Hello! I will end it here! Thank you so much for being with me. For all those people who's struggling to fit in society's standard. Lagi niyang tandaan na hindi niyo kailangang ipilit ang sarili niyo at makipagsiksikan. You're unique, gumawa ka ng sarili mong lungga. Hindi mo kailangang gumaya sa ibang tao para lang masabing normal ka. That's it. Maganda ka. Lagi. Thanks for reading! I love you all! Mwaps.
Epilogue
Esai’s POV
“Wow, ganda naman niyarn!”nakangising saad ni Elai habang sinisilip ang necklace na pinag-ipunan ko, I want to ask her kapag legal age na ito kung pupwede na ba akong manligaw. Noon ko pa gustong gawin ‘yon dahil ‘yon din kasi ang usapan namin ng Papa niya noong sabihin kong may gusto ako sa anak niya.
“Nasa kulungan daw ang Papa ni Asterin, Esai!”sabi ni Elai kaya natigilan ako sa ginagawa. Nagmadali akong magtungo sa bahay nila. Sobrang tahimik. Nang tawagan ko si Asterin, sumagot din naman ito.
“Hello, Esai, sorry but I can’t hang out with you today, marami pa akong aasikasuhin.”aniya, mahihimigan sa tono nito ang pagod.
“Alright, are you okay? You sound so tired.”sambit ko sa kanya.
“Ayos lang ako, Esai, ibababa ko na, inaantok na ako,”aniya kaya napabuntong hininga. Naghintay lang din ako sa labas kahit alam kong hindi naman na talaga ito lalabas pa.
Makalipas ang mga araw, mas lalong hindi ko na siya makausap pa, minsan ay abalang abala ito sa iba’t ibang bagay, hindi ko naman siya masisisi roon. Ni hindi na rin ito nagkukwento, naiintindihan ko rin naman dahil sa pinagdadaanan niya.
“How’s Elin?”tanong ko kay Caroline nang maging magkagroup kami sa research.
“She’s fine, nilulunod ang sarili sa lahat ng gawain,”sabi nito at napakibit ng balikat. Kapag nakakausap ko ‘to’y hindi ko maiwasang magtanong ng magtanong patungkol sa kapatid niya. I’m really worried about her at isa pa, miss ko na talaga ‘to.
“Alam mo user ka no? Kinakausap mo lang ako para diyan kay Asterin.”sabi niya na inirapan pa ako. Napakibit naman ako ng balikat dahil kinakausap din ako nito para magtanong about kay Kuya. Parehas lang kami.
“Kumusta siya?”tanong ko.
“Bakit na hindi mo na lang kasi tanungin?”naiiling na tanong niya, sawang sawa na sa kakatanong ko tungkol sa kanyang kapatid.
“Ihatid mo ako para masulyapan mo.”sambit niya. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag na rin. Sinubukan ko rin kasing sunduin si Asterin ngunit maaga ring umuuwi at minsan hindi ko talaga naaabutan. Kapag naabutan naman ay pinapaalis din ako, gustong mapag-isa. Sinasarili naman ang lahat ng problema.
Nang ihatid ko si Caroline, minsan ay nakikita ko siya ngunit madalas nagkukulong lang sa kanyang kwarto. Until I finally have a chance na makasabay ‘to. I don’t know what to feel, doble doble ang sakit na nararamdaman ko nang makita siyang tahimik na umiiyak sa gilid. Pinipilit pakalmahin ang kanyang sarili, gusto kong pahirin ang mga luha mula sa mga mata nito.
“I’m too tired, I don’t have time for you, Esai. Can you stop texting me? Stop going to school to see me. I don’t want to see anyone.”sambit niya sa akin. Tinitigan ko naman ang mga mata nito, halata nga ang pagod mula sa kanya.
“I know you’re tired but let me be that person you can cry on, Asterin.”ani ko. She’s there when I needed someone gusto ko ring manatili sa tabi nito.
“Please, pagod na ako, Esai. Huwag ka ng dumagdag, please.”nagmamakaawang saad niya. Nakonsensiya naman ako roon, hindi ko gustong dumagdag pa sa mga pasakit niya but I want her to think that i’m here, mayroon siyang kasama sa kanyang mga laban. Niyakap ko lang din siya ng mahigpit.
“I can wait, I won’t bother you… You don’t have to reply to my text… you can ignore me... I’ll let you rest.”sambit ko but I can’t help it lalo na no’ng nalaman kong ninakaw ng Ate niya ang ilang painting at maski ang comics na matagal niyang pinaghihirapan noon hanggang sa ngayon.
“I also need someone I can cry on!”sabi ni Caroline nang makita akong nasa tapat ng school ni Elin, mukha siyang nasisiraan na rin ng bait, maraming iniisip at mukhang nakokonsensiya. Yumakap pa ito ngunit hindi ko maiwasang mainis. Siya pa ‘tong may ganang umiyak gayong siya ang gumawa ng mali sa kapatid at nanay niya? Tinulak ko siya lalo na nang makita ko si Elin na nakasakay na ng bus.
“Tama na, Esai! Huwag mo na akong pag-aksayahan pa ng oras dahil ginamit lang naman kita! Ginamit lang kita para may libangan dahil ikaw lang ang nandiyan. Ikaw lang ang choice ko, kaya, pwede ba? Tigilan mo na! Wala na akong oras para sa’yo!”sigaw niya sa akin. I’m glad to be her only choice, kahit paulit ulit niya akong gamitin, ayos lang.
“Please, hindi na kita gusto. Boring kang kasama, saka ko lang ‘yon nagpatanto noong mayroon na akong ibang mga kaibigan. Ikaw lang ‘yong choice na mayroon ako kaya baka nagustuhan lang din kita dahil do’n.”aniya pa. Ramdam ko ang pangingirot ng puso, nabato balani lang ako sa kinatatayuan hanggang sa pumasok na siya sa loob nila na siyang pinagsisihan ko naman. Sana’y hinila ko siya at niyakap muli.
“Kung nagustuhan mo man ako dahil ako lang ang choice mo, I would always like to be your only choice… kahit anong kaya mong isukli, ayos lang… tatanggapin ko… but I don’t want to be unfair with you, you deserve someone who won’t make your day boring…”sambit ko sa kanya. I really want her to find someone who will make her day more happier.
“Happy birthday, Asterin,”ani ko bago sinuot ang necklace sa kanya.
“You’ll always be my sunray…”pabulong kong saad and that’s was true dahil simula no’ng araw na ‘yon. Hindi na nga talaga ako nakahanap pa ng iba. Siya na lang ang gusto.
Nasubaybayan ko hanggang sa maging model siya. Kahit hindi naman ako gumagamit ng pabango ng pambabae, nagawa kong bumili para sa kanya.
“Dakilang fan boy ka pala ni Ae?”nakangiting tanong sa akin no’ng isa kong kaklaseng lalaki.
“Ganda no’n no? Sexy pa!”sabi niya. Tama naman siya roon, maganda at sexy naman talaga siya.
“Pwedeng pwede sa kam---“bago niya pa matuloy ang sasabihin ay nasa sahig na ito. Natuto akong makipag-away lalo na kapag nakakarinig ng masasamang bali-balita sa kanya.
“Esai, nabalitaan mo ba? May kadate pa si Asterin na artista noong nakaraang buwan e!”pagpapakita ng kaklase ko ng article na nagsasabing nagkita ang dalawa sa isang hotel. Napakibit naman ako ng balikat do’n. Oo, nakakaselos pero sino ba naman ako? Hindi naman niya ako boyfriend o ano. Marami pang nabalitang kinakasama nito ngunit hindi ko rin pinapansin ang mga ‘yon dahil minsan ay hindi naman talaga totoo although minsan ay napapasimangot na lang talaga at tuluyang nasisira ang araw.
“Nagpadala ka nanaman ng bulaklak, Esai?”tanong ni Elai sa akin. Tumango lang ako habang abalang abala pa rin sa mga kinukuhang litrato.
“Bakit kasi hindi mo na lang lapitan ulit! Mabait naman ‘yon, makipagkaibigan ka saka mo ligawan!”natatawang saad ni Elai sa akin.
“Saka na kapag may maipagmamalaki na ako,”sambit ko na nag-iwas ng tingin. Lahat ng mayroon siya ngayon, lahat ay siya ang nagpundar, sa murang edad, nagawa niyang lagpasan ang lahat ng ‘yon, siya pa mismo ang tumutulong sa magulang niya ngayon. Hangga’t wala pa akong napapatunayan, hindi muna.
“Bro, binati ako ni Asterin.”nakangising saad ni Kuya at pinakita pa ang ‘Happy birthday, Kuya Koa’ na bati nito. Napairap naman ako roon at hindi maiwasang abangan ang birthday ko. Buong araw kong hinintay na batiin ako nito ngunit mukhang talagang nakalimot na. Aba, mas close naman kaming dalawa ahh? Kahit na hindi naman talaga pagkakaibigan ang tingin ko sa kanya.
“Ano ‘yan?”natatawang tanong ni Elai at Kuya, hinila pa parehas ang list ko ng mga hindi boring na activities, if she doesn’t like me because I’m boring I think I should just do this. Hinila ko lang ‘yon at hindi pinansin ang mapang-asar nilang tingin.
When we go abroad, binisita ni Mama ang Tita nito, nakita ko naman na maganda na ang buhay ng mga ito.
“You still like her?”tanong ni Caroline nang tumabi sa akin, nakita ang mga litrato na hawak hawak ko. Hindi naman ako nagsalita.
“Tsk, I wonder why sobrang daming taong nagmamahal do’n.”bulong bulong niya.
“Because she’s really kind hearted, she doesn’t need to steal things to make her life more stable than others.”sambit ko kaya galit na galit akong tinignan ni Caroline. I don’t care, araw araw kong ipapaalala na hindi sa kanya ang mayroon siya ngayon.
“Esai, ‘yan nanaman ang pinapanood mo? Pakiramdam ko’y memoryadong memoryado mo na ang mga linya sa movie’ng ‘yan.”natatawang sabi ni Mama sa akin. Hindi ko naman ‘yon pinansin at tutok pa rin sa tv.
“Sus, ang sabihin mo, Ma, memoryado niya ang mukha ni Asterin, si Asterin lang naman ang pinapanood niyan!”natatawang saad ni Kuya kaya hinagisan ko lang siya ng unan na nasa tabi ko. Totoo rin naman pero bakit ako aamin?
“Mr. Gallejo, will you take my offer? I really like the way you take pictures.”sambit ni Mr. Hernandez.
“I’ll think about it.”sambit ko. Napatingin naman ako sa kontratang hawak niya, nakita ang pangalan ni Elin.
“I’ll take it.”ani ko, biglang nagbago ang isip. Agad naman siyang napapalakpak dahil do’n.
Then the day came, I finally have the chance to talk to her again, she walk more confidently now, she’s still the elegant and collected Elin I know. Para akong mawawalan ng hininga habang nakatayo lang sa isang gilid habang papalapit siya sa akin.
“Oh, nice to see you, Mr. Gallejo.”nakangiti niyang saad. Fuck, ang ganda pa rin. Ang sabi ko sa sarili, magiging friendly ako kapag nakita ko ito ngunit hindi naman magawang sundin ng katawan.
Maski nang magshoot ay pinakalma ko lang ang sarili kahit na manghang mangha sa kanya. She’s good. Parang walang kahirap hirap sa kanya ang magpost. Para akong magulang nito na proud na proud sa kanya hanggang matapos ‘yon.
Hindi ko naman mapigilang tignan ang necklace ngayong nasa malapit na siya sa akin, lagi ko ‘yong nakikita sa ilang interview niya ngunit hindi ako sigurado kung ‘yon ba ang binigay ko ngunit nang mag-usap kami sa malapitan saka ko lang napagtanto na ‘yon nga talaga. Hindi ko tuloy mapigilan ang palihim na pagngiti lalo na nang subukan niya pang itago ‘yon.
After that night, I followed her Ig account. Kung noon ay palihim lang akong nang-iistalk, ngayon ay pupwede na akong mapabilang sa active likers nito. Halos mataranta ako nang makita ko ang direct message galing sa kanya.
@AeEndrano: Hi, I just want to say sorey about what my fans said…
Napanguso naman ako roon, ni hindi alam kung ano bang sinabi ng mga fans niya sa akin dahil hindi naman ako madalas tumambay sa comment section. Sinilip ko naman ‘yon para naman may alam ako bago siya reply-an. Marami siyang fans kaya ang daming hate comments na natanggap. I don’t really care about that, masaya ako na nagchat ‘to sa akin.
“Magkikita kami ni Asterin ngayon.”sabi ni Elai sa akin. Sana all.
Then I met her again, paborito ata ako ng tadhana dahil hindi niya hinayaang gamitin ko ang kapangyarihan para lang mapalapit muli rito.
Gulat na gulat ako nang makita ko siya na nasa tapat ng studio, mukhang galing sa university sa tapat. Minsan lang ako magtungo sa studio ngunit dahil sa kanya’y mukhang mapapadalas. Just like that, lahat ng alam kong pupwedeng gawin ay inanyayahan ko siya. She’s still fun to be with. Kahit sa mga simpleng bagay lang ay masaya na ako lalo na kapag siya pa itong kasama.
“Esai, umuwi si Asterin, nakasimangot, hindi ko alam kung anong pinagusapan nila ni Caroline.”sabi ni Ate Elai. Fuck, sana talaga ay hindi na lang ako umalis. Nakasimangot naman akong bumalik sa bahay.
“Anong sinabi mo kay Elin?”tanong ko kay Caroline na kanina lang ay prenteng nakaupo ngunit nang makita ako’y hindi alam kung paano pakakalmahin ang sarili.
“Sorry! I just said that you’re courting me, I just want to talk to her.”iritado ko naman ‘tong nilingon. Gusto kong manakit ngunit huwag na lang. Sayang oras.
“Hmm, I don’t think I can hang out with you today. Pagod ako sa shoot at pagod din ako sa klase, inaantok na ako.”ani Asterin sa akin, ilang araw na akong iniiwasan. Fuck, ni hindi pa nga ako nabibigyan ng pagkakataon na mapalapit ng sobra rito.
“Nak, sama ka kina Tita Rosa?”tanong ni Mama sa akin. Umiling lang ako.
“Ma, huwag mo ng yayain ‘yan, hb na hb ka na nga kay Caroline e.”natatawang saad ni Elai na hindi ko na lang din pinansin.
“Ikaw na pumunta sa celebration ni Direct Viva.”sabi ni Mama sa akin. Kaibigan niya rin ‘yon, ang daming belong sa circle ni Mama. Madalas kasi atang kumuha ‘yon ng bulaklak sa flower shop niya. Isa pa, kilala ang pamilya namin maski sa industriya dahil na rin kina Lolo.
“Artista ni Viva si Asterin, paniguradong nandoon din siya.”sabi ni Mama kaya natigilan ako.
“Ayaw mo ba? Ang Kuya Koa mo na lang ang papupuntahin ko kung ganoon.”aniya pa.
“Pupunta ako, Ma.”ani ko kaya lumapad ang ngisi mula sa bibig ni Mama. Nailing na lang ako roon.
Nang makarating sa event, marami na agad ang mga tao, marami ring artista na pakalat kalat, hinanap naman ng mga mata ko si Elin. Agad ko rin siyang nakita na naglalakad papasok sa loob, lalapitan ko na sana kaya lang ay naharang ako ng ilang businessman. She’s really gorgeous, ang daming napapabalik ang tingin kapag nadadaanan siya ng mga mata ng mga ito. Hindi ko naman sila masisisi dahil talagang magada ito.
Ang dami ring lumalapit sa kanya at kinakausap siya, hindi naman ako mapakali sa kinatatayuan ko, gusto ko siyang lapitan ngunit mukhang hindi niya rin ‘yon gugustuhin lalo na kung maraming media.
"I don't think I can sleep this night if I won't tell you this... I'll court you, Elin."I said nang malapitan ko siya ng tuluyan. Kung hindi niya ako gusto, aba’t dapat gustuhin niya. Baka isang sabi lang niyan na hindi ka gusto’y magkanda pira-piraso ang binubuo mong kumpiyansa sa sarili, Esai.
When I started courting her, it was one of the best decision that I did. Sobrang saya ko lalo na nang tuluyan talaga akonh sagutin nito.
“Pa, si Esai po, boyfriend ko…”parang hindi ko na narinig pa ang ilang salita mula sa kanya, ‘yon na lang ang nagecho sa aking isipan. Hanggang sa makalabas kami ng kulungan ay hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. When she kissed me, her lips is so soft that I can’t get over with…
“I love you…”pabulong niyang saad. Mas kaadikan ko atang marinig ito.
“Hmm, you can back out habang maaga pa…”aniya. Oh… no way, It doesn’t really matter. I like her too much, I can bear with anything. She’s more than what I pray for.
Noong pumutok ang balita tungkol sa kanya, I don’t really mind those hate comment na narerecieve ko, lalo na no’ng may nagbato ng itlog sa kotse. Wala lang ‘yon. Mas nag-aalala ako sa kapakanan nito. Nakaya niya, nalagpasan niya. She started pursuing her dream again.
“Hoy, ano ‘to?”tanong ni Elin nang pumasok sa loob ng kwarto, titingin lang ng ilang litrato. Medyo nataranta ako nang makita ang notebook na may lamang list. Napatawa naman siya habang tinitignan ‘yon, namula na lang ang mukha ko sa hiya.
“Hindi ko alam na ganito ka pala kakorni.”pang-aasar niya sa akin.
“I just don’t want you to feel bored.”sambit ko na nag-iwas ng tingin.
“Huh? Bakit naman?”tanong niya na mukhang saka lang din naalala ang sinabi noon.
“I never meant what I said that day masiyado lang nadala ng inis na baka ginamit mo lang din ako para mapalapit kay Ate. I never find you boring, kahit buong araw pa tayong magkwentuhan lang ay ayos na ako. Basta ikaw ang kasama.”sambit niya pa habang nakangiting tinitignan ang notebook na may list ng kung ano ano. Hindi ko naman mapigilang mapangiti roon, fuck, kung alam ko lang sana noon pa lang ay hindi na ako umalis sa tabi nito.
For five years, sinubukan niyang abutin ang lahat ng pangarap niya. Kahit gustong gusto ko ng maikasal sa kanya at bumuo ng pamilya, I know that she want to putbherself for now, matagal niyang pinangarap ang lahat ng ‘yon kaya sino naman ako para hadlangan? I can wait, kahit gaano pa katagal.
But when she reach her dream, akin naman. Ako naman ang tutupad ng pangarap ko na makasal sa kanya and that day is today.
“You may now kiss the bride.”anang pari. I slowly kiss her lips, kahit ata araw araw ay hindi ako magsasawang halikan ang malambot na mga labi nito.
“Mahal kita. Sobra.”bulong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/259697099-288-k710696.jpg)
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Teen FictionPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...