Chapter 38
Asterin’s POV
Halos maibalibag ko ang phone nang makita ang reply ni Esai pagkatapos ng ilang oras kong paghihintay.
“Bakit, Ms. Ae? Anong nangyari?”nag-aalalang tanong sa akin ni Maricel. Medyo kinabahan pa siya sa akin kaya umiling lang ako.
“It’s nothing.”ani ko at nag-iwas ng tingin.
@EsaiGallejo: It’s fine. It doesn’t bother me.
Hindi ko naman alam kung anong irereply ko roon kaya nangalumbaba ko lang binitawan ang phone ko bago nilapag dito sa lamesa. Napatitig lang ako roon kaya napatingin sa akin ang ilang staff.
“Anong meron?”dinig ko pang bulong nila.
“Ewan, baka may hinihintay na offer?”tanong naman nila. Mag-uusap na nga lang ang mga ‘to’y dinig na dinig ko pa. Hindi ko na lang pinansin pa. Agad akong napatingin do’n nang may message pa siya.
@EsaiGallejo: How about you? I’m sorry about the ruckus I have done just by following you…
Hindi ko alam kung anong problema ko at para akong tanga na nakangiti ngayon dito dahil lang sa kanya. Hala ka, Asterin, ano ba ‘yang pinaggagawa mo?
@AeEndrano: Nah, it’s actually okay, sanay na ako hahaha
Shocks.
Ilang beses ko pang binalikan ang chat ko sa kanya, parang ang feeling close ko naman masiyado. Nakakahiya.
“Ma’am Ae.”natauhan lang ako sa pag-iisip nang mapatingin kay Maricel.
“Uhh… yeah, let’s go.”sabi ko kahit hindi naman talaga nakikinig sa sinasabi nito.
“May nagpapabigay po.”sabi niya at iniabot ang lavender na bulaklak. Napanguso naman ako at inisip na wala naman akong award na natanggap o ‘di naman kaya’y project na natanggap, laging mayroong ganito kapag ganoon.
“And may kasama pong fresh fruits.”sabi niya na pinakita pa ang prutas na nakatupper ware. Tinanggap ko naman ‘yon, nakasealed naman kaya mukhang wala namang lason.
Hindi na ako nakatanggap pa ng reply kay Esai kaya inabala ko na lang ang sarili sa pagbabasa ng script kaysa mag-isip pa ng kung ano.
Maya-maya lang ay nakita ko ang phone ko, nakita ko ulit ang chat mula kay Ate Elai. Nagchat ako sa kanya kagabi. Napangiti naman ako ng reply-an siya.
@Elaimwaps: Oo nga, nabanggit nga ni Esai! Miss na kita! Kailan ka hindi busy? Dami mong projects! Manlibre ka naman mwehehehe
Napangiti naman ako sa reply nito, kahit kasi ang tagal na naming hindi nag-uusap, hindi pa rin awkward si Ate Elai.
@AeEndrano: Sure, Ate, I’m available this fri po, pupwede ka?
@Elaimwaps: Oo, available din akong maging jowa kaya ireto mo ako kay Silas!
Napatawa naman ako sa chat niyang ‘yon, isang beses ko lang nakatrabaho si Silas, sikat na sikat din kasi ‘yon. Hindi artista kung hindi director, siya ng pinakasikat na director ngayon dahil siya ang pinakabata. Well, ubod naman ng sungit, kailangan ay perpekto lahat.
Natatawa ko lang nireply-an si Ate bago ako napatingin kay Mama Ella na naniningkit ang mga mata sa akin.
“Aba’t sino ‘yang kausap mo, Asterin?”tanong niya sa akin.
“Si Ate Elai, Mama Ella. I’ll go this friday, huh? Wala naman pong gagawin.”sambit ko sa kanya.
“Anong wala? Ang dami mo pang project!”aniya ngunit alam kong pagbibigyan din naman ako nito dahil hindi naman ako madalas manghingi ng day off saka masiyadong maraming projects na tinatanggap ang agency para sa akin na ayos lang din naman. Saka mababawasan na rin ‘yon next week dahil magsisimula na akong mag-aral ng business.
Mabilis lang din naman na dumating ang friday, nakaayos na ako ng lumabas ng bahay. Nasuot din ang mask at cap. Nagpaalam pa ulit kay Tita bago ako sumakay sa aking kotse.
“Hello, Ate, papunta na po ako.”sambit ko sa kanya. Sa Shangrila Plaza Mall kami magkikita ngayon, hoping na wala namang gaanong tao.
“Yeah, sure, Asterin, I’m already near! See you!”sambit niya kaya napangiti na lang din ako. Maya-maya lang ay nakarating na rin ako sa shangrila plaza. Agad ko rin agad na nakita si Ate, sinalubong niya ako ng yakap.
“Omg! I miss you so much! Ang tagal nating hindi nagkita!”sambit niya na mahigpit akong niyakap. Napangiti naman ako roon. Sobrang gaan ng pakiramdam kapag si Ate Elai ang kausap, sobrang dami niyang kwento.
“Sobrang ganda mo na! Sikat na sikat pa! Ang dami mo na sigurong manliligaw no?”nakangiti niya pang tanong sa akin.
“Wala po, Ate.”natatawa kong sagot dahil ‘yon naman talaga ang totoo.
“Sus! Maniwala!”sambit niya kaya napatawa ako. Nagkwentuhan naman kami patungkol sa kung ano ano.
“Boyfriend, wala naman no?”tanong niya pa sa akin. Umiling naman ako roon, hanggang ngayon ay nbsb pa rin. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang taas kasi siguro ng standard na sinet ng first love ko. Hindi ko lang maiwasang ikumpara ang mga ito kay Esai. Kapag may sumusubok, naiisip ko lagi ito. I don’t know what’s wrong with me. Hindi rin naman ako sumubok na magentertain. Hindi ko naman sinasabing sa limang taon ay naiisip ko ‘to. Siguro’y may mga araw din na hindi, na mas una ang sarili, na nakakalimutan din ito.
“Paano kung may manligaw na hindi artista? Ayos lang sa’yo?”nakangiti niyang tanong sa akin.
“Oo naman, Ate. Hindi naman po ako mapili.”sambit ko ngunit napatawa siya sa akin. Ganoon din ako sa sarili, sinungaling.
“Kaya pala wala pang boyfriend, hindi mapili.”nagkunwari pang tumango tango ito ngunit mukhang hindi naniniwala.
“How about you and Kuya Lien, Ate?”tanong ko kaya halos masamid siya sa sariling laway.
“Ang hilig mong mambigla sa nga tanong mo.”natatawa niyang saad ngunit nakitaan ko ng sakit ang mata.
“Wala na, matagal ng wala.”natatawa niyang saad at iniba pa muli ang usapan. Napagkwentuhan pa namin ang mga nangyari noon. Mga oras na masaya siyang nagtatanong kung sino ang end game at kapag sasabihin ko’y agad niya rin akong pipigilan sumagot. Nakakamiss din pala.
“Hmm, I still read webtoon ngunit isang creator na lang ang sinusuportahan ko, paano huminto na ang isa.”sambit niya at napanguso pa sa akin. If you just know Ate, ilang beses kong sinubukang ihinto ngunit wala e, frist love ko ‘yon, sobrang hirap bitawan. Maybe, Ate plagiarized my work but she can’t never plagiarize a mind. Maybe she’s a great creator but a good writer won’t steal work from others. Well, wala naman na akong sama ng loob ngunit kapag naiisip ko’y hindi ko maiwasang manghinayang. It’s my piece after all.
Agad nanlaki ang mga mata ko nang makita kung kanino ‘yon. It’s mine. My work. Napansin naman ni Ate Elai ang naging reaksiyon ko. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
“Omg! Don’t tell me it’s yours? Sabi ko na nga ba kaya pamilyar e! Soulmate talaga tayo!”kinikilig niyang saad. Maski ako’y ganoon din, hindi ko maiwasang mapangiti, I can’t believe na kahit sa bagong account ko’y number 1 supporter pa rin si Ate. Grabe, hindi ko inexpect ‘yon.
“Dahil diyan, sagot ko na ang pagkain natin.”natatawa kong saad.
“Aba’t talaga namang libre mo ito!”nakangiti niyang saad, napatawa naman ako roon.
Umorder lang kami ng kung ano ano. Sobrang dami lang naming napagkwentuhan hanggang sa hindi na namalayan na napuno na rin pala ng tao mula rito sa loob ng Cibo. Ang ilan ay kumukuha ng litrato. Parehas nanlaki ang mga mata namin ni Ate. May ilan na ring lumalapit.
“Hello, Miss, ikaw po ba ‘yan, Ms. Ae?”tanong nito sa akin.
Awkward naman akong tumango. Mas nakakahiya naman kung sabihin kong hindi gayong obvious naman. Dinumog na tuloy kami ng tao sa loob, hiyang hiya ako kay Ate Elai dahil hindi man lang namin nasulit ang pagkain at paggala.
“Sobrang sorry talaga, Ate, bawi na lang ako next time.”nahihita kong saad nang palabas na kami ng mall at pauwi na rin.
“Hmm, if you really want na bumawi, come in our house! Miss ka na ni Mama pati na rin ni Kuya Koa at lalong lalo na si Esai.”sambit niya ngunit napailing ako roon, imposible naman ‘yon.
“I thought nasa abroad na po si Tita?”tanong ko dahil akala ko’y doon na sila for good.
“No, nagbakasiyon lang sila roon nina Esai at Kuya Koa. Binisita ang puntod ni Lolo.”aniya at ngumiti pa sa akin.
“Basta ahh? Bisita ka! Miss na miss ka na namin!”sambit niya pa. Bahagya naman akong tumango roon.
Mabilis lang din naman na natapos ang araw ko, it’s really fun hanging out with Ate kahit na hindi rin kami gaanong nakalibot sa mall.
“Are you sure you’re ready for that commitment, Asterin? Sure ka bang kaya mo? Baka mamaya’y ‘yang kalusugan mo naman na ang kapalit.”sabi ni Mama Ella sa akin.
“Kaya ko po, Mama Ella, I really want to do this, I want to learn, gusto kong maging handa.”sambit ko sa kanya.
“Alam mo, wala namang masama kung maghahanda ka o ano, but still, you should enjoy living in the present, Asterin.”aniya.
“I’ll do this to pursue my dream again, I want to paint all over the world.”sambit ko at ngumiti pa. I’m really serious, sa ilang taon ay halos hindi ko na masilayan ang pagsikat ng araw at ang paglubog nito. Someday, I’ll travel and paint the sunset. In different places and different time.
Napatitig naman sa akin si Mama Ella, bahagya naman siyang ngumiti sa akin ngunit nakitaan ko siya ng awa. Napanguso naman ako roon, she should be proud of me instead.
“Ayaw mo bang related na lang sa art ang kunin, Nak? I know how much you like it.”sambit niya at ngumiti sa akin. Gusto ko. Nakailang beses kong pinag-isipan ‘yon, kaya lang ay gusto kong pag-aralan muna ang pagmamanage ng business para sa kanilang dalawa ni Mama. I want to do it first before pursuing what I want.
“It’s fine, Tita, I’ll go now!”nakangiti kong saad at kinawayan siya.
“Mag-ingat ka roon, I know na walang gaanong tao sa university ngunit huwag mong hayaang kuhanan ka ng litrato.”paalala niya pa sa akin. Tumango naman ako roon. Gabi lang kasi ako pupwede, gusto nga ni Tita na through online na lang ngunit alam kong wala naman akong matututunan kung ganoon, sayang lang ang babayaran ko kung sakali.
Sumakay naman na ako sa kotse ko at nagtungo sa university na papasukan, wala namang uniform or proper clothing na required kaya nakahoodie ako at pants dahil medyo malamig na rin ang simoy ng hangin. Tahimik lang naman akong nakaupo sa isang gilid, kaunti lang ang estudyanteng narito, mukhang kaunti nga lang talaga ang kumuha ng panggabi. Mukha ring antok na antok na ang iba habang buhay na buhay naman ang diwa ko.
Hindi ko alam kung dahil unang araw pa lang o talagang sobrang excited lang akong mag-aral. Akalain mong ang gusto kong takasan noon, ako na mismo ang lumalapit.
Ilang oras lang naman ang klase ko kaya nang matapos, payapa naman akong lumabas ng classroom, mukhang puyat talaga ang mga estudyante at laking pasasalamat ko na walang nakapansin. Huwag kang magmafeeling, Asterin, baka hindi ka lang talaga gaanong sikat.
Napagpasiyahan ko namang lumabas ng university dahil ngayon na lang ulit ako makakapaglakad lakad kung sakali, hindi ko maiwasang matigil nang mapatingin sa tapat ng university, hindi ko alam kung ito ba ang studio ni Esai gayong sa litrato ko lang naman nakikita ngunit nang makita ko siyang lumabas habang abalang nakatingin sa phone niya saka lang ako nakasiguro.
Hindi ko naman maiwasang pagmasdan ito habang suot suot ang puting polo at black pants, akala mo’y modelo. Seryoso lang ang kanyang mukha habang naglalakad patungo sa kanyang kotse. Pinanood ko lang siya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
Hindi ko mapigilan ang namuong ngiti mula sa mga labi ko, I can’t believe it, para akong bumalik sa pagkahigh school dahil pakiramdam ko’y mas lalong nadagdagan ang inspirasiyon ko para pumasok araw araw. Napailing na lang ako sa sarili dahil sa naisip. Ganoon pala talaga no? Kapag first love mo, ang hirap kalimutan.
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Teen FictionPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...