Chapter 12

2K 81 0
                                    

Chapter 12
Asterin’s POV

Napatitig lang ako sa mga painting na nandito sa kwarto, madalas na busy ako sa mga bagay na para lang sa ikasasaya nina Mama na dumating na ako sa puntong hindi ko na nagagawa ang gusto.

“Should I just give you up?”malungkot akong napangiti habang nakatingin sa ilang painting ko, wala na akong oras para magpinta, maski sa school ay kailangan ko lang mag-aral ng mag-aral. Para bang ‘yon na talaga ang buhay ko. I still want to paint ngunit kapag nakatingin sa canvas ay walang pumapasok sa aking isipan. Hindi ko na alam kung tinalikuran na ako nito bago ko pa siya talikuran o ano. I really want to draw again pero hindi ko mahawakan.

Kinuha ko ang lapis at lumapit sa canvas ko. Nakatulala lang ako rito, ramdam ko ang paninikip ng dibdib. Hindi ko na namalayan pang mahigit isang oras na rin akong tulala. Walang maisulat o kahit na ano. I frustratingly put my pencil away. Napahilamos na lang ako sa aking mukha.

“I still want to paint.. I want to draw..”pabulong na saad ko. Please.. give me back all those ideas.. all those perpefectly artwork I have in my mind.

Hindi ako umalis do’n, mas lalo lang nanikip ang aking dibdib, it feels like it was telling me that I can’t do this, hindi pwedeng maging magaling ka sa lahat. Hindi mo kayang pagsabayin ang kung ano.

I fell like it was talking to me, na wala akong kayang gawin.. It makes me doubt myself even more. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko bago lumabas ng kwarto. Nagtungo lang ako pababa para magpahangin lang.

“Hey!”nakangiting bati sa akin ni Ate Elai. Bahagya akong nagulat nang makita siya. Mukhang kasama rin naman niya si Tita Demi.

“Tita, is it fine to have a date with Astetrin?”nakangiting saad ni Ate Elai kay Mama. Napatingin naman ako kay Mama na tumango lang din naman.

“Wala naman siyang gagawin ngayon, it’s fine, Hija.”nakangiti niyang saad kay Ate Elai.

“Talaga po? You heard that, Asterin, bawal ka ng tumanggi!”natatawa niyang saad sa akin at agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko.

“Do you want to come with them, Caroline?”tanong ni Mama kay Ate. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Ate Elai sa kanya, umiling lang naman si Ate. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa, napailing na lang ako.

“I’ll change my clothes first, Ate.”sambit ko kay Ate Elai. Napatingin naman ako sa paraan ng tingin nito.

“Do you want to go to my room, Ate?”tanong ko sa kanya.

“Talaga?”agad lumapad ang ngiti nito habang nakatingin sa akin, agad niya ring ikinawit ang mga kamay sa akin. Napangiti na lang ako at tumango. Naglakad naman na kami patungo sa kwarto ko.

“I told you stop calling me Ate.”sabi niya habang naglalakad kami paakyat sa taas. Napanguso ako do’n.

“Sobrang busy mo! Halos hindi na kita makita kapag bumibisita ako rito! Mabuti na lang ay naabutan kita ngayon.”malapad ang ngiting saad niya.

“It’s fine tho, atleast you’ll hang out with me today.”sambit niya pa. Pumasok naman na kami sa loob. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya nang makita ko siyang natigil sa harap ng pinto.

“What’s wrong, Ate?”tanong ko sa kanya.

“I just can’t believe that you’re really sunray! Tignan mo naman ang loob ng kwarto mo parang isang museum!”sabi niya habang pinagmamasdan ang mga artworks na nandito sa loob.

“Ayaw mo bang ibenta ito?”tanong niya.

“Hmm, hindi pa naman po ganoon kaganda.”natatawa kong saad at hinayaan siyang tumingin tingin dito sa loob habang naghahanap naman ako ng damit na maisusuot.

“Anong hindi ganoon kaganda?”napailing na lang siya sa akin at namilit pa ng ilang beses. Napakibit na lang ako ng balikat, I’m not even sure if I can paint something like that again.

“You stop updating your comics, are you that busy with your personal life?”tanong pa niya sa akin habang nakatitig lang sa isang painting dito.

“Don’t get me wrong ahh, I’m not forcing you to update saka it’s not even your responsibility, you’re free to stop creating comics if that’s what you want.”sabi niya pa at nginitian ako.

“But I just can’t stop to wonder lang, you like it so much, despite your busy schedule noon, madalas mo pa ring sabihin sa akin na you really like to paint o ‘di naman kaya’y ang pagdodrawing kaya hindi ko lang mapigilang mag-isip kung ganoon ka ba kaabala..”sabi niya ay ngumiti.

“Still, it’s your decision, curious lang, pasensiya na.”natatawa niya pang saad, hindi ko naman mapigilang mapaisip do’n. Tama naman siya roon, ganoon ko nga kagusto ang mga bagay na ‘yon.

“I don’t know.. maybe I was done with that phase of my life? Maybe it’s time to forget that?”nakangiti ko pang tanong sa kanya. aNanliit naman ang mga mata nito sa akin dahil dito.

“Hmm, it will be a really big loss for me, you know how much I like your comics, right?”nakangiti niyang tanong sa akin. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi. Yeah, that’s right, someone’s also waiting for me to update, to draw.

“But it’s bigger loss for you tho, it’s been a part of you.”aniya.

“For me, I’ll just wait, no mayter jow long it takes, I’ll be there to read your comics.”nakangiti niyang saad bago ako mahinang tinulak papasok sa loob ng cr.

“For now, let’s just enjoy ourseleves.”sabi niya at nginitian ako. I can’t stop thinking about what she said, that’s right, someone’s waiting for me. It feels good but at the same time the burden is really heavy thinking that someone’s waiting for my works, paano kung hindi na nga talaga ako makapagdrawing? Kapag hindi na talaga makapagpinta?

‘Yon lang ang iniisip ko hanggang sa tuluyan na akong matapos magbihis at makapag-ayos. She’s patiently waiting for me habang palakad lakad lang sa kwarto at pinagmamasdan ang mga painting ko. Akala mo nga talaga’y nasa isang museum siya. Agad naman siyang ngumiti at niyaya na akong lumabas.

“Want to sell it? I have some friends who really like artworks.”nakangiti niyang saad. Sino ba naman ako para tumanggi sa oportunidad, hindi ba?

“Ma, Tita, We’ll go na po! See you later, baka late na po kaming makauwi.”nakangiting saad ni Ate Elai at kumaway pa kina Mama at Tita na siyang pinapanood lang din naman ang kilos naming dalawa.

Bahagya naman akong nagulat nang makitang may kotse kotse ‘tong dala, agad ko siyang pinanliitan ng mga mata.

“What? I have student license, Miss.”natatawa niyang saad bago ako pinagbuksan ng pinto. Pumasok na lang din naman ako. Amoy na amoy na agad ang mabangong halimuyak na nanggagaling dito sa loob ng kotse niya.

“First, let’s eat, sobrang gutom na ako!”sabi niya kaya napatango na lang ako at nilingon siya.

“Not being nosy but do you play sport, Ate?”tanong ko sa kanya.

“What do you think?”tanong niya at malapad pang ngumiti sa akin. Tumango naman ako sa kanya dahil do’n.

“Hmm, boxing.”nakangiti niyang saad kaya napaawang ang mga labi ko.

“Really? Right! That’s why you said na may training ka pa. I thought you’re just in track and field or something like that.”sabi ko at hindi maiwasang mamangha sa kanya.

“Tell me if someone’s bullying you, I’ll punch them for you.”sabi niya pa kaya hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.

“You can do that?”tanong ko kaya nanliit ang mga mata niya.

“Why? Someone’s bullying you?”tanong niya. Napatawa naman ako at umiling.

“Nah, I just thought that athlete can’t use their skills for revenge or something like that.”sabi ko naman.

“Yes, we can’t,”natatawa niya namang saad. Nag-usap lang kami tungkol sa kung ano. Masaya talagang kausap si Ate Elai, madali lang siyang pakisamahan. Nagkukwentuhan lang kami nang makarating sa isang restaurant maski nang kumain ay ganoon lang din, ang dami lang din naming napag-usapan tungkol sa kung ano ano. Minsan nga’y kinukwento niya pa si Kuya Koa o ‘di naman kaya si Elai.

Close na close talaga silang tatlo, hindi ko naman maiwasang mainggit do’n. I wish kami rin ni Ate. Napakibit na lang ako ng balikat dahil imposible na ring mangyari pa.

“Can we take a photo together?”excited niyang tanong. Pinaglaruan ko naman ang aking mga daliri dahil do’n. I’m not really up with taking pictures, hindi naman kasi ako ganoon kagandahan.

“Why? You’re not uncomfortable?”tanong niya sa akin.

“It’s fine.”nakangiti niyang saad at agad binaba ang phone niya.

“It’s fine, Ate Elai. Let’s take a photo.”sabi ko na lang, tinignan naman ako nito at kita ko rin ang pagdadalawang isip niya ngunit nginitian ko lang siya. Hindi naman sa takot ako sa camera o ano. It’s just that, I’m not that pretty. Ngumiti lang din naman ako do’n.

“Oh, I like this one, we look so cute.”nakangiti niyang sambit at pinakita ang isang litrato namin. Ngumiti na lang ako dahil hindi naman talaga ako nagagandahan sa sarili.

“If ever na bumisita kayo old house namin, let’s visit our gym.”nakangiti niyang saad sa akin. Tumango naman ako sa kanya dahil do’n. Malaki rin naman ang chance ma magpunta kami roon dahil naririnig kong nagkakayaan sina Mama but I don’t think I’ll have the time to do so.

Nang matapos kaming kumain ay nagtungo na kami papunta sa mall.

“Let’s shopping.”sabi niya at nginitian ako bago ako hinila patungo sa loob. I’m ugly but my fashion sense is not that bad. Minsan nga lang ay hindi ako confident sa mga suot dahil pakiramdam ko’y hindi bagay sa akin sapagkat hindi ako kagandahan o ano.

“Try this one.”sabi niya at parehas pa kaming natawa dahil halos sabay naming hinawakan ang damit.

“Well, I think same taste talaga tayo!”natatawa niyang saad at malapad naman akong napangiti dahil do’n.

Nalibang naman kaming parehas sa pagtingin ng mga damit, hindi ko talaga aakalaing boksingera ito gayong mukha siyang model. Well, hindi mo naman din kasi makikilala ang isang tao base lang sa mukha nito. Hindi ko rin pinagsisihan na sumama ako rito dahil nawala ang isipan ko tungkol sa kung ano.

Sabay naman kaming napatingin sa kanyang phone nang makitang may tumatawag doon, agad na napakunot ang noo niya at papatayin na sana ang tawag ngunit nakita rin ata ang pangalan ng tumatawag.

“Excuse me lang, Asterin.”sabi niya sa akin. Ngumiti lang naman ako at tumango, hindi naman din siya gaanong lumayo sa akin.

“Hello?”bungad niya rito.

“What? I don’t want to. No way! Bahala ka sa buhay mo.”inis na sabi niya sa kausap. Bahagya naman akong nagtaka habang nakatingin sa kanya.

“What? Are you crazy? Do you really want to ruin yourself like that! Fine! I’ll go there!”inis na saad ni Ate Elai bago nagdial ulit ng number. Maya-maya lang ay nilingon niya na ako, hinilot muna ang sentino bago niya ako nilingon.

“I’m sorry about that, Asterin. There’s an emergency, can we continue our date next time?”nag-aalanganin niyang tanong sa akin.

“It’s fine, Ate.”nakangiti kong saad sa kanya at umiling pa.

“Thanks for today tho, I think I really need this.”sabi ko sa kanya. Guilty naman itong nakatingin sa akin kaya napatawa na lang ako at napailing sa kanya. It’s completely fine, wala naman kasi talagang problema roon.

“Don’t worry about it.”sabi ko pa.

“I’m really sorry, kukutusan ko talaga si Danilo kapag nakita ko.”bulong bulong niya kaya napatawa ako sa kanya.

“Esai will be here any minute. Let’s buy some clothes before he come.”sabi niya at hinila ako patungo sa loob.

“I’ll borrow his motorcycle.”nakangisi niyang saad nang makita ang pagtataka sa mukha ko. Napatango naman ako doon. Maya-maya lang ay dumating na ang nakasimangot na si Esai habang papasok dito sa loob.

Agad naman siyang kinawayan ni Ate Elai, sinimangutan niya ito ngunit natigil nang mapatingin sa akin.

“Hi,”nakangiti niyang saad.

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon