Chapter 40

2.1K 66 0
                                    

Chapter 40
Asterin’s POV

Ang ngiti sa mga labi ko’y mas lalong lumawak nang makita ko si Esai na palabas na ng studio niya, araw araw ko na itong nakikita rito.

“Hi.”nakangiti kong saad nang lumapit siya sa akin. Halos araw araw din kaming magkasama kapag ganitong gabi na, kapag tapos na ang klase ko at tapos na siya sa kanyang photoshoot.

“Where do you want to go today?”tanong niya sa akin, malapad din ang ngiti.

Parehas pa kaming nag-isip dahil takot din naman ako na madawit pa ito sa pangalan ko. Nakakahiya para sa kanya, halos sinasamahan na nga lang niya ako kapag ganitong gabi para magliwaliw. Ang dami niyang alam na libangan.

Well, I don’t really care about that, ayos na ayos lang sa akin kapag magkasama kaming dalawa kahit na nasa kotse niya lang. I really enjoy hanging out with him.

“Ikaw ang mag-iisip ngayon, hindi ba?”tanong ko sa kanya dahil wala akong maisip. Kahit naman saan ay ayos lang.

“Drive in movie theater?”tanong niya.

“Hmm, alright.”tanong ko kahit medyo pinag-isipan ko pa dahil wala naman akong hilig sa movie. I mean sawang sawa na rin ako dahil sa dami ng showcase na napuntahan.

“We can go somewhere else.”nakangiti niya pang saad nang mapatingin sa akin. Agad naman akong natawa at umiling.

“Ayos lang no! Doon na! Basta masarap pop corn.”natatawa kong saad at nagsimula ng maglakad ngunit agad siyang nagtaka sa akin..

“Where are you going?”tanong niya na pinagtaasan ako ng kilay.

“Sa kotse? Drive in movie theater, hindi ba?”tanong ko. Hinila niya naman ako patungo sa kotse niya. I bite the inside of my cheeks to surpassed my smile.

Maya-maya lang ay nakarating naman na kami sa drive in theater, may pop corn nga siyang binili, bahagya naman akong nahiya nang makitang movie ko ang panonoorin.

“Hindi ba pwedeng iba na lang?”tanong ko pa na parang kanina lang ay sinabing ayos lang kahit na ano.

“Alright, let’s just watch this next time.”sambit niya ngunit agad kong pinigilan nang makitang nakabili na pala siya ng ticket. Nang nasa loob na kami’y hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha habang nakatingin sa screen, parang gusto ko pang lumubog sa lupa nang makitang seryoso lang na nanonood si Esai. Hiyang hiya ako dahil ibang iba naman kasi ang personality ko roon sa bida.

Hindi ko tuloy magawang manood kapag scene ko na habang si Esai ay seryoso ang mukha kapag ako na ang nilalabas sa screen.

“Is the kiss real?”tanong niya nang matapos ang movie. Hindi ko alam kung bakit ba todo deny ako at talagang mabilis na mabilis pang umiling. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil do’n. Talaga bang kahihiyan lang ang matatamo ko ngayon?

“Is this your first time watching that? Medyo matagal na ‘yan.”natatawa kong saad para ibahin ang usapan.

“Hmm, no, I watched it for a couple of times.”kaswal na saad niya kaya nagulat ako roon, agad na napatingin sa kanya. Akala ko naman ay first time niyang panoorin dahil sa itsura nito kanina na akala mo’y ngayon lang na napanood. Hindi na lang ako nagsalita dahil parang ayaw kong maniwala.

“I watched it with Ate, bukod sa magaling ang artista, maganda rin ang kwento. You did well.”sambit niya kaya napatikhim ako roon. Ang hilig talagang mambigla gamit ang kanyang mga salita.

“Thank you…”sambit ko at nginitian siya. Ilang oras pa kaming nanatili ngunit napagpasiyahan na rin niyang ihatid ako pauwi dahil nga masiyado ng gabi. Nakasunod lang ang sasakyan niya sa akin, nagsasayang lang talaga kami ng gas na dalawa.

“Hey, I’ll fetch you tomorrow, huwag ka ng magdala ng sasakyan.”sambit niya. Hindi ko naman alam sa sarili kung bakit ayaw kong tumanggi at talagang malapad pang ngumiti sa kanya at tumango.

“Alright, see you…”nakangiti kong saad at kumaway. As usual naghihintay nanaman si Mama Ella sa sala, tulog na ito, hindi na lang natulog sa kanyang kwarto.

Inayos ko naman ang kumot na nalaglag, all these years, I’m really thankful to her. Laking pasasalamat ko na dumating siya sa buhay ko. Sa buhay namin ni Mama. Baka nabaliw ako ng tuluyan kung hindi dahil sa kanya. Kinabukasan, sermon ang inabot ko kay Tita dahil medyo late na akong umuwi ngunit kalaunan ay nagtatanong din naman kung anong mga ginawa namin ni Esai. Sobrang supportive niya, gusto niya’y masaya lang ako.

“Alam mo bang ayaw kong magkaanak noon?”natatawa niyang tanong habang sinusuklay ang buhok ko.

“Bakit, Mama Ella?”tanong ko naman.

“Wala, ayaw ko lang, masiyadong malaking responsibilidad at hindi rin naman ako nabuhay sa mundong ‘to para magdalang tao, I want to enjoy my life focusing on myself.”sambit niya at ngumiti pa sa akin. Medyo naguilty naman ako dahil imbis na gawin niya ang mga gustong gawin, nagkaroon pa siya ng dalawang responsibilidad.

“Sorry, Mama Ella…”pabulong na saad ko. Napatawa naman siya sa akin dahil do’n at bahagya pang hinila ang buhok ko. Naiiling na lang din ‘to habang nakatingin sa akin.

“Bakit ka nagsosorry? Masaya ako na natulungan ko kayo, masaya rin ako ngayon. Anong akala mo? Magtatagal ako dahil lang sainyo?”sambit niya pa at umirap. Napatawa naman ako dahil do’n.

Kinagabihan ay sinundo ako ni Esai, may dala rin itong dinner kaya hindi ako nagdinner sa bahay, panay healthy din naman ang dinadala niya kaya laking pasasalamat ko na lang din dahil kahit paano hindi sira ang diet.

“What do you want to eat tomorrow, I’ll cook for you…”sambit niya. Nag-iisip pa ako nang may mapagtanto.

“It’s Saturday tomorrow.”nakanguso kong saad kaya parehas kaming natigil. Nakakabitin. Parang sobrang bilis lang no’ng araw.

“Ganoon ba? May shoot ka? Pwede kong ipadala or dalhin kung pwede.”sambit niya.

“Sa cavite kami hanggang next week kaya hindi rin ako papasok.”ani ko. Natahimik kami parehas, ngumiti naman siya sa akin do’n at tumango.

Ganoon nga ang nangyari buong linggo, hindi man lang ako nakakasilay.

“Simangot ka diyan, Girl?”tanong ni Mariam sa akin, isa sa mga kasama ko rito sa set. Nagkibit lang ako ng balikat. Sa totoo lang ay uwing uwi na ako. Napangiti naman ako nang makatanggap ng text mula kay Esai.

Esai:

Have you eaten? Don’t forget to be hydrated and to eat!

Para itong living reminder ko, hindi ko maiwasan ang malapad na pagngiti.

“Boyfriend?”tanong ni Mariam, siya lang ‘tong sobrang hilig akong kausapin. Mabait ito sa staff kaya inientertain ko rin kapag nasa mood.

“Nah,”sambit ko at umiling.

Ako:

Oo, ikaw din!

Nang matapos kong isend ‘yon ay kumuha ako ng litrato, update para sa mga fans ko. Pinost ko lang ‘yon sa ig at laking gulat ko nang mailike agad ni Esai. Napanguso pa ako para pigilan ang ngiti nang makita kong nagcomment siya at dinumog ‘yon ng likes pati na rin replies.

@EsaiGallejo: Ganda

“Woy! Grabe!”natigil naman ako sa pagsulyap do’n nang balingan ako ng tingin ni Mariam. Agad kong binaba ang phone ko.

“Crush ka talaga ni Mr. Gallejo no? Crush ko ‘yon e! Sobrang gwapo, Sis! Ang hot pa! Mapapasana all na lang talaga ako sa ganda mo!”sabi niya kaya pinamulahan ako ng mukha at hiyang hiya dahil sa sinasabi nito.

“Swerte mo!”sabi niya pa ngunit napailing lang ako. Ang comment niya tuloy ay naging talk of the town, bukod sa magaling na businessman at photographet, hindi naman maitatanggi na gwapo at nasa circle din ng mga kilalang tao kaya naman marami talaga ang humahanga ss kanya.

Hindi ko tuloy maiwasang mailing na lang nang may makitang mga hate comment sa litrato ko.

@gallejomahloves: Sus, hindi naman kagandahanan
@Esailanglahams: Ganda lang ang meron, hindi naman magaling umarte.

Napatawa naman ako sa comment na ‘yon, hindi ko maiwasang maalala ang sinasabi nila sa akin no’n. Noong sikat na sikat pa si Mama at Ate. Ang sabi nila’y magaling daw akong umarte, sayang lang at hindi kagandahan.

Ngayong may maayos ng mukha’y talagang may masasabi pa rin pala ang mga tao. Well, I know that too well. Ganoon naman kasi talaga. Kahit anong gawin mo, may maririnig ka pa rin talagang paninira.

Nang makauwi kami halos dalawang linggo ang nakalipas, excited na excited naman akong nag-ayos dahil ang sabi ni Esai, susunduin niya ulit ako.

“’Yan. Ang landi, akala mo’y buhay na buhay nanaman!”natatawang saad ni Tita sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapairap roon bago ako nagmadaling maglakad palabas. Agad ko namang nadatnan si Esai.

“You’re extra pretty today.”nakangiti niyang saad bago ako pinagbuksan ng pinto.

“Sus! Ang sabihin mo miss mo lang ako.”natatawa kong sambit sa kanya.

“That’s right.”sambit niya, bahagya naman akong pinamulahan ng mukha at akala mo’y batang nagtatalon ang puso.

Katulad ng dati, kumain lang kami bago niya ako inihatid sa school. Hindi ko alam pero talagang walang nakakapansin sa akin, maliban sa kaunti nga lang ang estudyante kapag gabi, doble ingat din naman ako kapag nagtutungo na sa labas ngunit this day is extra tiring dahil may nakasalubong na isang babae. Titig na titig ito sa akin.

Agad nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ‘yon, si Macy! Nagngitian lang kami nang mapagtanto kung sino ang mga nakita. Nilagpasan na rin naman niya ako kalaunan. Well, it’s been years now, hindi ko lang maiwasang mapangiti sa mga nangyari sa amin dati.

“Asterin.”tawag niya nang makalagpas na. Nilingon ko naman siya dahil do’n.

“Hey, Macy.”bati ko sa kanya.

“I just want to say sorry, I know we’re not that close now saka noon, noong senior high school na tayo. Hindi man lang kita naalo noong nawala sa’yo ang lahat.”sambit niya sa akin. Umiling naman ako roon at nginitian siya.

“Nako, it’s fine, nabasa ko ‘yong chat mo noon, salamat, sobrang laking tulong din no’ng mga salita mo.”ani ko at nginitian siya. Nagpaalam naman na kami sa isa’t isa nang matapos ‘yon. Noong nawala sa akin ang lahat, Macy tried to chat me din naman. She’s been a really great friend for me. Masaya rin ako na naging parte siya ng buhay ko.

Maayos naman ang naging takbo ng oras, nang lumabas ako sa school ay agad kong nakita si Esai na naghihintay. Napangiti na lang akong nagtungo palapit sa kanya. He can really bring smile on my face just by his presence.

“Let’s just go inside your studio,”sambit ko dahil gusto ko pa ng medyo matagal na oras kakwentuhan ‘to. Baka kapag pupunta pa kami sa kung saan makain lang ang oras naming dalawa. I want to be with him. Hindi ko alam kung bakit ang clingy ko gayong hindi naman dapat. Maybe, I just really miss him.

Tumango naman siya at binuksan ang studio niya. As usual sobrang linis nanaman ng studio niya.

“I have some cards here, tara uno.”nakangiti niyang saad kaya natawa ako. Hindi ko lang akalain na magtatabi siya ng mga laruan sa studio niya.

“Ano ‘yan ginamit ba sa advertisement?”tanong ko. Umiling naman siya kaya napangiti ako. ‘Yon nga ang pinagkaabalahan naming dalawa. Parehas lang naman kaming pachill chill na dalawa, wala ring pakialam kung manalo o matalo. Some people will think that we’re both boring dahil wala man lang kaming competiveness na dalawa but I actually like this. ‘Yong nalilibang lang, pinakafocus talaga ay kwentuhan.

“By the way, I saw your advertisement about the kids in the orphanage, hindi ko alam na tinuloy mo pala?”nakangiti kong tanong sa kanya. Tumango naman siya, mga advertisement para sa donation ‘yon. Niyaya niya naman ako para ipakita ang mga kuha niyang litrato noon. Hindi ko maiwasang mamangha at mapangiti habang pinagmamasdan ang mga ‘yon. Ang galing niya talaga.

“Ang galing mo! Sobrang proud ako sa’yo.”nakangiti kong saad sa kanya. Napangiti naman siya sa sinabi ko. Hindi ako nambobola o ano, hindi rin naman ako expert pero masasabi kong malaki na ang improvement niya sa nakalipas na panahon, kung magaling siya noon, mas magaling pa ngayon.

Bahagya naman akong napanguso nang makita ko ang litrato naming dalawa sa may gilid ng lamesa niya. Napaawang ang labi ko habang tinitignan ‘yon.

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon