Chapter 18

1.8K 72 1
                                    

Chapter 18
Asterin’s POV

“Nice, infairness, talagang mapaathumbs up na lang ako sa fashion sense mo, Asterin.”nakangising saad sa akin ni Ate Elai habang naghahanap kami ng mga damit ni Esai rito sa mall. Napangiti naman ako dahil do’n.

Napakamot na lang si Esai dahil para siyang barbie na hinahanapan ng mga damit. .

“What about this one, Ate Elai?”tanong ko at tinapat ang isang pangsummer na polo kay Esai.

“Hmm, I like it.”nakangiti namang saad ni Ate Elai. Napangiti naman ako at nilagay na ‘yon sa cart.

“Do I have no right to provide an opinion?”tanong ni Esai dahil hindi siya nakakapagsalita sa aming dalawa ni Ate Elai.

“You know, brother, that I like your fashion sense, right? But yeah, you don’t have a say to this.”nakangising saad ni Ate Elai sa kanya.

“Yeah, tama ka diyan, Ate, I like his fashion sense din.”sabi ko at napatango dahil maganda naman talagang manamit ‘tong si Esai.

“But you don’t want those outfit that will make you stand out, right?”tanong ko sa kanya. Napatango tango naman sa akin si Ate Elai dahil do’n.

“Idol ang idodrawing ni Asterin, so we need to dress you up.”sabi pa ni Ate at tumango tango. Napatawa naman ako do’n, nang malaman niya kasing may plano kaming magpictorial ni Esai dahil nga gagamitin ko ito as my reference, agad siyang tumutol sa akin at agad kaming dinala rito sa mall para bumili ng mga panibagong damit ni Esai.

“We don’t need you, Elai.”masungit na saad ni Esai sa kanya ngunit nginisian lang siya ni Ate Elai at mapang-asar pang tumawa.

“Believe me, you need me, brother.”natatawa nitong saad at kinindatan pa siya. Napangiti na lang ako habang nagpatuloy pa rin sa pamimili. Ang dami naming napiling damit sa kanya at pakiramdam ko’y lahat babagay dito.

“Why are you still here? Hindi ba’y may training ka pa?”tanong niya kaya Ate Elai.

“Bakit ba gusto mo akong paalisin, ganyan mo ba kagustong masolo si Asterin?”mapang-asar pa ulit na saad nito, ako naman ang nahiya dahil sa sinasabi nito. Nailing na lang sa kanya si Esai at kung ano ano lang ang pinagtalunan nila.

Maya-maya lang ay natapos na rin naman kaming namili at magbabayad na sa counter. Nakahanda na ang pambayad ko nang humarang si Esai sa akin.

“Ako na, it’s my clothes.”sambit niya.

“Huh? Ako na! Hindi mo naman kailangan gumastos para lang sa akin.”sabi ko naman dahil ako itong humingi ng pabor para gawin siyang reference ko. Hindi niya kailangan paggastusan ‘yon no.

Parehas napakunot ang noo namin nang si Ate Elai na ang nagbayad. Napatawa naman ito sa naging reaksiyon namin.

“Ang tagal niyo, naghihintay si Ate.”natata niyang sambit. Nagkatinginan lang kami ni Esai at parehas pang nailing.

“I was the one who asked you to go here so natural lang na ako ang magbabayad, ganyan kita kamahal, Brother.”mapang-asar na saad ni Ate Elai kay Esai. Napailing na lang ako do’n. Nagpaalam naman ako sa kanila sandali na may bibilhin lang, sasama pa sana ang mga ito ngunit nginitian ko na lang at inilingan. Nagtungo naman ako sa isang botique. Alam kong hindi ‘to ganoon kalaki para pasasalamat sa pagtulong nila sa akin pero alam ko naman na hindi sila materialistic na tao. Bumili lang ako ng isang mini dress para kay Ate Elai at casual clothes naman para kay Esai na siyang talagang magagamit niya.

Naghihintay naman ang mga ito sa kotse sa akin, agad akong ngumiti nang makita sila. Nagtataka naman sila nang iabot ko ang tag-isang paperbag.

“Para saan ‘to?”tanong nila.

“For helping me po?”patanong na sagot ko naman.

“Aba’t wala pa nga, sa’yo muna saka mo ibigay sa amin mamaya kapag natapos na ang pictorial.”natatawang pagbibiro ni Ate at nagkunwari pang iaabot sa akin ang paperbag. Napatawa naman ako ng mahina do’n. Napatingin naman kami ni Ate Elai kay Esai na siyang nakatingin lang sa loob ng paperbag.

“Aba’t ang dami kong binili para sa’yo pero hindi mo naman tinitigan ng ganyan katagal!”reklamo ni Ate Elai kay Esai.

“Thank you,”nakangiting saad ni Esai sa akin.

Pumasok na rin naman kami sa loob ng kotse ni Ate Elai, napangiti na lang ako nang tuluyan ng makaupo sa backseat. Excited na makita si Esai sa mga damit na pinamili namin.

“Seriously tho, you don’t have to buy us clothes.”sabi ni Esai nang makasakay na kami sa loob.

“Yeah, that’s right, hindi naman kami nanghihingi ng kapalit, Asterin.”sabi ni Ate Elai sa akin. Napakibit naman ako ng balikat at nginitian silang dalawa. Sa katunayan ay wala pa nga ‘yon sa kalingkingan ng ginastos niya.

Maya-maya lang ay nakarating naman na kami sa bahay nila. Malapad ang ngiti ni Tita Demi nang salubungin kami.

“Ano? Nakabili ba kayo?”tanong niya at ngumiti siya sa amin. Tumango naman kaming tatlo sa kanya.

“Hoy, saan kayo galing, huh? Hindi man lang nagyaya!”reklamo ni Kuya Koa na siyang prenteng prente na nakaupo sa sala nila habang kumakain ng meryenda.

“Why would we call you, we don’t need you.”sabi ni Ate Elai kaya naman napatawa ng mahina si Esai. Napatingin naman ako sa kanilang apat dahil do’n. Agad nanliit ang mga mata ni Kuya Koa at agad na tumayo.

“Aba’t huwag kang makahingi hingi sa akin ng pabor, Veronica.”sabi ni Kuya Koa kay Ate Elai kaya agad siyang nginiwian nito.

“Pangit ng ugali mo, bagay talaga kayo ng girlfriend mo!”sigaw ni Ate Elai sa kanya. Pinagbawalan naman sila ni Tita Demi.

“Hindi ba kayo nahihiya? Nandito si Asterin.”sabi ni Tita Demi sa kanila. Agad naman akong umiling do’n.

“Ayos lang po.”sabi ko at ngumiti. I actually find it amusing, I mean madalas na nagtatalo ang mga ito ngunit kapag dumating naman ang oras ng pangangailangan ay talagang maasahan nila ang isa’t isa.

“Let’s go na, nag-iinit lang dugo ko kay Kuya.”sabi pa ni Ate Elai kaya natawa si Kuya Koa.

“Sige nga, pakuluin mo nga.”natatawang pang-aasar niya. Nginiwian naman siya ni Ate Elai do’n. Nailing na lang sa kanilang dalawa si Esai na siyang nasa tabi ko lang.

“Saka akala mo naman nanlalamig ang dugo ko sa’yo?”natatawa pang dagdag ni Kuya Koa. Sinamaan lang siya ni Ate Elai na siyang tinawana lang ni Kuya Koa.

“I’m sorry about that, lahat kaaway ni Elai.”pabulong na saad sa akin ni Esai. Napatawa naman ako at napatango sa kanya.

“Sinisiraan mo ba ako, Esai?”nakataas kilay na tanong ni Ate Elai kaya natawa na lang kami.

“I told you..”bulong pa ni Esai hanggang sa makapasok kami sa loob ng studio niya.

“Hmm, this is the first outfit.”sabi ni Ate Elai na pinakita ang isang kulay puti na may halong kulay asul na polo, iniabot niya rin ang turtle neck na black long sleeve then the jeans. Tumango naman si Esai habang naging abala kami ni Ate Elai sa pamimili ng accessory na at belt na babagay sa suot niya.

Nang makalabas siya’y hindi ko naman maiwasang mapangiti because he really know how to dress himself but he just chose not to. Well, kahit ano naman kasing damit niya’y gawa pa rin kaya hindi na ako magtataka roon.

Nilagay naman na namin ang mga ilang kwintas sa kanya. Malapad ang naging ngiti namin ni Ate Elai sa isa’t isa habang pinagmamasdan ‘to.

“You look good.”nakangiti kong saad sa kanya.

“Do you mind me touching your hair?”tanong ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin. Inayos ko naman ang buhok nito at hindi maiwasang humanga habang pinagmamasdan siya.

Napatawa naman ako nang nag-iinarteng nagtakip ng bibig si Ate habang nakatingin sa kanya.

“Grabe, binata na ang bunso namin.”natatawa niyang saad kaya napatawa ako ang mahina roon, nailing na lang ako habang inaasar asar niya si Esai.

“Stop it, Elai, magkasing edad lang tayo.”inirapan lang ni Esai ang kapatid na nang-aasar.

“Wushu, wow naman binata na ang baby boy, marunong ng magsungit.”sabi pa ni Ate Elai kaya tinulak siya palayo ni Esai. Natatawa ko lang naman silang pinanood na nag-aasaran.

“Gwapo ba, Asterin? Pwede na ba sa standard mo?”nakangising tanong ni Ate Elai sa akin. Napatikhim naman ako dahil sa naging tanong nito. Mali naman ang naging tanong nito e. Kahit sino naman ata’y maghahangad ng isang Esai, masiyado siyang perpekto para sa akin. Hindi rin naman ako umaasa dahil sobrang daming magandang babaeng nakaaligid sa kanya. Wait, what are you talking about, Asterin? Do you like him? Of course not. You’re just friend, huwag kang traydor. Nailing na lang ako sa kung anong naiisip ko ngayon.

“Awwe, mukhang kailangan mo pang kumilos kilos, Esai. Wala ka pa sa standard ni Asterin.”sabi pa ni Ate Elai kaya agad akong umiling.

“I mean my opinion doesn’t matter, Ate, pero he looks good, kahit sino’y magkakagusto sa kanya.”natatawa kong saad at ngumiti na lang.

“How about you? Do you like me?”tanong naman ni Esai at nagtaas ng kilay.

“I already answer that, oo naman!”awkward pa akong ngumiti dahil dito.

“Yeah, as a person.”pabulong na saad niya.

Nagsimula naman na kaming magphotoshoot, si Ate Elai ang kumukuha dahil kahit paano’y maalam siya sa camera habang ako naman ‘tong nag-aasikaso kay Esai kapag may nagugulo sa suot niya o ano. Hindi ko naman mapigilang mapatitig sa kanya habang nakatitig sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagtibok ng puso.

“What’s wrong with you, Asterin?”pabulong na saad ko at napahawak sa aking dibdib. Ramdam ko rin ang mga paru-paro na mukhang nagkakasiyahan sa aking tiyan. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, I was too young for this. Is this what they call love?

“Are you okay, Asterin?”tanong ni Ate Elai nang mapatingin sa akin. Napatikhim naman ako dahil do’n.

“Pwede pong uminom?”nakangiti kong tanong at umayos na rin ng tayo. Nagtataka man ay tumango lang sa akin si Ate Elai. Nagtungo naman ako palabas nv studio at gustong kutusan ang sarili sa naiisip. I mean oo nagkakacrush ako sa iba but I’ve never felt it like that. Maybe because of his clothes? Baka naman masiyado lang akong nahuhumaling sa mga damit na suot nito? That’s it, right?

“Hoy,”napatalon naman ako sa gulat kay Kuya Koa na siyang mukhang kanina pa ako pinapanood dito.

“Kanina ka pa tulala diyan, kanina pa kita tinatawag.”natatawang sambit niya.

“Uhh, let me ask you, Kuya.”sabi ko sa kanya.

“What is it?”tanong niya sa akin.

“Do you ever like someone?”tanong ko sa kanya.

“How does it feel?”tanong ko pa.

“Hehe, for my comics purpose lang.”sabi ko na awkward pang tumawa sa kanya. Well, silang tatlo lang naman na magkakapatid ang nakakaalam, alam ko rin naman na hindi makakarating kahit kanino, kahit nga kay Tita’y nagpapalusot pa sila para lang sa akin.

“Do you know what’s the most effective way in writing? Experience it yourself.”nakangisi niyang saad sa akin. Naiwan naman ako roon na naiiling na lang.

“Laking tulong.”natatawa kong saad at nagtungo na lang sa kusina nila para uminom. Pilit ko namang sinasabi sa sarili na wala lang ‘yon, it was just because of his clothes. Naglakad naman na ako pabalik sa studio habang pinapaalan na dahil lang sa damit niya ‘yon ngunit binigo lang ako ng aking sarili pagkapasok.

He was already back with his casual clothes. Nakangiti niya naman akong kinawayan bago siya lumapit sa akin.

“Ang tagal mo, akala ko’y nalunod ka na.”natatawa niyang pagbibiro. Napatitig naman ako rito at ramdam ko ang pagwawala ng puso. Napahawak pa ako sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang ngiti nito sa akin. This time ay mas nakasigurado ng hindi lang talaga dahil sa damit.

“What’s wrong? Namumula ka? Nilalagnat ka ba?”tanong niya sa akin at sinubukan pang ilagay sa noo ang likod ng palad niya ngunit agad kong inalis ‘yon tila ba napapaso.

“Uhh, I’m sorry..”sabi niya at napanguso.

“Maybe I’ll really experience it..”pabulong na saad ko sa sarili.

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon