Chapter 2

3.5K 103 6
                                    

Chapter 2
Asterin’s POV

“Asterin,”tawag ni Mama sa akin nang makita akong paakyat na sa taas ng kwarto. Hindi ko sila napansin nina Tita Demi na nasa sala pala ngayon. Bahagya naman akong nagulat nang mapatingin sa kanila.

“Good afternoon po, Tita Demi.”nagmano lang ako sa kanilang dalawa ni Mama.

“Good afternoon din, Hija, pasensiya ka na at nandito nanaman ako.”natatawa niyang saad sa akin. Tipid naman akong ngumiti sa kanya.

“You may visit our flower shop sa susunod na linggo.”sabi niya sa akin at ngumiti pa habang binibigay ang isang business card. Tumango naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan banda ang bahay nila rito sa village sure dahil sila naman ang madalas na bumisita sa amin.

“Kayo naman ang bumisita sa bahay sa susunod na linggo! Ipaghahanda ko kayo ng masarap na makakain!”sabi niya sa amin ni Mama.

“Sure, Mare. Oo naman, yayain ko niyan si Nelson.”pagtukoy ni Mama kay Papa. Malapad naman na ngumiti si Tita at tumango.

“Osiya, mauna na ako, see you, ibati niyo na lang din ako kay Nelson at kay Caroline.”sabi ni Tita Demi at kumaway na palabas ng bahay namin. Napatingin naman si Mama sa akin nang tuluyan nang makaalis si Tita Demi.

“Ano ba ‘yang itsura mo, Asterin? Ang dugyot mong tignan.”sambit ni Mama sa akin. Hindi niya ako kailanman pinagtaasan ng tinig ngunit kapag siya na ang nagsalita’y parang isang punyal ang kanyang mga salita na kahit hindi naman niya gustong sabihin sa ganoong paraan ay masasaktan ka na lang. Napayuko na lang ako.

“Sorry, Ma.”sabi ko. Naiiling niya lang akong iniwanan dito sa sala. Napakagat na lang ako sa aking mga labi bago ako umakyat patungo sa kwarto. Napatingin naman ako sa salamin at kita ang mga pinturang nagkalat sa aking damit at maski sa buhok ay mayroon din. Napakagat na lang ako sa aking mga labi, kahit wala naman ito’y mukha pa rin akong pipitsuging panget. Napapikit na lang ako roon.

Minsan hindi ko maiwasang magtampo ngunit ano nga bang magagawa ng pagtatampo ko kung hindi rin naman nila ito pag-aaksayahan ng oras para lang suyuin ako?

Dating beauty queen ang Mama ko kaya halos lahat ng may kilala sa akin dahil sa kanilang dalawa ni Ate. Si Ate’y nagmomodel din sa ilang product, maraming kumukuha sa kanya lalo na’t anak pa naman ni Niela Guanzon the late beauty queen. Minsan, pakiramdam ko’y nahihiya na ang mga ito kapag pinapakilala ako sa ibang tao although sanay na ako, hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan.

“Fuck, how can you get uglier for every fucking single day?”hindi ko maiwasang itanong sa sarili habang nakatingin sa salamin. I can’t help but to hate myself even more. Bakit ba kasi lahat ng gusto ko’y wala sa akin?

Naglakad na lang akong patungo sa cr at madiin na inalis ang mga pinta mula sa mukha maski sa katawan ngunit kahit anong gawin ko’y hindi na ata talaga maalis ang mga markang unting unting nabuo dahil sa pagkainggit ko.

Nang makalabas sa cr, nanatili lang akong makahiga sa kama habang nakatingin sa kisame. Isang malakas na sampal ang ginawa ko sa sarili bago ako tumayo.

“Stop being jealous and stop it with your thoughts, Asterin.”bulong ko sa sarili bago ako naglakad patungo sa study table ko. Imbis na magmukmok ako sa mga bagay na wala naman ako, inabala ko na lang din ang sarili sa bagay na alam kong maituturing kong sarili kong akin. Unti-unti namang nawala ang mga naiisip ko tila ba nasa ibang dimensiyon na. I’m thankful that I have these things, with these? I can run away from reality.

“Asterin.”tawag ni Ate mula sa labas ng kwarto ko.

“Patapos na po.”sabi ko naman sa kanya. Lumabas na rin naman ako ng kwarto kalaunan, magtutungo kami ngayon kina Tita Demi. Nakalimutan ko kaya ako itong hinihintay nila ngayon.

“Bilisan mo naman ang pagkilos, hindi lang naman sa’yo umiikot ang mundo. Marami rin kaming gagawin! Nakakahiya pa kina Tita Demi.”sabi niya nang tuluyan na akong nakalabas ng kwarto.

“Sorry, Ate.”sabi ko na lang at hinayaan itong pagsalitaan ako ng masasakit na salita. Nilingon ko naman ito, kita kong nakaayos na siya. Hindi ko naman mapigilang pagmasdan ang kabuoan niya. She’s really pretty, ang ganda rin ng balingkinitang katawang tila ba bote ng coke.

Hindi kami tulad ng ibang magkakapatid na magsasagutan at magsasabunutan kapag walang sabi sabing hiniram ang damit, hindi kami kailanman nag-away tungkol do’n at hindi rin kailanman nagsabunutan dahil una sa lahat hindi kami ganoon kaclose.

Hindi ko alam kung bakit, siguro’y dahil lumaki ako sa puder ni Lola, ang Mama ni Mama. Noong panahon kasi na child actress pa si Ate’y madalas na wala ang pamilya ko. Si Mama’y madalas kasama sa taping habang si Papa naman ay abala sa trabaho kaya madalas akong ihatid sa bahay ni Lola. Maybe I should visit her next week, medyo matagal na rin noong huling dumalaw ako sa kanya.

“Nagpaganda ka pa ba? Wala ng igaganda pa ‘yan.”dinig ko pang saad ni Ate. Pabiro ‘yon ngunit iba ang dating sa akin, pakiramdam ko’y iniinsulto talaga ako. Stop thinking too much, Asterin. Kung ano ano nanaman ang iniisip mo. Hindi ko na lang pinansin pa ‘yon at sumakay na lang din sa backseat. Tahimik lang akong nakatingin sa labas. Do you ever feel left out even though it’s your family? Pakiramdam mo’y hindi ka belong kahit na pa sarili mong pamilya ang mga ito. Inalon lang ako sa pag-iisip hanggang sa makarating kami sa malapalasiyong bahay nina Tita Demi.

Kinuha ko na lang ang ilang bitbit nina Mama’ng pagkain bago kami lumabas ng kotse, agad din naman kaming sinalubong ni Tita Demi nang makita. Mukhang kanina pa rin niya kami hinihintay.

“Kanina ko pa kayo hinihintay, tuloy kayo sa loob.”sabi niya sa amin at ngumiti. Nakasunod lang naman ako sa kanila habang papasok sa bahay. Si Ate’y nakikipagkwentuhan na kay Tita Demi at pinupuri na ang bahay nito. Hindi naman maitatanggi na talaga ngang maganda ang bahay nila kahit ako’y namamangha rin sa mga mamahaling makalumang mga kagamitang nakadisplay sa iba’t ibang parte ng bahay.

“Good morning po, Tita.”bati ni Kuya Koa na kababa lang at mukhang kagigising lang din. Minemorya ko naman na agad ang itsura nito para sa susulatin kong comics.

“Good morning, Asterin!”nakangiti niyang bati sa akin. Bahagya akong yumuko bago siya binati pabalik. Malapad naman ang ngiti ni Ate na binati ito, nagulat ako ng lagpasan siya ni Kuya Koa. Kita ko ang dumaang inis mula sa mukha ni Ate ngunit hindi ko na ‘yon napagtuonan pa ng pansin lalo na ng kausapin ako ni Tita.

“Akin na ‘yan, Hija, nako, siguro’y kanina ka pa nangangalay. Pasensiya na.”sabi niya sa akin ngunit ngumiti lang ako at umiling.

“Ayos lang po, hindi naman po ganoon kabigat “tipid kong saad bago ibinigay sa katulong ang pagkain na dala namin dahil kinuha na nito sa akin.

Tahimik lang naman ako habang nakamasid lang, ‘di hamak na mas mayaman ang mga ito sa amin ngunit kung titignan mo si Tita Demi ay sobrang simple lamang nitong tignan.

Nagtungo naman na kami sa hapag habang nagkukwentuhan lang sila tungkol sa kung ano, inip na inip naman ako dahil wala naman akong makakwentuhan although kinakausap naman ako ni Tita o ‘di kaya ni Kuya Koa.

“I saw you in the field, ang ganda ng painting mo.”sabi sa akin ni Kuya Koa sa akin, natigilan naman ako roon at bahagyang napatingin kina Mama. They know I like to paint pero dapat priority pa rin ang pag-aaral.

“I can also show you some of my paintings, gusto mong tignan?”tanong ni Ate sa kanya. Nawala naman ang atensiyon ko sa kanila nang mapatingin sa kararating lang at mukhang tulog na tulog pa rin ang diwa na lalaki. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ito. Ito ‘yong lalaki sa bus!

“Good morning, Nak.”nakangiting bati ni Tita rito.

“Pasensiya na kayo sa Anak ko, Niela, napuyat ata kagabi.”natatawang saad ni Tita. Natigilan naman ang lalaki at napatingin pa sa amin, mas lalo akong natigilan nang sa akin huminto ang kanyang mga mata. Bahagya naman akong nag-iwas ng tingin dahil dito.

“Sabi ko naman sayo’y may bisita tayo e.”sabi pa ni Tita Demi sa kanya.

“Sorry, Ma.”saad niya lang bago nagpatuloy sa paglapit.

“Good morning..”malamig nitong saad bago naupo sa katabi kong upuan. Iniwas ko naman ang tingin sa kanya nang mapatingin siya sa akin tila napansin ang pagtitig ko sa kanya. Hindi ko alam na kapatid pala siya ni Kuya Koa.

“Same age lang kayo nitong si Caroline, Hijo!”natutuwang saad ni Tita habang nakatingin sa binatang katabi ko ngayon.

“Yes, Mama, I know him po, batchmate kami!”nakangiting saad ni Ate. She’s already in grade 11. Napalingon naman ako sa lalaki. Halos masamid naman ako nang ibalik niya ang tingin sa akin.

“I hope we can be friends, madali lang naman akong pakisamahan.”nakangiting saad ni Ate sa kanya.

“I’m not.”malamig naman na saad ng lalaki.

“Ikaw talaga, Esai, mapagbiro ka talagang bata ka.”natatawang saad ni Tita sa kanya. Hindi naman nagsalita ang lalaki at nanatili lang sa pagkain. Nagkwentuhan naman na ang mga ito kalaunan. Si Ate’y patuloy pa rin sa pakikipag-usap kay Kuya Koa.

“Can I walk around your garden po?”tanong ko kay Tita Demi dahil wala naman akong ibang magawa rito.

“Yeah, sure, of course you may. Esai, walk her around.”sabi ni Tita kay Esai na siyang tahimik lang din sa isang gilid.

“It’s fine po, I can manage.”sabi ko at ngumiti pa sa kanilang dalawa. Esai look at me as if he wants to murder me or what? Hindi ko alam kung sadyang ito lang ang normal niyang mukha o ano. Baka naman may galit pa rin dahil do’n sa paint?

“Let’s go.”tipid niyang saad bago naunang naglakad sa akin. Hindi naman na ako nakatanggi pa o ano, tahimik lang akong sumunod dito. Hindi rin naman siya nagsalita, hinayaan niya lang din naman akong maglibot sa garden nila. Napakalawak ng garden ng mga ito, punong puno rin ng mga naggagandahang bulaklak. Bahagya pa akong napangiti nang may makitang paru-paro. Sana pala’y dinala ko ang canvas ko. I want to paint it.

Napatikhim naman ako nang makita ko si Esai na siyang nakatingin lang sa akin. Malamig lang ang mga mata nito at tila ba walang kaemo-emosiyon.

“I’m sorry.. sa istorbo.”sambit ko sa kanya.

“You should be.”saad niya kaya bahagyang napakunot ang noo ko ngunit hindi na lang din naman pinansin pa ang sinabi nito. Naupo na lang ako sa wooden bench na nandito sa isang gilid. Preskong presko dahil sa malaking punong nasa gilid. Ganito sila kayaman.

“’Yon lang?”tanong niya kaya bahagya akong napakunot ng noo sa kanya.

“Huh?”tanong ko na naguguluhan sa kanya.

“You’re just sorry about that? Anything else?”tanong niya pa. Napakunot naman ang noo ko.

“I thought you’re already fine?”nakanguso kong tanong.

“Yeah, akala ko rin.”sabi niya naman kaya nilingon ko siya.

“I’ll buy you something.”ani ko.

“Nevermind.”sabi niya at napakibit ng balikat. Naupo naman siya sa kabilang wooden bench. Wala ni isang nagsalita sa aming dalawa. Parehas lang na nakatingin sa kawalan. Kahit na walang nagsasalita sa aming dalawa’y komportable naman ako.

“Esai.”sabi niya kalaunan, binasag ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Nilingon ko naman siya dahil do’n.

“Asterin.”sambit ko at naglahad ng kamay. Matagal niya lang naman ‘yong tinignan kaya aalisin ko na sana ngunit tinanggap niya rin naman.

“Nice to meet you, Elin the sun ray,”saad niya bago tumayo. Agad naman napakunot ang noo ko dahil do’n. Nanlalaki pa ang mga mata ko lalo na nang may mapagtanto. That’s my pen name! Don’t tell me he knows me?

“Do you know who I am?”tanong ko pa sa kanya. Doble doble ang kabang nararamdaman ko habang nanlalaki pa rin ang mga matang nakatingin sa kanya.


Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon