitian ito. Nakayuko lang naman ako habang nakikinig lang sa kanila.
“I’ll go now.”ani Esai sa akin. Kumaway pa siya bago nanakbo paalis sa tapat namin..
Nang pumasok na kami sa loob, akala ko’y pagagalitan pa ako ni Mama.
“Sa susunod ay magpaalam kayo.”sabi niya lang bago naglakad papasok sa loob ng kanyang kwarto. Hindi ko alam kung bakit pero naninikip ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Nagtungo na lang ako papunta sa kwarto bago ako natulalang nakatingin lang sa kisame.
Kinuha ko naman ang phone ko at nagsend ng friend request sa facebook account ni Esai na wala namang kahit na anong litrato maliban sa profile picture niyang mukhang paborito niyang kinuhang litarto, sobrang simple lang no’n ngunit makikitaan ng ganda.
Wala rin naman siyang gaanong friends kaya hindi rin ako sigurado kung iaaccept ba ako nito but still I tried to chat him.
Asterin: Hi, thanks for earlier :)
Nagulat naman ako nang makita inaccept niya ang friend request ko at nagtitipa na.
Esai: Hmm, let’s jog for real next time.
Asterin: I’ll think about it. Good night!
Esai: Alright, good night, Elin :)
Kusa na lang akong napangiti sa smiling face nito. Hindi ko rin talaga alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Teen FictionPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...