Chapter 27
Asterin’s POV
Hindi ko mapigilang mapatingin sa painting na nakasabit dito sa pader. The scenario when we’re dancing beneath the moon. Kapag napapatingin ko rito’y hindi ko pa rin maiwasang mangiti.
“Asterin!”tawag ni Mama mula sa labas ng kwarto.
“Ito na po, Ma!”sambit ko na nagmamadali lumabas ngunit hindi pa naman pala nakapah-ayos ang mga ito.
“Naasikaso mo na ba ang mga pinapadala ko sa’yo?”tanong niya. Kinuha ko naman ang bag at pinakita.
“Yes po, dala na po.”sagot ko kay Mama. It’s already are moving up habang sina Ate’y graduation naman, sabay lang gaganapin ang event namin kaya hindi mapakali si Mama habang nag-aayos.
Hinintay ko lang silang dalawa ni Ate habang inaasikaso ang mga pinapadala ni Mama na hindi ko alam kung para saan ba. Maya-maya lang ay natapos naman na sila sa pagmemake up. Kasabay din namin sina Tita na pupunta roon kaya naging malapad ang ngiti ko nang makita si Esai.
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung ano hanggang sa makarating sa venue. Sinalubong naman ako ni Macy ng yakap kaya napangiti ako roon. Agad akong nagmano kay Tita Elisabeth, ang mama ni Macy.
“Good evening po, Tita.”bati ko sa kanya.
“Good evening din, Hija, bisita ka ulit sa bahay next time, huh?”nakangiti niyang saad sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. Binati lang din ni Tita si Mama, nagbesohan lang silang dalawa dahil kahit paano’y naging magkaibigan din naman sila.
Nagpaalam sa akin si Mama na roon muna siya sa gawi ni Ate, tumango naman ako kahit ramdam ko rin ang selos mula sa akin. Well, ang ate mo’y maraming award, Asterin. Nailing na lang ako sa sarili at nakipagkwentuhan na lang din kay Tita Elisabeth saka kay Macy na siyang malapad din ang ngiti sa akin.
“Mamimiss kita, sure ako hindi na tayo magiging magkaklase next school year.”sabi niya at napanguso pa. Nanghihinayang din ako roon ngunit wala din naman kasi akong magagawa.
“Itong anak ko, hindi ko alam kung saan nagmana ng kadramahan.”natatawang saad ni Tita kaya napatawa ako ng mahina. Sinimangutan naman siya ni Macy. Nagtawanan lang kami hanggang sa tuluyan ng magsimula ang ceremeny.
Ni hindi kami nainip nitong si Macy dahil panay ang kwento niya tungkol sa kung ano at sinabi na rin ang kanyang mga plano this summer. Nakikinig lang naman ako at paminsan minsan ding sinabi ang ilang plano ko. Mama wants me to be architect habang si Ate naman ay gusto niyang maging fashion designer. Halos lahat naman natutunan no’n. Ayos lang naman sa akin kung magiging architect ako o ano, yes, I want to pursue Fine Arts ngunit hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Hindi ko alam kung gugustuhin ko pang palawakin ang kaalaman ko o mananatili na lang talagang hobby ‘yon. Hindi ako sigurado.
Minsan nakakainggit talaga ‘yong mga taong gusto nila ang pangkabuhayan, gusto mo na, kumikita ka pa. That’s really nice.
Bago matapos ang ceremony, umiiyak na si Macy dito sa tabi ko. Hindi ko naman maiwasang matawa habang yakap yakap siya at hinahagod ang likod nito.
“Shh… para namang mamatay na tayong dalawa kung makaiyak ka diyan.”natatawa kong saad sa kanya. But yeah, that’s right, I’ll miss hanging out with her.
“Hindi mo ba ako mamimiss?”tanong niya na pinaningkitan ako ng mga mata. Napatawa naman ako roon.
“Of course, mamimiss.”sabi ko naman sa kanya.
“Kung makainarte ka parang hindi na tayo mag-uusap, huh?”tanong ko ng natatawa sa kanya.
“Of course not, lagi pa rin tayong sabay kapag kakain na sa cafeteria, huh? Saka chichikahan pa kita at ganoon ka rin!”sabi niya pa kaya napatango naman ako.
Nang matapos ang seremonya. Nagpaalam na rin ako kina Macy dahil nandito na sina Mama.
“Ang talino talaga niyang anak mong si Caroline, Niela.”sambit ng isang guardian dito. Ngumiti naman si Mama at proud na proud habang sinasabi pa ang mga bagay kung saan magaling si Ate. Kung si Asterin ako noong lower grade pa? Paniguradong magmumukmok nanaman ako, maiinggit sa pagpuri nila rito, baka abutin nanaman ako ng gabi kakaisip do’n but now? Siguro’y mayroong kakapiranggot na inggit ngunit ayos lang, hindi ko na gaanong iniisip pa.
I have my own talent na ako ang nakakaalam, hindi man nila alam atleast ako, alam ko. Mas lalo lang nawala ang iniisip nang lapitan ako ni Esai habang malapad na malapad ang ngiti.
“I’m proud of you, Asterin. You did really well for the past four years.”nakangiti niyang saad sa akin. Para namang unti-unting dinidiligan ng saya ang puso hanggang sa tuluyan itong mapuno sa tuwa. Ginulo niya pa ang buhok ko, sinamaan ko siya ng tingin dahil nakaayos ‘yon, hindi lang halata.
“Hehe, sorry.”aniya kaya hindi ko rin magawang magalit dahil parang gusto ko na lang ding panggigilan siya.
Matagal lang naming hinintay sina Mama, hindi naman ako nainip dahil may Esai naman akong kasama.
“Let’s go.”finally.
“Call, Elai and your brother to join us.”sabi ni Tita kay Esai dahil nagpareserve lang sila ng kainan.
“Opo, Ma.”sabi ni Esai at tumango.
“Ma, si Papa ayy?”tanong ni Ate kay Mama.
“Susunod na lang daw. Busy sa kompanya.”sabi ni Mama ngunit makikitaan ko ng iritasiyon ang mukha. Hindi ko alam kung ako lang ba ngunit napapansin ko ang madalas na pagtatalo nila ngayon. Hindi ko alam kung anong problema o baka naman ako lang ‘tong nag-iisip na mayroon.
Maya-maya lang ay nag-aya naman na sila patungo sa restaurant. Nang dumating si Ate Elai at Kuya Koa, may surprise talaga sila kay Esai kaya nalate.
“Congrats to our bunso!”nakangising saad ni Ate Elai at inabot ang nakagift wrap na regalo nila ni Kuya Koa kaya ata natagalan ang mga ito. Maya-maya ay binuksan ni Esai ang bagong camera’ng bigay ng kanyang mga kapatid. Napangiti naman ako roon dahil kita ko ang ngiti ni Esai sa kanila.
“Congrats to our Asterin.”sabi ni Ate Elai na hinalikan pa ako sa pisngi bago niya pasimpleng inabot ang regalo nila.
“Don’t open it yet,”sabi niya at nginitian ako. Tumango naman ako saka nagpasalamat sa kanila. Napuno lang kami ng usapan habang nandito sa loob, dumating din naman si Papa ngunit medyo late na rin.
Nang matapos ang dinner, kanya kanya naman na rin kaming paalam sa isa’t isa. Nang makarating sa bahay, agad napatalon sa tuwa si Ate nang makita niya ang kotse na regalo sa kanya ng mga ito.
“Omg! I love you both po talaga!”nakangiting saad ni Ate Caroline at niyakap ng mahigpit si Mama at Papa.
“Just do your best, alright?”tanong pa ni Mama habang nakangiti kay Ate Caroline.
Nang pumasok kami sa loob ay nakangiting ipinakita ni Mama at Papa sa akin ang bagong piano na para talaga sa akin. Ngumiti naman ako, yes, that’s not what I want, but it’s the thought that matters.
“Thank you po.”sambit ko at ngumiti sa kanila. Niyakap naman ako ni Papa habang ginugulo ang buhok.
“You know that I’m always proud of you, right?”tanong niya sa akin. Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko dahil sa sinabi nito. Kahit paano’y alam ko naman ‘yon. Si Papa kasi’y madalas lang sumang-ayon sa desisyon ni Mama para sa amin pero kahit paano’y masasabi kong napapagaan din niya ang loob ko.
“Thank you, Papa.”sambit ko. Hindi lang sa gift, kung hindi sa salitang binitawan nito. It really mean a lot for me.
Nang matapos ‘yon ay nagtungo naman na ako sa kwarto para magbihis at magpahinga na. Malapad naman ang naging ngiti ko nang makita ang regalong galing kay Ate Elai, kung noon ay pencil, ngayon naman ay pencil pa rin ngunit mechanical na ito, mayroon pa rin ‘tong name ko. Napangiti na lang ako bago ko nilagay sa box kung saan naroon ang mga gamit ko. Hihiga na sana ako nang makatanggap ng text mula kay Esai.
Esai:
Still up? One dot kapag hindi ka pa tulog.
Napatawa naman ako dahil sa text nito. Napangiti na lang ako bago nagtipa para reply-an siya.
Ako:
One dot.
Wala pang isang segundo ay tumatawag na ito. Nahiga naman ako bago nagsalita.
“Sabi ko one dot, two dot na ‘yan.”sabi niya kaya napailing ako at napairap dito.
“Ewan ko sa’yo. Bakit? Miss ko agad ako?”natatawa kong biro sa kanya.
“Medyo.”sabi niya kaya hindi ko mapigilang mapairap do’n.
“I’m outside your house.”sabi niya kaya agad akong napabangon.
“Huh? Bakit? Kakita lang natin ahh!”aniko na napanguso pa. Tumayo rin naman ako at hindi malaman sa sarili kung bakit naghahanap ako ngayon ng damit na susuotin para lang sa kaniya. Aba’t bakit kasi ngayon sa pupunta kung kailan nakapajama lang ako.
Kinuha ko na rin ang ilang maayos na damit dito sa wardrobe bago ako lumabas para puntahan siya.
“Ano?”tanong ko ngunit bahagya namang nagulat nang may dala ‘tong art gift basket. Malapad pa ang ngiti nito habang nakatingin sa akin.
“Congrats, Elin.”sabi niya at iniaabot basket na punong puno ng mga art materials. Hindi naman ako makapaniwalang nakatingin do’n.
“Thank you…”hindi ko mapigilang sambitin at malapad na napangiti habang nakatingin sa kanya.
“Uhh, I also have one for you, hindi ko lang alam kung paano ko ibibigay. Nahiya naman ako sa pacamera ng mga kapatid mo.”natatawa kong saad bago inabot sa kanya ang maliit na box na naglalaman ng isang crystal ball for photography. Agad naman siyang napangiti dahil do’n.
That ended our day with a smile, ilang araw lang ang lumipas at naghahanda na rin sina Mama para sa trip kasama sina Esai. Bago pa man kasi magstart ay nakapagplano na ang mga ito.
Nang makarating kami sa isang resort, kanya kanyang kuhanan na sila ng litrato habang si Ate Elai naman ay hinihila na ako para magtungo sa kwarto naming dalawa. Natatawa naman akong sumunod dahil excited talaga ‘to.
“Omg! I can’t believe na talagang pumayag si Mama!”tuwang tuwa niyang saad habang inaayos ang mga gamit. Napangiti naman ako roon habang inaayos din ang ilang mga damit na dala ko.
“By the way, sobrang dami mo ng fans!”aniya at pinakita pa ang isang post na pinupuri ang paraan ng pagdodrawing ko. Bahagya naman akong napangiti roon. I actually enjoy their comment bad or not, minsan ay natutuwa ako dahil atleast kahit paano’y pinag-aksayahan nila ng oras ang gawa ko, hindi man pasok sa standard ng mga ito, atleast sinubukan nila, hindi ba?
Katulad nga ng sabi ko, ginawa ang mata ng tao na hindi magkakaparehas kaya natural lang kung iba ang paraan kung paano natin titignan ang isang bagay. Pwera na lang talaga kung ayos naman ‘to ngunit tayo’y nagbubulgabulagan at sinusubukan lang tignan ang mga bagay na gustong makita ng ating mga mata.
“Huwag mo akong kakalimutan ahh!”natatawang saad ni Ate habang natutuwa pang pinapabasa sa akin ang mga comment na nabasa ko na rin naman.
“Did you see Esai’s comment? Kahit kailan ang isang ‘yon, talagang proud na proud sa’yo.”natatawa niyang saad at pinakita pa ang isang comment, bahagya naman akong napanguso nang makitang ‘yon ang comment na iniscreen shot ko dahil gusto ko lang balikan kapag nawawalan ako ng gana sa mga bagay na siyang pangarap ko naman talaga.
“I really like the way you draw and the story is so good, keep on doing what you like! I’ll be supporting you :).”pagbabasa pa ni Ate. Natawa pa ako dahil sinama niya pa ang smiling face sa kanyang pagbabasa. Nailing na lang akong natawa dahil do’n.
“He really like your work, comics mo nga lang ata ang natagalan no’n!”natatawa niyang saad at naupo pa sa kama namin. Hindi ko naman maiwasang mangiti dahil sa sinabi nito.
“Yes, he likes you, but he also like your work not just because he have a feelings with you.”sabi pa ni Ate Elai kaya parehas kaming natigilan. Agad naman siyang natigilan dahil do’n at napasapo pa sa kanyang ulo. Bahagya naman akong nahiya dahil do’n.
“Asterin, let me ask you something.”nakangiti niyang saad. Ngumiti naman ako at tumango sa kanya.
“Do you like my brother?”seryoso ang mukhang tanong niya.
“I do.”pabulong kong saad dahil ‘yon ang tunay na nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Teen FictionPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...