Chapter 3

3.1K 94 6
                                    

Chapter 3
Asterin’s POV

“Hoy, kung tubig lang ‘yang pag-iisip mo, sigurado ako lunod ka na.”sabi sa akin ni Macy. Napanguso naman ako bago ako umayos ng upo.

“Ano nanaman ‘yang nasa isip mo, Asterin?”natatawa niyang tanong sa akin. Umiling lang naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan si Esai na he just saw my name sa pen na dala dala ko. Well, ano naman kung kilala niya ako? It doesn’t actually matter. Hindi naman siguro niya sasabihin ‘yon kina Mama o kahit pa kanino.

“Let’s go. Aba’t kanina pa tayo tinatawag.”sabi niya sa akin. Napatango naman ako dahil lalabas kami ngayon para sa p.e, wala naman kaming gagawin dahil huling subject naman na ito. Dinala ko na lang din ang sketch pad ko dahil free time naman namin ito.

“Dito na ako, sige na’t makipaglaro ka na roon.”natatawa kong saad kay Macy.

“Oks ang ahh?”tanong niya naman sa akin. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Naging abala naman ako sa pagdodrawing, napangiti lang ako rin ako nang makita ko silang nagkakatuwaan habang iba’t iba ang pinagkakaabahalan.

“Hey.”nakangiting saad sa akin ni Ryan. Tipid ko naman siyang nginitian bago binaling ang mga mata sa aking dinodrawing.

“Ang ganda talaga ng mga art works mo no?”nakangiti niyang tanong bago naupo pa sa tabi ko. Hindi ko naman mapigilang ang pag-ismid dahil sobrang lapit nito sa akin.

“Salamat.”tipid kong saad. Alam ko na ang ganitong mga style. Paniguradong magpapalakad lang ito kay Ate. Baka hindi nanaman pasok sa standard ni Ate kaya sa akin nanaman sila nagpapatulong, ako nanaman ang ginagamit para mapalapit dito although napaka wrong move naman no’n dahil mismong ako’y hindi naman close sa kanya.

“Ang ilap mo naman, hindi naman kita sasaktan o ano.”natatawa niya pang saad sa akin.

“Sorry but can you move away? You’re making me uncomfortable.”seryoso kong saad sa kanya. Natigilan naman ito bago natatawang nagtaas ng kamay.

“Oh, sorry.”sabi niya at tumayo na.

“Akala mo naman kagandahan.”dinig ko pang bulong nito. Napahigpit naman ang hawak ko sa ballpen dahil sa sinabi niya. People doesn’t really mind kung ano mang lumabas sa bibig nila no? Lagi’y ang sarili lang ang iniisip. Ni hindi rin nila alam na bawat salitang binibitawan ng mga ito’y nakapalaking epekto para sa ibang tao. Baka para sa kanila’y wala lang ‘yon pero buong buhay naman nang iniisip at iniiyakan ng iba.

Isang malakas na buntong hininga pa ang ibinuga bago nanatili ang aking mga mata sa dinodrawing, nawala na ako sa pokus dahil sa sinabi ni Ryan. Napakagat ako sa aking mga labi bago iritadong umalis sa kinauupuan ko. Alam ko naman na hindi ako kagandahan, noon pa. Pero kailangan ba talagang isampal sa akin ‘yon. Nagtungo na lang ako sa art room dahil do’n lang naman ako kakalma.

Nagsimula na lang akong magpinta ng kung ano. Napangiti na lang din ako nang matapos dahil maganda ang kinalabasan no’n kahit iritado ako habang nagpipinta kanina.

“Asterin, ikaw nanaman ang naiwan dito.”napatayo naman agad ako nang makita ko si Kuya Mave.

“Sorry, Kuya!”natataranta kong sambit habang nililigpit ang ilang gamit. Napatawa naman siya ng mahina dahil sa akin.

“It’s fine, ang akin ang ay gabi na, paniguradong tatanungin ka nanaman ng parents mo kung saan ka galing.”sambit niya sa akin. Napakagat naman ako sa aking labi bago napasilip sa bintana. Hindi ko nanaman nalamayan ang dilim.

“It’s fine, Kuya, kaya naman pong magtago.”sabi ko at bahagyang ngumiti. Sa dinami dami ng lalaki rito sa St. Empire, ito lang ang nag-iisang lalaking hanggang ngayon ay gusto ko pa rin. Sobrang bait at higit sa lahat sobrang galing magpinta.

“Knowing you? Probably not.”natatawang saad niya.

“Paniguradong mahuhuli at mahuhuli ka rin nina Tita.”natatawa niyang sambit. Isa siya sa mga kaibigan ni Ate at madalas na nagpupunta ito roon.

“Let’s go, ihahatid na kita.”sabi niya sa akin at ngumiti. Agad naman akong umiling sa kanya.

“It’s fine, Kuya, I can manage naman po.”sabi ko at nginitian siya.

“Huwag ng magmatigas pa, Asterin, para hindi rin mag-aalala sina Tita.”aniya na binigyan ako ng malapad na ngiti. Napabuntong hininga na lang ako bago sumunod sa kanya. Kapag kilala kasi nina Mama’y hindi naman ako pinapagalitan lalo na kung kaibigan pa ‘yan ni Ate.

Katulad nga ng sabi niya’y hinatid nga ako nito sa bahay. Nang makarating doon ay agad akong nagpasalamat sa kanya.

“It’s fine, Kuya, ako na lang po ang kakausap.”nakangiti kong saad sa kanya.

“Are you sure?”tanong niya sa akin. Tumango naman ako kaya nginitian niya ako bago siya kumaway na sumakay sa kotse niya. Pinanood ko lang itong tuluyan na naglaho mula sa mga mata ko. Napakurap naman ako nang mapatingin sa gilid ko. Anong ginagawa ni Esai rito?

“What are you doing here?”tanong ko sa kanya.

“Hmm, My mom’s inside, they are talking about boring things again.”sabi niya kaya bahagya akong napatawa. Well, kahit paano’y parehas kami ng naiisip patungkol do’n.

“How’s your date?”casual na tanong niya.

“Huh?”naguguluhan kong tanong sa kanya. Nagkibit na lang siya ng balikat at nauna na rin namang naglakad papasok sa loob. Hindi naman ako dumaan doon. Agad akong sinalubong nina Manang sa likod ng bahay.

“Sinabi namin na nasa kwarto ka lang, kanina ka pa pinapalabas ng Mama mo.”sabi ni Manang sa akin. Tumango naman ako at umakyat dito sa ladder na dala nila. Sina Manang lang naman kasi ‘tong matatawag kong kakampi ko pagdating dito sa bahay. Nagpasalamat din maman ako sa kanila at nagthumbs up lang ang mga ito.

Nang nakapag-ayos na’y lumabas na rin naman ako ng kwarto. Agad kong binati si Tita Demi nang makita.

“Good evening po, Tita,”bati ko sa kanya at ngintian pa siya ng tipid. Malapad naman ang naging ngiti niya sa akin. Agad ko ring nakita si Ate na siyang abalang abala sa ginagawa habang kinakausap si Kuya Koa na siyang nasa abala lang din sa pagcecellphone. Makikita rin ang kaseryosohan sa mukha nito at mukhang naiirita na kay Ate. Hindi ko alam ang totoo, well, base lang naman ‘yon sa obserbasiyon ko.

“Ma, uwi na ako.”dinig kong pabulong na saad ni Kuya Koa kay Tita. Sinamaan naman siya ng tingin nito. Siya namang pasok ni Esai sa loob.

“I’ll go home, Ma, nandito naman si Esai, ipagdadrive ka niya pauwi. ‘Di ba, Sai?”nakangising saad ni Kuya Koa sa kanya. Tumango lang naman ito bago siya inirapan. Kita ko naman ang malapad na ngiti ni Kuya Koa. Nginiting tagumpay talaga ito bago nagpaalam sa Mama niya.

“Pagpasensiyahan mo na ang panganay ko, Niela.”sabi ni Tita at bahagya pang natawa. Umiling naman si Mama roon at ngumiti.

“Ako nga dapat ‘tong nagpapasensiya dahil isa rin ‘tong bunso ko, mas gusto pang manatili sa kwarto kaysa magtungo sa kung saan.”natatawa niya pang saad.

“Nako, parehas na parehas sila niyang si Esai. Parang wala kang kasama sa bahay.”natatawang saad ni Tita. Napatingin naman ako kay Esai na siyang pinagtaasan lang naman ako ng kilay. Mas napadalas pa ang pagbisita ng mga ito sa bahay at ganoon din naman kami, ‘yon nga lang ay madalang ko lang din naman na makausap ang mga ito dahil kapag nasa bahay sila’y madalas akong abala sa comics na ginagawa. May tinatapos pa kasi akong mga scene at sobrang dami ring ideya na pumapasok sa utak ko kapag nakikita ko si Kuya Koa dahil bagay na bagay ang itsura niya sa second lead na ginagawa ko.

Madalas tuloy na dala dala ko ang sketch pad sa school lalo na kapag nakikita ko ito. I really want to ask him of I can use him as my reference. Nakakahiya naman kasi kung para akong stalker na madalas siyang idrawing dito. I wonder if what’s his face kapag nabihisan ng iba’t ibang damit. I really want to find out. Gusto ko talagang tanungin ito kaso’y hindi naman kami ganoon kaclose para hilingin ko. Napanguso na lang ako bago nangalumbaba at iniisip na kung paano ko ba siya tatanungin.

“Asterin.”halos mapatalon ako sa gulat kay Macy nang tawagin niya ako.

“Alam mo, hindi ko alam kung saang lumapalop na napupunta ‘yang utak mo.”natatawa niyang saad sa akin. Napanguso naman ako dahil do’n.

“Alam mo ba, nagdate kami ni Marco kahapon.”pagkukwento niya. Nakinig lang naman ako rito at hindi maiwasang matawa sa ilang kwento nito.

“How about you? Wala ka man lang bang ikukwentong kahit na ano sa akin?”tanong niya na pinaningkitan ako ng mga mata.

“I don’t have anything.”sabi ko naman at ngumiti na lang. I can define my life boring para sa ibang tao. Nothing’s unusual, araw araw ay normal lang. But for me? It was really fun having different ideas every single day.

“Do you want to go with us? Birthday party ni Alysa, sama ka na.”sabi sa akin ni Macy. Bahagya naman akong umiling sa kanya. Hindi naman ako inimbitahan ni Alysa at isa hindi rin naman sa dahilan ay masiyado pa akong maraming gagawin.

“Awwe, alright. Next time then.”nakangiti niyang saad sa akin. Tumango naman ako sa kanya bago ngumiti pabalik.

“Sana’y next time, payagan ka na.”sabi pa niya sa akin. Napakibit na lang naman ako ng balikat doon. Kahit na madalas akong hindi makasama sa kung ano mang mga galaan nina Macy ay hindi pa rin niya nakakalimutang yayain ako saka siya lang itong nakatiis sa pag-uugali ko. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano hanggang sa matapos na rin naman ang klase.

Nagpaalam na rin naman sa akin si Macy at kumaway pa nang sumama sa ilang kaibigan niya rito sa classroom. Nginitian ko lang naman siya at kinawayan pabalik. Iniligpit ko na muna ang mga gamit ko bago ako naglakad palabas ng classroom.

Habang naglalakad na sa labas. Hindi ko naman maiwasang mapatingin kay Kuya Koa na siyang nasa tapat ng classroom namin. Malapad ang ngiti niya sa akin bago ako kinawayan. Napalingon naman ako sa paligid ko dahil baka hindi ako ang kinakawayan nito. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na marami ring humahanga rito nang magtransfer siya rito sa amin. Grade 12 na si Kuya Koa kaya mas matanda lang ng isang taon kay Esai. Wait, should I call Esai, kuya too? Yes, I think I should. He was older than me.

“Hey.”nakangiting saad sa akin ni Kuya Koa.

“Good afternoon po.”bati ko kaya napatawa siya sa akin.

“Napakapormal naman!”natatawa niyang saad.

“Let’s go.”sabi niya sa akin kaya nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

“Opening ng flower shop ni Mama, nandoon na rin sina Tita pati ang Ate mo, sinabi ko namang isasabay kita.”aniya kaya napatango ako. I already have plan for tonight but I don’t think na makakatanggi pa ako lalo na kung si Tita na ang nagsabi.

“Hello there, brother, I thought nauna ka na.”natatawang saad ni Kuya Koa nang makita si Kuya Esai na siyang nasa tapat ng sasakyan. Hindi naman siya pinansin nito at sumakay lang din sa kotse. Napatawa naman si Kuya Koa roon bago niya ako pinagbuksan ng pinto. Bahagya naman akong nahiya dahil hindi naman na ‘yon kailangan at kita ko rin ang pagsulyap ng ilang estudyante sa gawi namin. Tahimik na lang akong pumasok sa backseat.

“You won’t even greet each other?”tanong ni Kuya Koa at ngumisi pa. Napalingon naman ako kay Kuya Esai na siyang tahimik lang ding nasa front sit.

“Good afternoon po, Kuya..”that’s kind of weird lalo na’t hindi naman kami gaanong nag-uusap at ngayon ko lang siya tinawag ng ganoon. Dinig ko naman ang munting halakhak ni Kuya Koa habang si Kuya Esai ay bahagyang kumunot ang noo. Nangalumbaba na lang ako bago ako tumingin sa labas. Nagtatanong lang ng kung ano si Kuya Koa na sinasagot ko lang din naman ngunit hindi rin naman ako nagiinsist ng pag-uusap namin.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa flower shop ng Mama nila. Marami na ang tao roon, susunod na sana ako kay Kuya Koa papasok nang hawakan ni Kuya Esai ang palapulsuhan ko.

“It’s weird.”aniya sa seryosong mukha.

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon