Chapter 14
Asterin’s POV
“You already stop painting, Asterin?”tanong sa akin ni Kuya Mave nang makasalubong ko siya, hindi pa rin ako nagtutungo sa art room alrlthough I started painting again. Hindi na nagpapakita pa kay Mama, natatakot lang ako na baka tuluyan niya na akong pagbawalan at natatakot ako na maulit ang nangyari noon.
“Hindi naman po, Kuya, pero hindi na po talaga ako makakapunta sa art room.”ani ko at tipid na ngumiti. Napatango naman ‘to sa akin dahil dito.
“But you know, you’re still free to go there anytime you want, alright?”nakangiti niyang tanong sa akin. Tumango naman ako do’n.
“Thank you, Kuya.”sambit ko bago naglakad na paalis. I’m really thankful na kahit paano’y welcome din naman pala ako.
“Good morning, Elin.”agad naman akong napangiti nang mapatingin sa gilid ko. Agad kong nakita si Esai na siyang nakapamulsa sa gilid ko ngayon. Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang makita siya. Starting that day, mas lalo lang kaming napalapit sa isa’t isa. He’s fun to be with pero syempre nandoon pa rin ang takot sa akin na baka bigla’y talikuran din niya ako sa huli.
“What should we eat today?”tanong niya at nginitian ako. Bago pa ako makasagot ay agad na sumagot si Macy na siyang kararating lang.
“Pizza!”malapad ang ngiting sambit niya.
“Always gwapo ka talaga, Kuya Esai, no?”nakangiti niya pang saad dito. Napailing na lang sa kanya si Esai.
“What about you? What do you want?”tanong niya sa akin.
“Hmm, ganoon na lang din kay Macy.”sabi ko at maglalabas na ng pera ngunit nakapila na ito.
“Sure ka ba?”tanong ni Macy sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa kanya dahil dito.
“Anong sure ka ba?”tanong ko pabalik.
“Na walang namamagitan sainyo ni Kuya Esai!”mapang-asar niyang saad sa akin. Nailing na lang ako sa kanya dahil dito.
“Stop it, Macy, wala nga.”sabi ko na napailing na lang din.
“Usap-usapin kaya kayo! ‘Yong malditang Margaret na ‘yon, talagang kukurutin ko na ang singit sa daming gawa-gawang kwento.”inis na bulong pa ni Macy sa akin, hindi ko naman maiwasang mapatawa do’n.
“Don’t worry about it, I don’t really mind.”sabi ko naman kaya agad akong nginiwian ni Macy.
“Talaga lang, huh? Kaya naman pala sasarilihin mo nanaman ‘yan.”sabi niya kaya napakibit ako ng balikat. That’s right, minsan ay hindi ko pa rin talaga maiwasang isipin ang mga naiisip ng mga ito tungkol sa akin. I tend to overthink.
“Here.”ibinigay lang ni Esai ang mga pagkain namin. Naupo na rin naman siya kalaunan.
“Kuya Esai, marunong ka rin naman pa lang ngumiti, akala ko’y laging malupit ang mundo sa’yo.”sabi ni Macy sa kanya.
“Macy..”pabulong na saad ko.
“What?”natatawa niyang saad at sumimsim pa sa ice tea na binili ni Esai para sa kanya. Napailing na lang ako do’n.
“You didn’t bring your camera today?”hindi ko maiwasang itanong kay Esai.
“Hmm, I brought it but I don’t have time to take pictures today..”sabi niya kaya napakunot ang noo roon.
“Then why are you here?”tanong ko na naguguluhan.
“You’re busy, you said..”sabi ko pa. Napatitig naman niya sa akin at napangiti na lang na nailing.
“I don’t know..”aniya na napakibit ng balikat.
“Ganyan ka ba kamanhid, Aste? Natural, he wants to see you, no matter how busy the person is, kapag gusto niyang makita ang isang tao gagawa at gagawa siya ng paraan, ‘di ba, Kuya?”nakangiti pang saad ni Macy. Halos masamid naman ako sa mga pinagsasabi nito. Napatawa naman si Esai dahil do’n.
“Macy, stop it..”pabulong na saad ko.
“What? Nagsasabi lang naman..”nakanguso niyang saad kaya nailing na lang ako rito.
“Baka nga.”nakangiting saad ni Esai kaya napakunot ang noo ko sa kanya.
“I’ll go now, sabay na tayong umuwi mamaya, see you.”nakangiti niyang saad sa akin kaya halos mangisay sa kilig si Macy. Napailing na lang ako do’n. That’s just normal kay Esai. I think he just also treat me just like her younger sister. Sabi kasi nina Ate Elai, siya ang tinuturing na bunso kahit na sabay lang naman ang birthday nila, una raw kasing niluwal si Ate.
Nagtungo na rin naman kami ni Macy sa classroom kalaunan, nagkasalubong lang sila ni Margaret ay halos magsabunutan na agad ang dalawa. Pinagbabawalan ko naman si Macy ngunit wala ring balak magpaawat ang isa. Wala rin naman kaming gaanong ginawa sa araw na ‘yon dahil finals na sa susunod na mga araw. Pinagpahinga rin naman muna ako ni Mama sa pagpunta sa music academy ngunit mas lalo ang naman humaba ang pagtutor ni Mrs. Mercado. Ihahanda ko na ang sarili sa giyerang magaganap.
“Una na ako, Macy..”paalam ko kay Macy.
“Sige, enjoy sa date niyo!”natatawa niyang pang-aasar kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin at inilingan. Napatawa naman ito sa akin at nagpeace sign na lang.
Lumabas na rin naman ako ng classroom kalaunan, agad kong nakita si Esai na siyang naghihintay sa wooden bench malapit sa classroom namin.
“Kanina ka pa? Wala na kayong klase?”tanong ko sa kanya.
“Yeah, maagang natapos.”sabi niya at tumayo naman na.
“Want to have a ride first before we go home?”tanong niya sa akin. Napatawa naman ako ng mahina dahil ilang beses na akong niyaya nito sa motor niya ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinapahintulutan sapagkat hindi naman talaga ako sumasakay doon.
“Ewan ko sa’yo, sobrang bilis mo pa naman magmaneho.”naiiling kong saad sa kanya.
“At ano naman ang basehan mo? Isang beses mo pa lang akong nakitang nagmaneho.”natatawa niyang saad.
“Yeah, isang beses pa nga lang at nakipagsabayan ka pa sa bus.”sabi ko kaya napakibit na lang siya ng balikat.
“Fine, let’s take a stroll.”aniko kaya agad siyang napatingin at malapad na napangiti.
“Really?”ulit niya pa. Tumango naman ako sa kanya.
“Hanggang 6 lang.”natatawa ko namang sagot.
“Ano ka si cinderella?”pagbibiro niya kaya nginiwian ko siya at sinamaan ng tingin ngunit natatawa lang naman siyang lumapit sa akin at nagbiro pa. Napailing na lang din ako sa kanya bago ako sumunod patungo sa parking kung nasaan ang motor niya.
“Why would you even want to ride with me?”tanong ko sa kanya.
“I know you’ll appreciate the beauty of nature.”sabi niya.
“Paano kung hindi? You’ll not going to hang out with me?”tanong ko naman na pinagtaasan siya ng kilay bago kinuha ang helmet sa kamay niya.
“Hmm, I’ll think about it.”pagbibiro niya ngunit nginiwian ko na lang siya kaya napatawa siya ng mahina.
“Of course not.”natatawa niyang saad sa akin.
“I like being with you,”seryoso ng sambit niya. Tinignan ko lang naman siya at hinihintay na sabihin nitong nagbibiro siya ngunit seryoso lang naman ang mukha niya kaya napakibit na lang ako ng balikat, sinuot na rin ang helmet na inabot niya. I don’t really know if it’s true, I wish it is. I wish it can be like this kahit umabot na ang ilang araw, linggo o buwan.
“Let’s just go, nambobola ka nanaman.”natatawa kong saad bago sumakay sa motor niya. Dinig ko naman ang mahinang pagtawa niya bago pinaandar na ang motor. I was really scared for a while kaya mahigpit ang hawak ko sa hawakan sa likod ko but he was very careful kaya naman nagawa kong libangin ang aking mga mata habang nakatingin sa kalsada.
Ang lamig ng simoy ng hangin ay niyayakap din ako. Unti-unting namuo ang mga ngiti mula sa aking mga labi habang nakatingin lang din sa nadadaanan namin. Hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam ang pagsakay sa ganito. Hindi ko rin kasi naranasan dahil masiyadong protective si Mama, kay Lola’y ayos lang, hinahayaan niya akong makipaglaro sa kahit na sino, maski nga ang pag-akyat sa puno’y ayos lang dito. Hindi ko naman tuloy maiwasang maalala ito at mamiss.
Huminto kami ni Esai sa empire bridge. Hindi ko mapigilang mamangha habang nakatingin dito, ilang beses ko na ‘tong nadaanan pero hindi ko lang maiwasang mapangiti nang mapatingin sa ibaba. Sinalubong ulit ako nang malamig na simoy ng hangin.
Napatingin pa ako sa mga puno sa ibaba. Mayroong ilang ibong pinagpupugaran ‘yon. Mas lalo lang akong nahinto nang mapatingin sa kalangitan. Walang kahit na anong nakaharang ngayon, talaga namang makikita ang paglubog ng araw dito.
“Ang ganda..”pabulong kong saad, namuo ang ngiti mula sa aking mga labi habang nakatingin dito.
“You really like the sun?”tanong ni Esai na nakangiti rin sa aking tabi.
“Hmm, yup, I also like the sunrise kaya lang ay hindi ko naaabutan..”nakanguso kong saad. Madalas kasing late na akong nakakatulog, kaya kapag nagigising ako, tama lang ‘yon para makapag-ayos para sa eskwela. Minsan ay gusto kong abutan kaya lang kapag alam kong walang pasok o wala akong dapat na gawin sa araw na ‘yon ay hinihila ako ng kama para matulog pa muli.
“Do you want me to wake you up?”seryoso niyang saad sa akin.
“Sa itsura mong ‘yan? I doubt na morning person ka.”sabi ko naman sa kanya, bahagya pang natawa ngunit agad na nanliit ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
“Hinahamon mo ba ako, Elin?”natatawa niyang saad.
“I’ll really wake you up, makita mo.”natatawa niyang saad sa akin. Napakibit na lang ako ng balikat at napangiti na lang ulit nang mapatingin sa payapang kalangitan. Nagkulay rosas na ito.
“I’ll take a picture.”sabi ni Esai na nasa gilid ko, tinanguan ko lang naman siya. Hinayaan ko siyang kumuha ng litrato ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na ako pala ang tinutukoy nito.
“Hala, delete. Ang pangit ko.”sabi ko na sinimangutan siya, napanguso naman siya at sinumangutan din ako.
“Sana lang talaga alam mo kung gaano ka kaganda.”sabi niya sa akin. Nginiwian ko naman ito.
“Alam mo hindi ko alam kung saan mo nakukuha ‘yang kakornihan mo.”natatawa kong saad sa kanya.
“Diamond is good, but you’re a treasure yourself, I hope you can see your worth. I hope you can see how bright you are. Night or even in a broad light.”sambit niya habang nakatingin sa akin. Walang halong pagbibiro ang makikita mula sa mukha nito. Napatikhim na lang ako at iniwas na rin ang tingin sa kanya.
“Magbabago rin ang opinyon mo. I know that, hindi man ngayon, but you’ll going to be bored hanging out with me.”sabi ko pa at ngumiti sa kanya.
“Hmm, do you think it’s not you, who will be bored between the two of us?”tanong niya naman sa akin pabalik. Nagtalo pa kaming dalawa ngunit kalaunan ay nagtawanan din naman.
Inihatid na rin naman niya ako kalaunan dahil mag-aalasais na. Pakaway kaway pa akong nagpaalam sa kanya, malapad niya lang naman akong nginitian.
Naging abala lang din naman ako sa pag-aaral nang dumating si Mrs. Mercado, anong oras na rin kaming natapos ngunit nagawa ko pa ring magdrawing pagkatapos na pagkatapos namin. I really want to update before our finals, late na tuloy akong natapos dahil sinubukan kong tapusin ngunit hinehele na rin ako ng antok.
Nagising ako sa tawag mula sa cellphone ko kaya agad napakunot ang noo ko roon. Parang ilang minuto pa lang kasi akong pumikit.
“Good morning.”bati nito mula sa kabilang linya. Pinatay ko lang naman ‘yon sa sobrang antok ngunit maya-maya lang aybtumatawag nanaman. Inis ko namang sinagot muli.
“Wrong number po kayo.”antok ko pang saad dahil wala namang number na tumatawag mula sa number ko kung hindi mga close friend o kaya’y sina Mama.
“Good morning, Elin, wake up!”natatawa nitong saad mula sa kabilang linya. Nanlalaki naman ang mga mata ko dahil do’n. Agad akong napabangon at napatingin sa phone ko. Right. I gave him my number. Napakunot pa ang noo ko nang makita ang oras, it’s only 5 o’clock!
“The sun is up, come on, look at your window.”sambit niya pa.
“Wala akong sinabing totohanin mo!”aniko sa kanya ngunit dinig ko ang paos at sexy’ng tawa nito mula sa kabilang linya. Napasilip naman ako sa bintana ko dahil do’n kahit na antok pa. Nawala naman ang inis ko sa kanya nang makita ang unti-unting paghahari ni haring araw mula sa aking bintana. Hindi ko naman mapigilang mapangiti kahit gusto kong kurutin si Esai sa paninira niya ng tulog ko.
“Good morning, Esai..”pabulong na bati ko rin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Teen FictionPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...